"Nasa office niya po, dok." Mabilis niyang sagot.

Binigyan ko naman siya ng maliit na ngiti bago pinat ang balikat niya para pakalmahin siya.

"Sige. Ako na lang ang pupunta sa kanya. You can go back to your station now."

"S-sige po, dok. Salamat!"

Mabilis naman siyang nawala sa paningin ko.

Kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko nang makaalis na siya. I want to avoid him at all cost pero ito at siya talaga ang gumagawa ng daan para lang magulo ako. Hindi ko na alam kung dapat ba akong mainis o ano?

Lumabas na ako sa opisina ko at naglakad na papunta sa opisina niya. I can feel my palms sweating as I got near to where his office is at. When I saw his name on the door, bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko. Almost pounding my chest as if something's about to go out of it.

I took a long, deep, breath before I knocked at his door. I waited seconds when I didn't hear him reply and knocked again. Doon na siya nagsalita at sinabi na pumasok na ako.

When I opened the door, bumulaga sa'kin ang malinis niyang office. I was a little amazed. Little. Ngayon lang kasi ako nakapasok dito since of course, we are not allowed to just enter our boss' boss office.

My eyes landed on his desk where papers were stacked perfectly. Even his laptop, pens and other stuff were perfectly aligned. A perfectionist like me huh?

I closed the door when I stepped inside. Inilibot ko ang mata sa loob ng opisina niya. He was nowhere to be seen kaya bigla akong kinabahan na baka imagination ko lang 'yong boses na narinig ko kanina at pumasok lang ako dito ng walang paalam.

Naglakad ako palapit sa table niya. Tiningnan ko ang table name plate niya. Deimos Alexander Von Doren. Your name will always sound like someone who has always have authority. Hearing your name makes me feel like I'm one of your servant even though I am not. I will never be your servant.

I was a little surprised when a door opened sa gilid ng opisina niya. Lumabas siya doon, only wearing his long sleeves while his coat is hanging on his arms. Ni hindi niya ako binalingan ng tingin habang naglalakad siya papunta sa desk niya. He placed his coat at the back of his swivel chair before sitting down.

His piercing bluish emerald eyes were now trained to me. Seryoso iyon at malamig. Walang makikinitang ibang emosyon.

"You may sit down, Dr. Villarosa."

Kaagad naman akong sumunod sa sinabi niya. Halata kasing hindi niya gusto ang sinusuway siya kaya't susundin ko na lang ang gusto niya.

Maingat pa akong naupo. I don't want any crease in my doctor's coat when I get out of here.

"So...?" I trailed off with my word.

Hindi niya inaalis ang tingin sa'kin na para bang ayaw niyang mawala ako sa paningin niya. He opened a drawer on his desk before picking up a folder inside it then placing it above the table, in front of me.

Bahagya namang kumunot ang noo ko.

"Open it." He commanded. "You don't believe that you're my wife and I'm your husband so there's your proof." Dugtong niya pa.

Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Now, I'm not very sure if going here is the right thing to do.

When he saw that I was unmoving, he slightly leaned onto the table and pushed the folder to me. Urging me to open it and read what's inside kahit na may ideya na ako kung ano ang nasa loob no'n.

Bumalik siya sa pagkakasandal sa upuan niya at humalukipkip. Making me see the protruding veins on his arms.

"You were so sure that what I said was just a joke, so open that. Let's see if I really am joking."

A Night In VegasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon