K A B A N A T A 18

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tenk-u?" natawa ako sa pagkakabigkas niya kaya napakunot-noo nalang ito. "Thank you ay isang salitang inglis na ang ibig sabihin ay maraming salamat" saad ko sa kanya kaya napatango nalang ito. Feeling ko tuloy ang talino-talino ko.

"Hindi ko inakala na marunong ka talaga sa wikang banyaga kahit na hindi kapa naman nakakapunta sa ibang bansa" ani niya kaya tumango ako at napangiti sa kanya. "Mali ka, sa pamamagitan ng mga binabasa kong libro ay marami na ang napuntahan kong lugar" saad ko ng may halong pagmamalaki. Hindi naman siya nagsalita kung kaya't napatingin ako sa kanya. Agad akong napaiwas ng makitang nakatitig suya sa akin. Ibinaling ko nalang ang pansin sa pagkain.

"Paano mo nagawa ang lahat ng to?" Bulaslas pa niya kaya napakunot-noo ako. Hindi ko kasi alam ang tinutukoy niya. "Paano mo nalaman ang ganuong sakit gayong ngayon palang naman yun lumaganap sa lugar na ito." saad pa nito kaya agad akong napaiwas ng tingin at hindi alam ang sasabihin.

Tumawa nalang ako sa harap niya at agad na napatigil ng makitang nanatiling seryoso ang mukha niya sa akin. "N-Nahulaan ko lang" saad ko sa kanya pero nababakas sa mukha nito na hindi siya naniniwala.

"Kung gayon ay isang hula din ba ang nagawa mo noong gaganapin ang seremonya na kung saan ay detalyado ang lahat ng mga sinabi mo sa kaganapan ng araw na iyun" hindi ko alam kung tanong pa yung sinabi niya pero may halo itong tunog ng sarkastiko. Napaiwas nalang ako ng tingin at napabuntong hininga. Hindi ko maaaring sabihin sa kanya ang totoo at baka isipin niyang nababaliw na ako.

"P-parang ganun na nga, basta maniwala ka nalang sa mga sinasabi ko. Hindi naman ako nagsisinungaling" saad ko sa kanya sabay ngiti pero nanatiling seryoso ang mukha nito. Binilisan ko nalang yung pagkain para makaiwas na ako sa kanya.

Nang matapos na akong kumain ay nauna na akong lumabas para tignan yung kalagayan ng mga bata. Lubos akong nagpasalamat dahil nawala na yung mga lagnat nila kung kaya't sinabihan ko lang yung mga magulang nila na ipagpatuloy lang yung pagpainom ng katas ng tawa-tawa. Pansin ko din na mga payat yung mga bata dito kung kaya't madali silang dapuan ng sakit.




Nakita ko din sa paligid na kaya pala nagkaroon ng dengue ay dahil sa mga tira tirang tubig na nasa basura kung kaya't agad kong nilapitan si Manuel para sa naisip kong plano.

Pagbalik ko sa tinuluyan naming kubo ay wala doon si Manuel kung kaya't hinanap ko pa siya sa kung saan saan. Nagtanong din ako sa mga nakakasalamuha ko at sinabing naroroon daw ito sa gawi ng punong akasya at kasama yung ilang mga bata.

Malayo pa lang ako ay natanaw ko na yung mga punong akasya na sinasabi nila. Nakita ko din si Manuel na nakatayo sa sulok habang nakatanaw sa mga bata na naglalaro. "Manuel" tawag ko sa kanya kaya lumingon ito sa akin habang nakangiti kung kaya't kumabog na naman ng mabilis ang puso ko. Ngayon ko palang nakita yung ganuong ngiti niya kung kaya't naiilang ako't naninibago.



"Bakit?" tanong niya sa akin. Hindi na ako nagabalang tignan siya dahil masyado lang akong naiilang at sa halip ay sinabi na yung pakay ko.

"Mas nakakabuti sa nakakarami na ngayon ay magtulungan ang lahat para sa paglinis ng paligid sapagkat doon nangingitlog ang mga lamok na siyang nagdudulot ng ganitong sakit. Mahirap na at baka magkasakit ulit sila.

Napatango-tango naman si Manuel at sumang-ayon sa naisip ko. Pinatawag nito muna yung isang kawal at sinabing tipunin ang lahat ng tao na nakatira rito. Matapos nun ay nagkaroon na ng anunsiyo si Manuel. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatanaw kina Manuel mula sa bintanan nitong kubo. Nandito kasi ako ngayon sa isang bahay para tignan yung kalagayan ng batang may sakit. Mabuti nalang talaga at maayos na ang pakiramdam nito kung kaya't pinainom ko siya muli ng katas ng tawa-tawa.


Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon