Saktong dumating siya ay nakapag handa na 'ko at bihis.

"pasok ka" muwestra ko sakanya. At siya namang labas nila Mama at Maple sa kwarto.

"hello my baby Maple, tita." bati nito at kinarga si Maple at hinalikan sa noo.

Ang sweet niya.

"magandang gabi hijo." bati rin ni Mama.

"Dada" sabat naman ng maliit na tinig ng anak ko.

"yes baby, you want to come with us hmm?" ngiting tugon ni Davis at hinalikan ito sa pisngi.

"don't worry baby dahil ikaw naman ide-date ni Daddy tomorrow." sabay gigil niya kay Maple.

"right Mommy? de-date tayo nila Maple bukas?" baling na tanong nito sa 'kin

"a-ahmm sige" tipid na tugon ko.

Masaya ako dahil nakikita kong nasisiyahan siya sa anak ko.

Binalik niya si Maple kay Mama at nag paalam na "so, alis na po kami tita."

"sige mag-ingat kayo mga anak" patuya na naman ni Mama at pasimpleng kinindatan si Davis.

Natawa naman ang lalaki.

"Mukhang mahal dito Davis, punta nalang kaya tayo sa mumurahing kainan okay na ako roon." nahihiyang sabi ko dahil 5 Star Hotel ito at puro mayayaman at may mga glamarosang suot.

Sinulyapan ko ang suot ko at biglang nahiya dahil sa palengke ko lang ito nabili.

Buti pa si Davis hindi na i-iba ang suot nito sakanila dahil nabibilang naman talaga siya sa mga ito na mayaman.

"No, it's our first date. Hindi kita papakainin sa mumurahin 'no." naka ngiting tugon nito.

Napayuko ako dahil may mga ibang tumitingin sa amin. 'di naman kasi mapag kakaila na gwapo at matangkad si Davis maganda rin siya manamit at malakas ang dating.

Nabigla ako ng pinalupot nito ang isang kamay sa bewang ko at tinanguan ako at nginitian pahiwatig na wala akong dapat ikahiya.

Lumapit ang waiter at minuwestra kami sa table na ni reserve ni Davis para sa amin.

U-upo na sana ako ngunit inunahan ako ni Davis sa pag-higit ng upuan at nginitian ako.

"Salamat" tugon ko.

"welcome baby" anito ng nakapag panganga ng bahagya sa akin.

"what do you want to eat" tanong nito.

"kung anong sayo 'yon nalang sa 'kin."

Bumaling ito sa waiter at binanggit ang mga kakainin.

"give us two of Main dish, two Turbot and Morels, and two Chocolate Millefueille."

"okay sir, servings will arrive in 10 minutes." anang waiter.

Marami ang in-order ni Davis at masasarap ang mga ito. Kaya pag tapos namin kumain ay sobrang busog ako.

Pinilit niya rin pala akong kuhanan ng picture kanina bago mag umpisang kumain. Tinignan ko naman iyon at maganda naman ang pagkaka ngiti ko.

"You like it?" tanong ni Davis pag-tapos.

"Oo, napakasarap ng pag-kain dito. Busog na busog tuloy ako" ani ko ng medyo nahihiya dahil sa pinakitang kasiyahan.

Natawa naman ito, "we will come back here next time then." anito.

Hinatid ako ni Davis bandang 9 na dahil pinasyal niya pa ako sa mga magandang place roon at nag picture.

Masaya naman ang naging takbo ng gabing 'yon para sa 'kin.

Kinabukasan maagang bumisita si Davis dahil sa pangako niyang date raw kuno naming tatlo nila Maple.

Davis Pov.

I'm glad dahil sa wakas napansin na rin ni Isabella ang nararamdaman ko para sakanya. Yes kaibigan ko si Manu, pero simula ng inilayo siya ng pamilya niya napalapit na ang loob ko sa asawa niya at maging na rin sa anak niya.

I always do my best to contact him, to say that his family needs him so much. Pero wala, alam kong kagagawan ng pamilya niya 'yon kung bakit 'di ko siya ma contact kahit gising na siya at malakas na.

But when the days, months, and year pass by. Nalaman kong parang wala na siyang balak balikan pa ang pamilya niya.

May panahon na dinalaw ko siya roon at kumbinsihin na umuwi rito sa pinas, but it turns nothing. Sabi niya uuwi rin siya, na hindi ko naiintindihan ang ginagawa niya para sa pamilya niya kaya di s

"why don't you go to your family?!, they need you lalo na si Isabella." galit na sabi ko sakanya.

"I can't" seryosong tugon nito.

"bakit ayaw mong umuwi? Hindi mona ba sila mahal?!, kaya nagpapakasaya ka dito kasama ang mga babae mo?!" nanggagalaiting tanong ko. He's asshole.

Sinuntok niya ako dahil doon.

His bloodshot eyes turns on me.

"I loved them so much!, you don't understand me kahit sabihin ko pa sayo ang dahilan. I'm just protecting them!" galit na sigaw nito.

"huh, really? Protecting them?, for whom? Sa pamilya mo? Fuck your reason then!. Dugo at laman mo ang anak ni Isabella so why will your family harm them?!" inis na sagot ko. Damn him, sa walang kwenta niyang dahilan.

Umupo ito at ginulo ang buhok dahil yata sa frustration "you don't understand me"

"but they need you, at kung hindi ka sasamang babalik ng pinas kasama ko you'll regret it." kasabay nito ang pag-alis ko at binagsak ng padarag ang pintuan ng opisina niya.

Hindi siya sumama kaya simula noon pinutol ko na ang harang para sa nararamdaman ko kay Isabella.

She's pretty, soft and caring. Hindi siya mahirap mahalin.

Isang ring sa phone ko ang nag pa alis sa mga isipan kong iyon.

"hello" tanong ko.

"hey dude" tugon nito.

"M-manu?" kumpirma ko.

"yeah, seems you're happy being with my wife huh?" anito at pagak itong tumawa.













My Multi Billionaire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon