Pinagmamasdan ko lamang siya habang ginagawa niya iyon although hindi niya na kailangan gawin iyon dahil kahit hindi niya linisan ang kaniyang mukha ay mukha pa rin siyang perpekto sa mga paningin ko. Tumingin na lamang ako sa bintanang katabi ko at pinagmamasdan ang mga sasakyang dumadaan. Nagiging corny na talaga ako this past few days dahil sa kaniya. Natatakot na ako sa aking sarili.

Namalayan ko na lamang na tapos na ito ng mariniig kong nagbukas sara ang pintuan ng aking sasakyan "Halika na, at baka sabihin mo pa ay hindi kita pinagbibigyan. Dali na bumaba ka na riyan ng makarami tayo tulad ng sabi mo" nangingiting sambit nito na agad ko namang sinunod.

Rain Elouise Climente

Bumaba na ako sa kotse niya, ang sarap talagang asarin ng isang 'to. Agad naman siyang sumunod at umikot para mapuntahan ako.

Ng makalapit siya sa'kin ay agad niyang hinawakan ang aking bewang at hinapit palapit sa kaniya.

Nakaganoong posisyon lamang kami naglalakad hanggang sa makarating kami sa ticketing booth. Bumili siya ng dalawang ticket para sa'min. Ng makabili siya ay agad na kaming pumasok.

Agad na namilog ang aking mga mata ng makapasok sa amusement park na kinaroroonan namin ngayon. Napakaganda at buhay buhay ang lugar.

Ito ang unang beses kong makarating sa ganitong tipo ng lugar dahil gusto man ni Nanay na dalhin ako rito sa mga ganitong pasyalan ay hindi sasapat ang perang napagtratrabahuhan niya.

Pinisil naman ng marahan ng lalaking katabi ko ang aking bewang na siyang nagpabalik sa'kin sa reyalidad.

"Come, let's try that one" sabay turo niya sa hugis barkong swinisway sway sa hangin. Nakakalula tingnan, iniisip ko pa lang na sasakay ako rito ay nasusuka na ako. Grabe kasi ang tilian ng mga nakasakay rito na mas lalo pang nakapagpakaba sa'kin. Vikings ata ang tawag rito dahil iyon naman ang nabasa kong pangalan nito.

"Ayaw ko riyan, tingnan mo nga halos matanggal na ang kaluluwa ng mga nakasakay dahil sa pagsigaw" sagot ko naman rito na tinanguan niya lang.

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang stall. Palaro ito na kung saan gagamit ka ng laruang baril para mapatumba ang mga target mo. Kada baril ay may sampong bala at kapag nagamit ko ang sampong bala para makapagpatumba ng target ay makakakuha ka ng kahit anong gusto mong premyo mula sa pamimiliang nakadisplay rito.

"Gusto kong subukan" bulong ko rito, tiningnan niya lamang ako saka binitawan ang aking bewang.

Linapitan ko ang babaeng bantay ng palaro at sinabing susubukan ko. Ng maibigay niya na sa'kin ang baril ay agad ko itong itinutok sa target.

Sa unang putok ay wala akong natumba, sa pangalawa, pangtlo hanggang sa kalkula ko na lang ay tatlo na lang ang natirang bala ko.

Nafrufrustrate na ako, paano ba kasi ito? Tanong ko sa sarili ko.

Ng ipuputok ko na sana ang ikawalong bala ay bigla akong nakaramdam ng presensiya sa aking likuran. Lumapit ito hanggang sa madikit na ang aking likuran sa kaniyang harapan. Mula sa likod ay iginaya niya ang aking kamay sa tamang ayos. At ng sinubukan kong iputok ang baril ay napatamaan ko ang target na siyang ikinatuwa ko.

Sa sobrang tuwa ko ay bigla akong humarap sa kaniya atsaka siya mahigpit na niyakap. Sinuklian niya naman ang aking yakap hanggang sa makaramdam na ako ng hiya.

Agad akong kumalas sa pagkakayakap namin sa isa't isa at awkward na ngumiti sa kaniya.

Itinuloy ko ang huling dalawa bala at wala na akong natamaan sa mga iyon. Pero masaya ako, kahit papaano ay may natamaan ako dahil sa tulong niya.

Nagpatuloy na naman kami sa paglalakad matapos roon, habang naglalakad ay natanaw ko na may naglalako ng cotton candy. Hinila ko siya papunta roon, at agad na bumili ng dalawa kay manong.

Matapos naming makabili ay may malapit na mauupuan kaya inaya ko siyang maupo roon.

"Are you having fun?" tanong nito sa'kin ng makaupo na kami.

"Oo nag eenjoy ako kahit iyon pa lang ang nagagawa natin, hindi kasi ako napagbigyan na magawa ang ganito noong kabataan ko kaya sa simpleng bagay pa lang na iyon ay natutuwa na ako" pag amin na sagot ko naman rito na ikinangiti niya.

"Don't worry we'll do this often kapag wala tayonh trabaho at day off natin" ngiting sabi naman nito na tinanguhan ko na lang.

Ng matapos namin kainin ang cotton candy ay nagpatuloy na naman kami sa paglalakad, hindi ko maiwasan ang hindi hikabin dahil nabitin ang tulog ko kanina.

Napansin naman ata niya ang paghikab ko at agad na nagsalita "Let's just ride this then we'll go home" sabay turo nito sa ferris wheel.

"Uh okay" tipid na sagot ko rito, ramdam na ramdam ko na kasi talaga ang antok.

Ng makarating kami sa harapan ng ferris wheel ay saktong walang maraming tao kaya agad kaming nakasakay.

Ng maayos na kaming nakaupo ay hinila niya ako pahiga sa kaniyang mga braso.

Hinayaan ko na lamang siya at iniisip na parte ito ng trabaho ko.

Nagsimula ng umandar ang ferris wheel at habang papaakyat ito ay siya namang pagkamangha ko dahil sa ganda ng night view lalo na ang city lights.

Nasa ganoon lamang kaming posisyon ng tumigil ang ferris wheel at natapat kami sa pinakatuktok. Tahimik lamang kami dalawa habang naroroon kami. Minamasdan ang gabing tanawin at ninanamnam ang preskong hangin. Namalayan ko na lamang ang sarili ko na walang pangamba habang nakasandal sa mga braso niya.

______________
Thankyouu!! Thankyouu!! Dont forget to vote and follow me. Lovelots! Stay healthy y'all.

VS1: Kerwin Rondale Vergara (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon