"Anong ginawa sa'yo ni Arius?!" tanong ko pa.
"Kasi galit na galit siya no'ng nakaraan diba tapos no'ng nilapitan ko sya may sasabihin sana ako pero imbes na masabi ko 'yon bigla niyang naihagis 'ypng dagger sa'kin," sabi niya pa dahilan para umawang ang bibig ko.
"Hindi niya man lang kinontrol ang emosyon niya, hayop talaga ang Arius na 'yon!" Inis na anas ko habang nakatingin pa rin sa sugat niya.
"Hindi ko rin alam pero sanay na naman ako, nga pala ako si Maffor." Inilahad niya ang kamay niya, nakangiti ko namang tinaggap 'yon.
"Lavanñera ang pangalan mo 'diba?" tanong niya at nginitian ako.
Napatango ako.
"Oo, halos lahat kayo Lavanñera ang pagkakakilala sa akin pero Nyssa ang code name ko kaya 'yon ang tinawag niyo sa'kin," aniya ko.
"Oo nga, gusto mong malaman real name ko?" tanong niya ulit.
Kaagad na nagliwanag ang mukha ko. Wala pa akong masiyadong kilala rito at ni isa ay walanh nagsabi ng tunay na pangalan nila, tangin siya lang!
"Oo naman!" Masiglang sabi ko, ngumiti muna sya bago nagsalita.
"Ang tunay kong pangalan ay Yiell Johnson, I am 17 years old and ang code name ko nga ay Maffor," paliwanag niya, napangiti ako at tumango.
"Ahh, ako si Lavanñera Smorewarth, 16 years old!" masiglang sambit ko.
Ngumiti sya at napatango-tango sa akin.
"Matagal ka na ba rito?" takang tanong ko sakanya, natawa sya at tumango sandali.
"Hindi naman siguro, 16 years old lang din ako noong napunta ako rito, last year lang din," sabi niya, napatango ako sandali.
"An— "
Napatigil kami nang magbukas ang pinto, napalingon kami roon dahilan para matigilan ako at mahugot ko ang aking hininga. Napayuko kaming pareho nang makitang si Lurica 'yon, matalim ang mata niya habang nakatingin sa amin ng masama.
"Hi, Lurica!" bati ko sakanya, tinaasan niya ako ng kilay at inirapan bago pumasok sa loob ng kwarto niya.
Napakagat ako sa labi ko at pilit na ngumiti kay Maffor na ngayon ay masama na ang tingin sa pintuan ng kwarto ni Lurica.
"Ang sama talaga ng ugali niya," sabi niya na lang bigla.
"Hindi naman, a!" sabi ko sakanya, nangunot ang noo ni Maffor habang nakatingin sa akin.
"Ang lambot talaga ng puso mo 'no? Walang kasing lambot!" sabi ni Maffor at itinuro pa ang dibdib ko.
"Huh? Sa tingin ko naman mabait talaga si Lurica, mukha lang syang masungit!" sabi ko at nginitian sya, natawa na lamang sa akin si Maffor.
"Hindi mo sigurado, Nyssa," sabi niya pa at tinaas ang kilay niya sa akin.
Nakasimangot tuloy ako paglabas sa kwarto nila, hindi ko alam kung paano nila nasasabihan si Lurica ng gano'n, alam kong may sikreto si Lurica na kahit na sino ay hindi alam maski ako at wala akong balak alamin dahil ayokong masungit na naman!
"Where the hell did you go?"
Nagitla ako nang may humarap sa harapan ko, nakangiti akong nag-angat ng tingin pero napatigil nang makitang si Arius 'yon. Nakasimangot ko syang nilampasan dahil naalala ko ang sinabi ni Maffor sa akin.
"Damn you, Woman! Bakit mo ako nilampasan?" Iritadong tanong niya at bahagyang hinila ang kamay ko.
Hinila ko ang kamay ko at hinarap sya, kunot-noo niya akong tinignan pero nginisian ko sya.
"Bakit hindi mo ma-kontrol 'yang emosyon mo, ha?!" Inis na sigaw ko sakanya at bahagya pa syang sinuntok sa dibdib.
"Who are you to ask me a question like that?!" tanong niya pabalik sa akin.
Kaagad na nag-init ang dugo ko habang nakatingin sakanya.
"Why can't you answer my damn question, Rishden?! Bakit hindi mo mapigilag kontrolin 'yang emosyon mo!" sigaw ko sakanya.
Nakita ko kung paano syang mariing pimikit at kung paanong umigting ang panga niya dahil sa sinabi ko.
"Why would I choose to control my emotions when the exchange for that is a human life." Sarkastikong sambit niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Kaagad ko syang sinampal.
"Paano mo nasasabi 'yan, ha?! Paano? Tangina, tao ka rin, Rishden! Tao ka rin naman, a? Bakit kapag ikaw ba namatayan ng mahal sa buhay anong gagawin mo? Diba magagalit ka rin! Diba gagantihan mo rin sila kasi pinatay nila 'yong taong mahal mo! At pwede ka ring mapahamak sa ginagawa mo, Rishden!" sigaw ko sakanya.
Natahimik syang sandali at walang emosyong tumingin sa akin.
"That's what exactly happening now, Nyssa. I'm just getting the justice that I want for my family," aniya.
Nangunot ang noo ko habang nakatingin sakaniya.
"A-ano?" Mahinang sambit ko.
"They killed my family and I am here to kill them too, don't you get it?!" sigaw niya pa sa akin at isang luha ang pumatak sa mga mata niya.
"R-rishden," mahinang tawag ko pero lumayo sya at umiling sa akin.
"Lastly, don't you ever call me in my real name, my family was the only one who can call me with that name and you are not my family because my family was already dead! Patay na kaya't walang kahit na sino ang pwedeng tumawag sa akin ng Rishden!" Madiing sabi niya at tinalikuran ako.
CHAPTER 08
Start from the beginning