Ikapitong pu't isang Alaala

Magsimula sa umpisa
                                    

“Bukas na gaganapin ang pagdinig kay Don Vogar. Hindi ko matitiyak kung anong eksaktong mangyayari ngunit ito ay magiging pinakauna kong pagharap sa isang mataas na hukuman tulad ng Audiencia Territorial de Manila.” Pahayag ni Arnesto sa nararamdaman niya.

“Tama ka. Nais kong ibigay mo ang makakaya mo, abogado Arnesto. Nais kong manaig ang tamang panig. Ayoko masayang ang mga ginawa namin.” Wika ni kuya Mateo.

“Gagawin ko.” Tugon ni Arnesto.

Tumahimik ang lahat at wala nang kahit sinong nagsalita. Tumitig lang ako sa papel na hawak-hawak ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

“Si ama…” lahat ng atensyon naming tatlo ay napunta kay Ji, “…Noong mga panahon na iyon, matapos mabasà ni ama ang sulat na hawak, isinumpa na niya mismo si Don Vogar.” Pagkuwento ni Ji.

Seryoso kong tinignan si Ji dahil sa mga sinasabi niya. Alam kong sinumpa ni Don Maldicion/ama si Vogar no’ng araw na ‘yon, dahil nakita’t narinig ko mula sa layong ‘yon… narinig ko ang pagsumpa ng isa na sumumpa sa buong henerasyon ko. Malamang na pinag-isipang mabuti ni Ji kung pa’no ‘to sasabihin ng maayos sa harap namin.

“Hindi ito kasama sa plano natin… ngunit hindi ko mapipigilan si ama mula sa mga emosyon niya.” Ani Ji.

“Naiintindihan namin iyon, Ji. Huwag kang mag-alinlangan. Ano ba ang isinumpa ni Don Maldicion? Sinabi ba niya sa iyo?” tanong ni kuya Mateo.

“Ang isinumpa ni ama ay isa din sa dahilan kung bakit walang nasabi si Don Vogar matapos siyang sampalin ng baril at posasan.” Suminghap si Ji, “…Ang mga binitawang sumpa ni ama ay ‘“Sisi ay konsensya nito. Walang maipapalag na kahit ano.”’” Pagtatapos ni Ji.

“Sisi ay konsensya nito. Walang maipapalag na kahit ano.”

Malalim kung magsalita at hindi nagbabago ang bawat paraan nang pagbigkas. Ano kaya ang nagagawa ng sumpang ‘yon? Tinitigan ko si Ji at napag-alaman ko sa sarili na wala na siyang ibang sasabihin.

“Magiging sagabal ba ito, o makakatulong sa atin?” tanong ni Arnesto dahilan para mas lalo akong mapaisip.

Pumikit si Ji matapos ‘yon marinig mula kay Arnesto. Huminga siya ng malalim at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Nakaramdam ako ng halo-halong mga reaksyon nang maramdaman ko ang haplos ni Ji sa palad ko na nakapatong sa mesa. Pinanlakihan ko siya dahil sa ginagawa niyang paghawak sa kamay ko. Ano bang ginagawa niya? Sira na ba ulo niya?

“Ji. Bitawan mo ‘ko.” Babala ko sa kaniya gamit ang Watch 1000, na may nanlalaking mga mata. Gaya ng inaasahan, hindi siya makikinig bagkus ay ngumiti pa talaga.

Todas na talaga ‘ko nito.

“Ayoko.” Tugon niya using Watch 900.

“Jusko naman, Ji. Ano bang trip mo at hahawakan mo ngayon ang kamay ko? Magagalit niyan si kuya!” saway ko pa sa kaniya.

“ALAM KONG MAGKASINTAHAN KAYO. PERO NARARAPAT BANG MAGHAWAKAN KAYO SA HARAPAN KO?” tanong ni kuya Mateo sa malalim at mariing tono.

Kinurot ko si Ji sa bewang niya nang makita kong umangat ang gilid ng labi niya. Ano ba talagang ginagawa niya at hinahawakan niya ang kamay ko sa harap ni kuya Mateo? Napangiwi siya pero tuloy lang siya. Napakurap-kurap na lang ako sa ginagawa niya. Kinakabahan na talaga ‘ko. Legit.

I Treasure You, 1893Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon