"Sge na baby,Good night!"nakangiti syang humarap saakin pagtapos nyang ibaba yung cellphone.
"Tsk!Wala man lang i love youhan!May pa baby wala naman pa i love you!"inis na sabi ko pero dahil sya si Daimi ngiti lang ang sinagot nya.
Tumitig ako sakanya,Nakahiga sya habang nakatitig sa kisame kaya ginaya ko sya humiga rin ako at tumitig sa kisame.
"Mahal mo na?"tanong ko narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
"Masaya akong kasama sya,Lagi nya akong napapangiti tuwing kasama ko-"bumaling ako sakanya."Mahal mo ba?"tanong ko dahan dahan syang tumingin saakin bago tumango.
"Pero ayaw ko syang mahalin Yesica,Masyado syang mataas napakaperfect nya para saakin."bakas ang lungkot sa boses nya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Yang ang nasa isip mo,Ganun din ba sa puso mo?"sabi ko nagiwas sya ng tingin.
"Kahit anong isip mo na pigilan yang nararamdaman mo,Wala kang magagawa kasi sya ang gusto ng puso mo right?"dahan dahan syang tumango inabot ko ang kamay nya at hinawakan.
"Ikaw ang nagiisa kong kaibigan Daimi,Ayaw kong makitang nasasaktan ka dahil sa gagong yun,Pero gusto rin kitang supportahan dyan sa karupukan mo kaya kung ako sayo piliin mo yung makakapgpasaya sayo.Just make sure na kung susugal ka mananalo ka,Susuportahan kita hangga't sa masaya ka pero kung hindi na nandito ako saakin ka tumakbo,ok?"sunod sunod naman syang tumango.
"Good!Basta wag masyadong marupok baka magulat nalang kami may laman na yan!"Sabi ko habang nakaturo sa tyan nya.
"Hala hindi noh!"
"Sge na matulog na tayo!"Sabi ko bago umayos ng higa.
Ilang minuto na pero hindi ako makatulog kaya tumagilid ako.Akala ko tulog na si Daimi kaya nagulat ako ng magsalita sya.
"Yesica.."hindi ako sumagot ng banggitin nya ang pangalan ko."Tandaan mo rin lagi na nandito ako ah,Nandito kami nila mama mahal ka namin kaya kapag hindi mo na kaya takbo kalang saamin..Yayakapin ka namin."Hindi ako sumagot para may humaplos sa puso ko dahil sa sinabi nya
Huminga ako ng malalim para pigilan ang luha ko pero nagtuloy tuloy iyon sa pagbagsak.
Bakit kailangan ibang tao pa ang yumakap saakin?Bakit kailangan sa ibang tao pa ako tumakbo kapag may problema hindi ba pwedeng kay mama nalang?Sa mama ko nalang..
Kaso hindi pala nya ako mahal siguro hindi nya ako hinahanap ngayon...baka masaya pa sila kasi wala ako doon.
Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak.Pero nakatulugan ko nalang ang pagiyak kaya pagggising ko mugto ang mata ko..
Bumangon na ako para umuwi madilim pa sa labas dahil 5 am palang.Binalik ko ang damit ko kahapon tumingin ako kay Daimi na mahimbing na natutulog.
Thank you daimi..
Paglabas ko sarado pa ang mga ilaw siguro tulog pa sila nagiwan nalang ako ng notes sa lamesa na uuwi na ako.
Naginat inat ako habang naglalakad.
Kailangan magexcercise para hindi mamatay!
At dahil malayo ang bahay ni Daimi saamin sumakay pa ako ng jeep papunta sa bahay.Pagbaba ko sa jeep naabutan ko si Mama na may kaaway sa harap ng bahay.
"Uutang utang ka tapos hindi mo babayaran!"
"Babayaran ko nga magantay ka lang!Bakit ba kasi atat na atat ka!"
Hindi ko sila pinansin derederetso lang akong naglakad.
Ang aga aga nagaaway panira ng araw kaiingay ng bunganga.Hindi manlang hinaan ang boses para sa mga tulog pa.Nakalimutan atang 6 palang ng umaga!
"Kapag hindi ka nagbayad ngayon ipapakulong talaga kita!"napahinto ako sa paglalakad.Napapikit ako bago humarap sakanila
"Babayaran ko naman bakit kailan mo pa ako-"
"Magkano po ba yung utang nya?"inis na tanong ko kaya napatingin sila saakin.
"At bakit babayaran mo?Ito ngang nanay mo walang pera ikaw pa kayang an-"
"Tinatanong kopo kung magkano!Bakit iba ang sinasagot nyo?Gusto nyo bang mabayaran o hindi!"inis na sabi ko kita ko ang gulat sa mukha nya.
"Yesica pumasok ka sa loob!"sabi ni mama pero hindi ako sumunod.
"500!"napairap ako bago nilabas ang wallet ko buti nalang nagpadala si papa kahapon.
"Ayan na po!Umalis na kayo nakakaistorbo kayo sa nga natutulog."sabi ko bago tumalikod
"Yesica-"
"Babayaran nyo ko."natigilan sya sa sinabi ko
"Ano?"tanong nya inayos ko ang strap ng bag ko sa balikat ko.
"Babayaran nyo saakin yun,Kung nasa isip nyo na anak nyo ko kaya dapat ako magbayad pwes wag nyo isipin un dahil never nyo ko inisip na anak nyoko kaya bayaran nyo ko."sabi ko bago tumalikod.
BINABASA MO ANG
Miserable Feelings Of Yesica
Teen FictionAnxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos lahat ng bagay na nararanasan nya kahit simpleng kasiyahan lang agad itong napapalitan ng kalungkuta...
chapter 9
Magsimula sa umpisa