16: Mahal Na Kita... Noon Pa!

Magsimula sa umpisa
                                    

Masakyan na nga lang mga trip ng mga ‘to. Siguro may kinalaman din sila Papa dito.

“Er—two to four weeks, I guess. That depends on the restaurants and the demands we need to research about.” He said. Naks! Kala mo naman confident magsalita eh hindi naman ganoon ang tono ng convincing voice nya. Medyo unsure para sa pandinig ko ang pagkakasabi nya non. Bahala na nga!

“Ang tagal naman ng two to four weeks. Ano ba naman ang chef na ‘yan?” panghuhuli ko sa kanya. Inis-inisan kunwari.

“That’s just the way it is. We also have other business to attend to.” Pinal na sabi n’ya. Medyo mahina ‘yung pagkakasabi n’ya nung huli. Ano kayang business yon?

Nek-nek n’ya! Business daw oh! Hello, Italy kaya iyon. Ang layo! Pero dahil mabait akong asawa ay ipinagkibit-balikat ko na lang. Hintayin ko na lang na s’ya mismo magsabi sa’kin ng kung ano man ‘yun.

-------------------------

Two days later…

Gabi na nang makarating kami sa Italy ni Ogie.

Pagdating naman namin doon ay nakahanda na ang reservation namin sa hotel.

“Eh?? Bakit isa lang?” tanong ko kay Ogie nang makapasok kami sa kwarto. Ayos lang naman sa’kin kung sa iisang kwarto lang kami pero curious pa rin ako.

“Ayaw mo?” tanong nya lang ulit sa’kin.

“H-Hindi naman… I-I’m just asking… P-Pero okay lang naman kung ito na lang ang pwede.” Grr… kandautal pa ko pagsagot. Kasi naman ang tono ng pagkakatanong nya non sakin kanina. Parang nanunubok lang.

Nagkibit-balikat lang sya at kinuha na lang ang mga baggage namin para maiayos sa loob ng aparador.

Nilibot ko naman ang tingin ko sa kabuuan ng hotel room.

Bakit parang feeling ko eh pang-honeymoon-ers ang hotel suit na ito?

Kung di ko lang siguro alam na business trip ito ay iisipin ko talaga na honeymoon namin ito ni Ogie. Naks lang!

Kinilig naman daw ako doon. Pero secret lang yun!

Pero wala namang masama kung ganoon nga ‘yun di ba? Mag-asawa naman kami ‘di ba?

Normal lang kung may mangyari man na ek-ek-an sa’min, diba? ‘Di ba?

Shit, kumbinsihin daw ba ang sarili?

Hayssss…. Siguro, ganoon lang talaga ang respeto n’ya sa’kin. Sige na lang!

“'Wanna eat?” basag n’ya sa munting pagmumuni-muni ko.

“Tara!” sagot ko agad. Nauna na akong lumakad papunta sa pinto.

“Excited?” sabi n’ya naman ng masabayan ako ng paglalakad.

Alam n’yo ‘yung awkward? Oo eto ‘yun. Kami lang yata ang mag-asawang ilang sa isa’t-isa. Rape-in ko kaya s’ya para wala ng awkward moment. Magkaalaman na! Hahahahaha. Joke lang!

Pero siguro naramdaman n’yang awkward ngang tunay kasi bigla n’yang hinawakan ang kamay ko. Hinigit n’ya din ako papalapit sa side n’ya.

Parang ewan lang. Pwede namang magsabi sa’kin eh, yayakapin ko pa s’ya!

Tiningnan ko naman s’ya at nagulat na naman ako ng makitang nakatingin din s’ya sakin.

Smile na lang!

Nag-smile din s’ya sa’kin.

Sheeettt… Yummy ng ganito. Sana ganito na lang lagi.

Nakapasok na kami sa restaurant ng hotel. Magkatapat kami ni Ogie at tumitingin ako sa menu nila ng biglang may lumapit sa’min na isang babae.

The player:  Ogie (Mahal na kita... Noon pa!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon