Nakadistansya ako sa kanila at kasabay ko lang naglalakad si Kierra. Nauuna si Sam sa amin dahil hindi namin kabisado ang daan. Napatigil kami bigla nang sinabi ni Sevi na dadaan daw muna siya sa convenience store. Sumama naman si Kino sa kaniya sa loob habang naghihintay kami sa labas. Madaling-araw na pala at ang lamig na kaya nakasuot na ako ng jacket. Niyakap ko ang sarili ko at sinuot ang hood. 


"Oh my gosh, si Arkin ba 'yon? Sino 'yong kasama niya? Ang pogi rin!"


"Gaga, 'yong best friend niya! Si Sevi! Captain ng UST dati! Pa-picture tayo!" 


Napalingon ako sa mga taong nagmadaling pumasok sa loob ng convenience store para magpa-picture. Binaba pala saglit ni Arkin ang facemask niya dahil umiinom ng tubig. Nagulat silang dalawa ni Sevi dahil may mga babaeng lumapit sa kanila. Nagtama kaagad ang tingin namin ni Arkin pero agad akong umiwas at hinatak si Kierra paalis. 


"Oh my gosh, Samantha Vera?! 'Di ba?!" 


Tuluyan ko na talagang hinatak si Kierra para mauna na kami. Mukhang alam naman ni Kierra ang daan kaya naghintay na lang kami sa lobby nang makarating sa condo ni Sam. Napabuntong-hininga ako at umupo sa may sofa ng lobby. 


"Hirap ba?" tanong sa akin ni Ke habang umiinom ng tubig. 


"Okay lang," mahinang sabi ko at napangiti na lang. "Nakakatakot lang. Ayaw kong... madamay sa spotlight niya." Naiintindihan ko ang sinabi ni Adi. Mahirap. May mga tao rin palang katulad ko na ayaw ang inihaharap ang sarili sa maraming tao. Ayaw kong matapatan ng liwanag niya. Mananatili akong nakatayo sa likod ng anino niya.


"Huwag mong sanayin ang sarili mo sa paghihirap," sabi niya sa akin. "Because it will tire you out and at some point, you may find yourself giving up." 


Dumating na rin kaagad sina Sam kaya naman sumunod na lang kami sa elevator papuntang parking lot. Hinatid niya si Arkin sa condo nito at sunod naman kami nina Kierra. Pagod na ako pagkauwi kaya naman nakatulog ako kaagad.


Mabilis lang lumipas ang mga linggo hanggang sa matapos ang exams namin. Naging busy ako sa pag-aaral at naging busy rin si Arkin sa mga shooting niya kaya naman hindi kami masyadong nakakapagkita pero palagi naman kaming magkatawagan tuwing gabi kahit gaano siya kapagod. 


"Shit." Napasapo ako sa noo ko nang makita ang news tungkol sa pamilya ni Sam. Masyado akong naging abala sa mga exams ko at hindi ko na siya na-text. Noong sinubukan ko siyang tawagan ay hindi na rin siya sumasagot. 


Samantha did not celebrate her birthday. Samantha also did not celebrate Christmas. She did not have plans. Sobra akong nag-aalala sa kaniya pero sabi niya sa amin ay dahil busy lang siya sa modeling kaya hindi na siya masyadong nakakapag-celebrate ng mga ganoon pero alam kong may tinatago siya. 


Ganoon naman siya palagi... Mukha siyang open sa mga tao dahil marami siyang kaibigan pero ang katotohanan, nakakandado pa ang puso niya. Walang lubos na nakakakilala sa kaniya kung hindi ang sarili niya. She wasn't depending on anyone but herself. 


"Ilalabas na 'yong album ko, sa wakas! Punta ka sa launch?" tanong sa akin ni Arkin habang nagde-decorate kami ng Christmas tree sa bahay nila. Narito ako bago magpasko dahil nga pinapunta ako ng Mommy niya rito para i-celebrate ang pasko kasama ang pamilya ko. 

Golden Scenery of Tomorrow (University Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon