" Pero Zoe delikado roon." Sambit ni Skyler.

Nilingon ko ang mga kaibigan namin. Lahat sila ay may bakas ng pag-aalala sa mukha maliban kay Raegan na ang cold pa rin ang tingin sakin.

" Cous, maghintay na lang tayo." Sambit ni Jani at akmang lalapit ito sakin ngunit binigyan ko siya ng seryosong tingin.

" I can handle myself baka nakakalimutan mo kung anong kakayahan ko." Sambit ko sa kanya.

Napabuntong hininga na lamang ito. Napangiti ako sa kanya dahil alam kong panalo na ako sing dalawa. Tinignan kong muli ang dalawang pulis na tila nag-aalangan pa rin kung isasama ba nila ako.

" Sasama ho ako." pag-uulit ko.

Hindi ko na sila hinintay pa gaya ng ginawa ni Vanna ay lumabas na rin ako ng silid na iyon.

Sa paglabas ko ay nakaabang na ang yateng gagamitin namin papuntang pampang upang sumakay naman ng kotse papunta sa lugar kung nasaang lugar naroon si Vee.

Bago pa man ako makalapit sa pampang kung nasaan ang yate na gagamitin namin ay bumungad sakin ang dalawang taong naghahalikan. Napangiti na lamang ako dahil alam ko sa sarili kong nakamove on na ako. Wala akong naramdamang sakit sa dibdib ko ng makita ang babaeng
dating minahal ko na masaya sa piling ng bestfriend ko.

Well, Simula pa naman talaga nang muli ko siyang nakita ay wala akong ibang naramdaman na kahit ano. Hindi ko man lang naramdaman nuon na namiss ko siya, galit o inis dahil sa ginawa niya sakin dati na basta nalang niyang iniwan. Parang bula lang na nawala yung nararamdaman ko para sa kanya.

" Take care yourself please." Rinig kong sambit ni Deb.

Umiiyak ito marahil sa pag-aalala para sa kanyang nobya. Hinawakan naman ni Vanna ang pisngi nito upang punasan ang luha nito.

" Don't worry, Hon. Babalik akong ligtas at walang kung ano sa katawan. Ganun ako kagaling makipaglaban." Nakangiting sambit nito kay Deb.

Ngayon ko nalang muli nakita ang pagngiti nito. Ngunit may napansin akong kakaiba kay Vanna. Ngunit hindi ko na ito pinansin pa dahil narinig ko ang paglapit ng dalawang pulis na kausap namin kanina.

" Let's go." sambit ng pulis at may kinaisap sa walkie talkie nito.

Agad na sumunod ako sa kanila pasakay ng yate. Di ko na tinignan pa yung dalawang magkasintahan na nagpapaalaman pa. Nakaupo lamang ako habang hinihintay na umandar ang yate.

Napapikit ako ng mariin. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Dalawang taon akong tumigil sa pakikibakbakan kaya hindi ako sigurado sa kakayahan ko ngayon. Kinapa ko ang baril na nakasukbit sa may bandang waist ko.

" You look nervous huh." Rinig kong sambit ng kung sino.

Umangat ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa kabilang side kung saan ay kaharap ko. Nakapandekwatro ito ng upo habang seryoso ang tingin nito sakin. Napansin ko ang paglipat nito tingin sa kamay kong nasa bandang waist ko.

" Where did you get that?" cold na sambit nito.

Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya dahil alam kong hindi niya nagugustuhang humahawak ako ng baril dati. Alam niya ring takot akong gumamit nito kaya naman panigurado nag aalinlangan siya kung gagamitin ko man ito.

" I said where did you get that fxcking thing!?"Halata na ang galit sa boses nito. Ngunit di ko pa rin siya sinagot. " Kelan ka pa naging kasapi nila?"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niyang iyon. Paano niya nalaman ang bagay na yun?

Seryoso ang tingin nito sakin at naglakad papalapit sakin. Naging malikot ang mata ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Hindi dahil sa may nararamdaman pa ako sa kanya kundi kabang natatakot ako sa gagawin nito.

You Are Mine ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon