"Paanong hindi n'yo po alam? Kayo ang nando'n. Kaya paano? At alam n'yo naman palang nilalagnat bakit hindi n'yo agad dinala sa hospital?"

"Sabi ko nga, sipleng lagnat lang naman 'yon. Malay ko ba naman na dengue 'yon at isa pa wala akong pera para pang-hospital!" Hindi naman ako makapaniwala sa rason niya. Ano ba ang silbi ng pera ko?

"Ma, naman. Kung pera ang pag-uusapan sana humingi kaagad kayo sa akin. Paano pala kung hindi kaagad naagapan? Ano na lang ang mangyayari?"

"At kasalanan ko pa ngayon? Kung hindi mo lang sana iniwan 'yang anak mo. Sana may nag-aalaga sa kaniya. Sana hindi magkaroon ng dengue si Tanya!" mahinang sigaw niya sa akin. Iniiwasan yata na may makarinig sa pagtatalo nila.

"Hindi naman sa gan-"

"E, parang gano'n ang pinapalabas mo!" Napapikit ako nang biglang paglakas ng boses niya. Gustong kong i-tama ang sinabi niya pero ayaw ko na magkasagutan pa kami. Aaminin ko, iniwan ko si Tanya ngunit alam n'ya ang dahilan. Gusto kong i-tama ang mali ko no'ng college pa ako. Matagal na 'yon pero alam kong hanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin makakalimutan.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Walang nagsasalita, walang gumagalaw. Tila mga estatwa kami, hinihintay kung sino ang unang kumilos.

"Mama? Ate?" Sabay kaming napalingon nang marinig ang boses ko ro'n. Nakatayo doon si Angel habang may hawak na plastic bag sa kamay. Si Angel ang pangalawa sa aming tatlong magkakapatid. At ang bunso ay si Emelyn. Babae kami lahat, dahil hindi na nagkaroon pa ng anak na lalaki ang mga magulang ko.

Tahimik lang akong tumayo sa pagkakaupo at nilapitan ang kama ni Tanya. Pinagmasdan ko lang ito. Wala namang imik na lumakad si Angel papunta sa lamesa para ilagay do'n ang dala.

"Kumakain ka po muna, Ate. Sigurado akong hindi ka pa kumakain. Ang sabi ng doktor, baka 'di magtagal ay magigising na si Tanya." Nilingon ko si Angel at tipid itong nginitian.

***

TAHIMIK lang akong nakamasid kay Tanya. Gising na ito. Kahit nanghihina pa rin ay nagagawa pa ring tumawa. Ang masakit lang. Tumatawa ito, hindi dahil sa akin kun'di dahil sa kinikilala niyang Mama.

Isang kasalanan na hindi man lang ako nagpakilala sa kaniya na ako ang tunay niyang ina. Ang nag-alaga sa kaniya ng siyam na buwan at nagluwal dito sa mundo. Pagkatapos ko itong ipinanganak ay iniwan ko na kaagad siya kay Mama para mag-trabaho. Masakit man sa side ko ay kinaya ko.

"Siya po ba si Ate Ally, Mama?" Napatigil sa pagtawa si Mama sa naging tanong ni Sanya.

Nakabaling ang tingin nito sa akin at inosenteng tiningnan ako ng mga mata nito. Wala man lang kaalam-alam na ako ang Mama n'ya.

"P-paano mo s'ya nakilala, Tanya?"

Matamlay na tiningnan ni Tanya si Mama. "Narinig ko kasi ang paguusap n'yo noon ni Ate Gel tungkol sa kaniya. Nakita ko rin ang picture n'ya sa k'warto mo, kaya inakala ko kaagad na siya si Ate Ally." Iniyuko nito ang ulo, "Pasensiya na po at nakinig ako sa usapan n'yo."

Nakita kong natigilan si Mama at hindi alam kung anong sasabihin. Kung pagagalitan n'ya ba si Tanya o hindi. Nagkatinginan kaming dalawa ni Mama. Kapwa nag-uusap gamit ang dalawa naming mata.

Napabuntong hininga na lang ako. Peke akong napaubo para kunin ang atensiyon ni Tanya at hindi naman ako nabigo. Lumapit ako sa kama nito at umupo sa tabi nito. Malapad na ngiti ang pinaskil ko sa labi. Tiningnan ko ang buong mukha nito at kahit saang angulo man tingnan ay kamukha nito ang Ama nito. Kaya malabong mapagkamalan itong Anak ko na siyang pinagpasalamat ko.

"A-ako nga ang Ate Ally mo." Napahugot ako ng malalim na hininga. "Pasensiya ka na at ngayon mo lang ako nakilala." Napatingala ako para pigilan ang nababadyang luha na gustong kumawala.

Parang isang bituin na kumislap ang mga mata nito nang marinig ang sinabi ko.

"Sabi na nga ba. Unang kita ko palang sa 'yo, alam kung ikaw nga ang Ate Ally ko! Hindi ko akalain na sobrang ganda mo. Sana paglaki ko, kasing ganda mo rin ako," masayang sabi nito sa akin habang nagnining-ning pa rin ang mga matang nakatingin sa akin.

Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi nito. Gusto kong sabihin na hindi imposible ang hinihiling nito, at kahit ngayon palang, kuhang-kuha na nito ang kulay ng mata ko na minana ko pa kay Papa.

Sa mga oras na 'yon. Parang gusto kong umiyak. Ang inosente nito, at sa oras na malaman nito ang totoo hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon nito.

Parang gusto ko na lang itigil ang panahon at ibalik ang nakaraan. Isang batang walang kaalam-alam sa nangyayari. Masasaktan ko ito at 'yon ang dapat kung iwasan. Ngunit ginawa ko na.

Nanghihina akong napasandal sa pintuan ng k'warto ni Sanya. Mabuti na lang ay nakatulog din ito kaagad. 'Di ko na kasi kaya pang harapin ito at mag-kuwento ng mga kasinungalingan.

Nag-uunahang tumulo ang kanina ko pang luhang pinipigilan. Nasasaktan ako, hindi dahil sa kalagayan ko ngayon kun'di dahil sa batang sinasaktan ko dahil sa makasarili kong desisyon.

Ang sama ko. Paano ko nagawa ito noon? Alam kung nagugulahan pa ako ng mga panahon na 'yon pero sana inisip ko man lang ang kahihinatnan ng lahat. Pero alam kung huli na para bagohin pa ang lahat.

Tumayo ako ng maayos at pinahiran ang luha. Buo na ang desisyon ko. Para sa ikakatahimik at para wala ng masaktan.

Lumabas ako ng hospital at hindi pinansin ang mga taong nakasalubong. Ang tanging nasa isip ko ngayon ay 'wag na muling guluhin ang buhay ni Tanya.


Her Hurtful Mistake ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon