“H’wag na kayong mag-away, pareho naman kayong mamamaalam na,” sabay kaming napalingon sa nagsalita.

“Tammy?” gilalas ko rito. “Kasabwat ka rin?” lalo na namang nabuhay ang galit sa akin.

“Anong pake mo kung kasabwat ako?  Hindi ka naman aabot sa ganito kung hindi ka humarot kay Zayne,” mataray na wika niya.

“Humarot kay Zayne? Sa pagkakaalam ako, ikaw ang nanghaharot kay Zayne, Tammy!No’ng sa bar, kunwari din ba ‘yong sinabi mong mali ako ng pagkakaintindi? Na halata naman talagang ginusto mong hinalikan ka ni Zayne, tapos magpapanggap ka pang mali ang pagkakaintindi ko, ang hilig mong magmanipula, buti na lang ‘di ako naniwala sa ‘yo,” mahabang paliwanag ko.

“Are you insane? Kami muna ni Zayne bago ka pa humarot, hindi kami nag-break bago ako umalis. Kaya sa katunayan ako pa rin ang girlfriend niya.”

“Bobo ka ba? Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit kayo natapos ni Zayne. At ano sinasabi mong hindi kayo nag-break? Tanga ka ba o sadyang assumera ka lang? Sa part na nakipag-s*x ka sa iba na nahuli pa ni Zayne, do’n pa lang ay hiwalay na kayo,” kontra ko.

“Wow! Malinis ka? Hindi ka ba nakokonsensya sa sinasabi mo sa akin ngayon? H’wag kang nagmalinis dahil pareho lang tayo ng pagkakamaling ginawa,” napakurap-kurap ako matapos n’yang sabihin ‘yon, pinamukha niya kasi sa akin ang nagawa ko na siyang nagawa niya rin.

“Magkaiba pa rin tayong dalawa. Ikaw, ginusto mo. Ginusto mong makipag-s*x sa iba. Ako, hindi sana mangyayari kung hindi lang dahil sa lecheng macarons na ‘yan na galing sa kaibigan mong mahilig magbalat-kayo!” pasaring ko kay Meanna.

Umalis sa harap ko ito at pumunta sa isang tauhan nila, kinuha niya ang baril no’n at muling lumingon sa akin. Natulos naman ako matapos n’yang itutok sa akin ang baril. Nang sandaling ‘yon ay binalot ako ng matinding kaba.

“H-Huwag mong itutuloy ‘yan,” mahina ang boses kong umiiling-iling sa kaniya.

Kinakabahan ako dahil baka gawin niya talaga, ayokong mawala. Ayokong mawala lalo na’t madadamay ang baby ko.

“Ate Tamarind! H’wag mo pong gagawin ‘yan!” sigaw ni Sab, hindi ko na pinansin kong bakit Tamarind ang tawag niya kay Tammy.

“Ano, Sabrina? Napamahal ka na sa Ate Gian mo?” baling ni Tammy kay Sab na sa akin pa rin nakatutok ang baril.

“Please Ate Tamarind h’wag po!” pamimilit ni Sab dito, pilit pa s’yang tumatayo para pigilan si Tammy.

“Mari, H’wag!” halos lahat kami ay napalingon sa nagsalita, lumapit siya kay Tammy para agawin ang baril ngunit hindi ‘yon pinaaagaw ni Tammy.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Dahil do’n ay papalit-palit ang tingin ko kay Tammy at kay Tammy. Para akong nababaliw sa nakikita ko. Ba’t dalawang Tammy?

“Sino kayo?” tanong ko dito sa dalawa. “Sino si Tammy sa inyong dalawa?” naguguluhan kong tanong.

“Ako, Gian!” do’n nanatili ang tingin ko sa kakarating palang na pumigil sa inakala kong Tammy, naniwala naman agad ako sa kakarating pa lang dahil sa ekspresyon ng mukha niya.

Gano’n na gano’n ang kilala kong Tammy. Samantalang pagtingin ko sa isang kamukha ni Tammy ay nakataas ang isang kilay nito na masama ang tingin sa akin.

“Nababaliw ka na ba?” tanong nito sa akin.

“Sino ka? Ba’t kamukha mo si Tammy? H’wag mo sabihing—”

“Kambal ko siya,” inunahan na niya ako. “Hindi siya ang Tammy na nakasama niyo! Kakauwi ko lang galing Canada!”

Hindi pa nakukuha ng sistema ko ang nagaganap ng, “Ang tagal naman niyan, ako na nga!” nanlaki ang mata ko ng makita ko ang tatay ni Zayne na inagaw naman nito ang baril kay Tamm—Tamarind, naalala ko ang tawag ni Sab nito.

Pangalan pa lang ang asim-asim na.

“Tangina ka! Kasabwat ka rin?” tanong ko sa matanda, lumabas naman ang ngiti n’yang maloko.

“Ano pa bang aasahan mo, Gian? Hindi ako tanga! Sa unang pagkakataon na nagkita tayo sa kompanya at nalaman ko ang pangalan mo ay inalam ko na ang lahat sa ’yo. Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Anak ka pala ng dati kong asawa!” sigaw nito sa akin.

“Asawa mo? Walang sa ’yo, matanda!  Masyado ka na talagang matanda kaya makakalimutin ka na! Kung hindi mo inagaw ang nanay ko sa tatay ko ay hindi mapupunta sa ’yo si mama. Matanda kang hukluban—ahh!” napapikit akong sumigaw matapos kong sabihin ’yon ay pinaputok niya ang baril sa akin. Ang ipinagtataka ko ay wala ako maramdamang sakit at walang tumama sa akin. Kasabay ng pagmulat ko ang pagkatumba ni Sab sa sahig.

“Sab!” naiiyak na sigaw ko. Nagpupumiglas ako sa upuan para lapitan si Sab. “Hindi! Sab!”

Gustong-gusto ko s’yang lapitan lalo pa ng tuluyan ng kumawala ang mga dugo sa katawan niya. Tulalang nakatitig sa akin si Sab na kita ko na sa mukha niya ang unti-unting panghihina niya.

“Sab! Lumaban ka!” sigaw ko sa kaniya kasabay ang pagtulo ng mga luha ko. Pinilit niya ang sarili n’yang umiiling-iling hanggang sa pilit s’yang ngumiti sa akin at unti-unti ng pumikit ang mga mata niya.

“Mga hayop kayo!” namamaos kong sigaw sa kanila. “Ang sasama niyo! Demonyo kayo!” dagdag ko pa, pilit pa rin akong nagpupumiglas ngunit hindi ko magawa. Hindi ako makawala.

“H’wag kang mag-alala ikaw naman ang susunod. Dapat talaga ikaw ang nauna kung hindi lang bida-bida itong isa,” wika niya sa akin na bahagya pang tumatawa. Initutok na niya sa akin ang baril kaya nasindak ako no’n na napapikit ako dahil do’n.

“Boss. Nand’yan na po si Zayne,” habang nakapikit ako ay narinig ko ang isa na sinabi ‘yon na siguro ang kausap ay ang tatay ni Zayne. Wala sa sariling napalingon ako sa dinaanan namin kanina, napatanga ako ng makita ko ro’n si Zayne at sa likuran niya ay nakasunod si Cali.

•••
mindfreaklessly

His Innocent Secretary (Secretary Series #1)Where stories live. Discover now