Uminom ako ng tubig at tiningnan ang dalawang matanda. Kita ko ang awa at pag-aalala sa kanilang mga mukha. Kaya naman agad akong tumawa at umiling.
"Wala ba kayong bilib sa akin, Lo? Alam mo naman kayang-kaya ko ang ganyan. Sisiw lang sa akin. Kaya ko naman pagsabayin ang pagta-trabaho at pagre-review," ngisi ko. "Kaya ko pang magtop sa board exams, Lo..." aniko para mawala ang pag-aalala sa kanilang mukha.
Mahirap ang buhay kaya kailangan ko na rin talaga makagraduate ngayong taon na ito. Wala kaming yaman kaya kailangan talagang magsumikap para makaalis sa ganitong klase ng buhay.
Mabilis ko nang tinapos ang mga kailangang gawin sa bahay bago pumasok sa school. Ayos lang naman mahuli ngayon dahil engineering week naman na. Pero hindi pa rin pwede dahil mayroon kaming quiz bee.
Mas lalo akong ginaganahan magsumikap at mas maaral ng maayos lalo na't naiisip ko si Eleanor.
She's the typical type of a student that is a bit lazy when doing her school works. Naalala ko nga noong naabutan ko siyang natutulog sa klase nila. Natatawa pa rin ako kapag naiisip ko iyon.
Kung pu-pwede nga lang na huwag lang na siyang gumising non, hahayaan ko siya kung ako lang mismo ang professor niya.
But Eleanor's smart. Hindi lang siya kagaya ko kung mag-aral. Dahil ako kailangan ko iyon para makapagtapos at makahanap ng maayos na trabaho para maiahon ko ang pamilya sa kahirapan.
They are wealthy and I could understand why she's like that. At masaya akong hindi niya na kailangan danasin ang ganitong paghihirap.
"Akala ko male-late ka, e." sabi ni Jeremy sa akin nang makita ang pagdating ko sa palapag kung saan gaganapin ang quiz bee.
"Hindi pwede. Tatalunin pa kita," biro ko at humalakhak.
"Alam ko nang talo na agad kaya nga hindi na ako nagready pa," tawa niya rin.
Lumapit sa amin si Victor at ngumisi nang makita na lumilibot ang mata ko sa mga tao na naroon at naghihintay din para sa quiz bee.
"Parang alam ko na kung sino ang hinahanap mo..." puna nito sa akin.
Nginisihan ko siya at pabirong sinuntok ang dibdib. "Manghuhula ka na pala ngayon hindi mo sinasabi sa akin,"
Humalakhak silang dalawa. "Kaya pala ayaw din magpatalo. Alam na ba ni Ethan na nililigawan mo kapatid niya? Baka mapatay ka non, wala lang oras kaya hindi nagagawa," si Jeremy.
"Ano bang pinagkakaabalahan non? Hindi ko na masyado nakikita. Laging nagmamadali. Balita ko nga hindi na iyon nagpa-practice sa varsity? Tinanggal ba?" usisa ni Victor.
Hindi ako nagsalita at tumawa lang sa sinasabi nilang dalawa.
"Abala 'yon hanapin ka. May atraso ka raw sa kanya sabi niya sa akin.." ngisi ko.
Nakita ko ang gulat na mukha ni Victor at napatawa ng malakas. "Gago ang tagal na non, ah. Seryoso ka ba d'yan, Valerio?" medyo alanganin niyang tanong.
Malakas akong napahalakhak pati na rin si Jeremy dahil sa reaksyon niyang iyon. Tinapik ko ang balikat niya at napailing.
"Magtago-tago ka na," aniko bago iwan sila roon para hanapin si Eleanor.
Narinig ko pa ang pagsakay ni Jeremy sa sinabi kong iyon bago ako tuluyang makalayo sa kanila.
Nilibot ko ang paningin ko sa kwartong iyon. Tumigil ang tingin ko sa maraming tao na nagkukumpulan sa isang gilid. Nangunot ang noo ko. May pakiramdam ako na si Eleanor iyon pero hindi ako sigurado. Pero mas lalo nang nangunot ang noo ko nang makumpira ko ngang siya iyon nang umusog ng kaunti ang isa sa mga lalaki na naroon.
BINABASA MO ANG
Still into you (Professor Series #2)
RomanceEleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswerte rin ito sa buhay lalo na't mayaman at may mga kaibigan na maaasahan. Pero kung iisipin, Eleanor...
Kabanata XXVII
Magsimula sa umpisa