"Uy, huwag na. Paalis na rin naman kami. Sinadya naming dumaan dito dahil madadaanan naman siya papunta sa pupuntahan namin." paliwanag ni Faith.

"Kung gano'n, mag-ingat na lang kayo sa pag-alis. Dadating ako mamaya."

Ngumiti ng pagkalawak-lawak sa si Faith at naglakad papalabas ng bahay. Nakasunod sa kanya si Lev na ngumisi sa akin at sumaludo pero ginantihan ko lang ng irap.

Nang makaalis sila, pinagkrus ko ang mga braso ko at napailing. But after that, namalayan ko na lang ang sarili ko na nakangiti dahil sa kanila.  
   
  
   
➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶ ❦ ➴ ➵ ➶ ➴ ➵ ➶  
   
   
   
As usual, time flies so fast whenever I'm impatient of it. Pagkalubog ng araw, umalis na ako ng bahay at naglakad papuntang Destinee Academy. While walking beside the road, tinext ko si Mr. Stranger at tinanong kung nasa convenience store siya ngayon.

Makalipas ang ilang minuto at hindi pa siya nagrereply, I decided to call him.  
 
"Aish. Sagutin mo ang tawag ko." sabi ko habang sinasamaan ng tingin ang phone.

Nang tumapat ako sa convenience store, nakita ko agad si Flag dahil sa glasswall. Pumasok ako sa loob at agad nilapitan siya.

"Hoy. Sabi na't nandito kana pala."

Pinasadahan lang ako ni Flag ng tingin bago pinagpatuloy ang kinakaing ramen. Dahil magkasabay kaming pupunta sa rooftop ng Destinee Academy, wala akong choice na hintayin siyang matapos kumain.

I took the seat across him and frowned while watching him eating. Nang matapos niya ang isang cup ng ramen, may binuksan itong tinapay kaya tumaas ang kilay ko.

"If it's not bad to ask, why do I always see you eating in convenience store? Don't you know how to cook?"

Bago kagatin ang tinapay, sinagot muna ni Mr. Stranger ang tanong ko.

"I know how. Wala lang talaga akong oras minsan magluto."

"Nakakasama ang instant foods sa kalusugan."

"I'm aware of it."

"Pero bakit kain ka pa ng kain nito?"

"Hindi ka ba nakikinig sa akin kanina?"

"Narinig ko. I'm just pointing out that eating instant foods are bad to your health."

"Hindi tayo matatapos sa instant foods na 'yan. Just tell me what you want to say. I'll listen."

Oh. How did he know that I want to tell him something?

"Oh, ba't parang napipi ka na d'yan?"

"Nagtake na ako ng entrance exam kanina." I said before sighing.

Tahimik lang si Flag habang ngumunguya noong sinabi ko ang tungkol sa entrance exam. Hindi ko alam kung bakit ininform ko pa siya sa pagkuha ko ng entrance exam ngayong araw. Is it about the fact that aside from my family, he's the next person who knew that I'll transfer to other school this Senior Highschool?

O may iba pa akong dahilan kaya sinabi ko ito sa kanya pero hindi ko lang maamin sa sarili ko?

Inangat ko ang tingin kay Flag nang marinig kong nilakumos niya ang paper wrapper ng kinaing tinapay. Pagkalagay niya nito sa isang tabi, uminom muna siya bago magkomento sa sinabi ko kanina.

"When will you gonna tell this to them?" he's referring to Faith and Lev.

Is it matter?

"Hindi ko pa alam."

When Two Strangers Meet...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon