"G-good morning, s-sir."

"I guess, namangha ka rin sa kagwapuhan ko, am I right?" tanong ni Daine upang inisin lang si Irine. Muli niyang napansin ang pag-igting ng panga ng dalaga; siguro ay nainis niya nga ito sa usal niya.

"Jordan, you can leave now." Jordan did go out. Naiwan tuloy silang dalawa sa loob ng silid na 'yun.

He saw that Irine rolled her eyes and scoffed, "I never thought na ikaw pala ang may pakana nito. Inilagay mo pa talaga ang pangalan ko sa isa sa mga pabango ng kumpanyang ito? How unbelievable! Hindi ka pa pala nakakapag-move on, Mr. Mendoza." Halata ang pang-aasar sa tono nang pananalita nito.

Natatawa na lang si Daine. "Ako? I've moved on. Masyadong matagal na iyon, Irine. Come on, that was five years ago. Baka ikaw itong hindi pa nakaka-move on?"

"Matagal na akong naka-move on sa'yo, Daine. At nandito ako para magtrabaho."

"You've changed," komento niya.

"I've changed for the better."

"You've gone bolder than I expected."

"Let's not talk about something personal here, Mr. Mendoza." Malamig na saad sa kaniya ni Irine.

"Sure! I like that. Gusto ko ang pagiging diretso mo. Then, let's talk about YOU as my employee."

"Gusto mo nang diretsahan? Sige! Let's get to the point here. I'm not doing this job; I can't bear to see you every day, sir."

At inaasahan na nga ni Daine na sasabihin 'yon sa kaniya ni Irine. Kaya naman, "I can pay you double."

"Still no."

"Let's make it triple. Three hundred thousand a month."

Napansin niya na para bang napaisip muna si Irine sa sinabi niya. Hanggang sa...

"So, ano'ng gagawin ko ngayon, SIR?" Ramdam ni Daine ang diin sa salita ni Irine lalo na ang pagtawag nito sa kaniya ng sir. Pero lihim din siyang napangiti dahil alam niyang pumapayag na ngayon ang dalaga na magtrabaho sa kaniya.

"Wala kang ibang gagawin; just sit there for a while," sagot niya, sabay turo sa sofa na kaharap din ng working table niya.

Buti na lang at naging masunurin si Irine sa kaniya at umupo nga ito sa sofa.

Daine stared at Irine for a moment. Doon niya napansin na para bang iniiwasan ng dalaga na magtama ang mga mata nila dahil nakabaling ang tingin nito sa isang direksyon.

Muli na naman siyang napangisi bago nagsimulang magsalita, "Kumusta ka na, Irine?"

Kusang nag-iba ang tono nang pananalita niya nang sambitin niya ang katanungan na 'yon na naging dahilan kung bakit siya binatuhan nang tingin ni Irine. He noticed that Irine swallowed hard before diverting her gaze to him. That was awkward, and he could feel that things between them were going to get intense. "Wala ka bang balak na sagutin ang tanong ko."

"I'm fine, sir."

"You can call me Daine... 'pag tayo lang dalawa."

"No, I prefer to call you sir... kahit na tayo lang dalawa."

"Oh, come on, Irine. Don't be too formal. Mukha namang wala tayong pinagsamahan niyan."

She smiled. "Kasi nga, wala naman talaga."

Natahimik si Daine dahil doon, medyo nakaramdam nang inis, pero mas matimbang pa rin ang kasiyahan na nakita niyang muli ang dating asawa. Hindi niya tuloy namalayan na napatitig na siya rito nang matagal.

"So, I guess, tititigan mo lang ako buong maghapon, sir? Kailan ba ako magsisimula sa trabaho?" At doon lang natauhan si Daine kaya umiwas na siya nang tingin kay Irine.

Agad niyang pinindot ang intercome at pinapasok muli sa loob ng kaniyang opisina si Jordan. Nang pumasok na ito ay hinarap niya ang empleyado at nagsalita, "Jordan, please guide her to her desk." Agad naman na tumayo ang dalaga sa inuupuan nito at sumunod nga kay Jordan. Tanging paghatid na lang nang tingin ang nagawa ni Daine sa dalawa.

He leaned his back against the swivel chair at napabuntong-hininga nang malalim nang makalabas na ang dalawa.

Daine bared his teeth while looking at the both of them through the transparent wall of his office. Kita niya na masayang nag-uusap sa labas ng kanyang opisina si Jordan at Irine. Aware naman siya na malapit na magkaibigan ang dalawa kahit na noong nagsisimula pa lang ang relasyon nila ni Irine. Naputol lamang ang kanilang ugnayan nang maghiwalay na sila.

Pinilit na lang ni Daine na ibalik ang kaniyang atensyon sa kaniyang trabaho. Ngunit, halos sampung minuto pa lang ang nakakalipas nang lingunin na naman niya ang pwesto ni Irine na abot-tanaw niya lang sa labas. Awtomatikong napa-kunot ang noo niya nang mapansin na wala na roon ang dalaga. Lalabas na sana siya para hanapin si Irine, ngunit bago pa man siya makakilos ay nakita niyang naglalakad na ito pabalik sa table nito kaya napabalik na rin siya sa kanyang inuupuan at saka muling nag-pokus sa monitor na nasa harapan niya.

Napa-iling siya sa sarili niya. Mukhang mahihirapan na siyang mag-pokus sa trabaho dahil sa presensiya ng babaeng matagal niya nang hinahanap.

"Ito ang mga kailangan mong gawin bukas. I printed it already, so you better memorize it for tomorrow. May board meeting ako with Mr. Chavez, make sure na magagawa mo ang powerpoint presentation na 'to. Understood? If yes, you can go home for now." Tinanggap lang ni Irine ang inaabot niyang papel at saka ito nag-bow sa kaniya bago tuluyang lumabas sa kaniyang opisina.

Daine looked at Irine from a far. Nakalimutan niyang nasa loob din pala ng opisina niya si Jordan kaya napagmasdan tuloy nito kung paano niya titigan si Irine habang naglalakad ang babae papalabas.

"Sir, tungkol sa meeting kay Mr. Chavez, I already made a powerpoint presentation, hindi b—"

"Shhh..." Agad na iniharang ni Daine ang hintuturo sa kaniyang bibig upang pahintuin si Jordan sa sinasabi nito. "Wala ka pang nagagawa! Understood? Hayaan mong siya ang gumawa no'n, and don't you dare help her."

"My Ex Husband Is My Boss"(SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon