Halos mag-iisang buwan ko nang 'di nakikita si ate. Ang lungkot-lungkot nga rito sa condo namin lalo na at si kuya ay madalas pa namang wala rin dahil sa racing commitments no'n.
"Mmm... Totoo nga. Sorry, Ji', kung hindi ako diretsong umuwi d'yan. Bawi nalang ako sa 'yo."
"Nako, okay lang, ate! Kauuwi ko lang kaninang 6 ng umaga mula sa pag-babysit kila ate Alice. Medyo maselan po kasi 'yong pregnancy niya tapos sumama pa pakiramdam ni ate kaya kinailangan kong mag-stay kagabi para kila Giselle," tugon ko. Although, may tampo ako ng slight pero sinusubukan ko namang intindihin si ate.
Alam ko naman na kahit pilit itago ni ate ang totoong nararamdaman niya ay nakikita pa rin ito sa kaniya at ramdam ko 'yon. Alam na alam ko dahil noong patago niyang iniyakan ang lahat nando'n ako.
"Ahh...kumusta naman? Okay ka lang ba sa trabaho mo? 'Wag ka magpalipas ng gutom ah. Si Rino nga pala 'asa'n?"
"Okay naman po, ate. 'Tsaka I love doing my job kahit sa iba 'yong tingin nila sa 'min yaya, well, maybe they're right," itinawa ko ang kunting lungkot. "Ang laki na po ng inaanak niyo, ate. Muntik na ngang malampasan ang laki ni baby Thi—" mariin akong napapikit at hindi pinagpatuloy ang salita.
Natahimik naman si ate sa kabilang linya. Hay, Jira! Ang makakalimutin ko talaga sa mga sore topic! Sorry, ate Dasha!
"Ah, si kuya nga po pala noong isang araw ko pa huling nakita pero nag-te-text naman po siya sa 'kin. Mukhang busy pa rin po sa racing-racing chu-chu niya."
Marami pa akong naikuwento kay ate tungkol sa mga nakalipas na buwan. Hindi man maayos ang simula ng convo namin pero halos mga nakakatuwang pangyayari ang pinag-usapan namin. At sabi niya rin uuwi raw siya bukas kaso baka nasa kila ate Alice ako no'n.
***
"Play, 'te Ji'!" Kumiwag-kiwag ang alaga ko mula pagkakabuhat ko sa kaniya. Hindi na makapaghintay na makalaro kasama ang mga kalaro niya.
Natatawa ko siyang ibinaba at hinayaang tumakbo palapit sa iba pang kaedaran niya sa children's park dito sa village kung saan nakatira sila ate Alice.
"Careful, baby. Baka madapa ka," marahan kong paalala dahil ang bilis niyang tumakbo!
Mabilis kong hinawakan ang leegan ng damit nito sa likuran at baka matumba pa ito.
"Watch your steps, baby," paalala ko rito at i-gi-nuide ito.
Nako! Magiging future runner pa yata 'tong alaga ko!
Umupo ako sa kalapit na metal bench. Nilapag ko 'yong tote bag na dala ko kung saan ay may lamang gamit ni baby Giselle.
"Jira!" Nakita kong papalapit ang isa ring babysitter na si Amy na naging ka-close ko lang nitong taon.
Dala niya sa bisig ang alaga niya na pinaka-chubby'ng baby girl ng village! At pinaka-cute!
"Ang siopao talaga ng pisngi mo, Thisbe!" Nakanguso ako habang pinisil-pisil ang mukha ni baby Thisbe.
For me, babies are the cutest in the world!
I lovingly said, "Aww," when she just laughed and blabber nonsensical words. Cuteness overload!
YOU ARE READING
Into Your Arms (Exclusive on GoodNovel!)
RomanceI always think that all of his actions meant nothing but a friendly gesture. I always warn myself not to think too much about the way he treated me. I always think that I'm not that much of a significant girl to him. I used to think that it's okay t...
Prologue (REVISED)
Start from the beginning