She's right. Kaya di ko sila pinapasok tsaka sumilip lang ako kanina dahil halata naman di lang sila papasok para icheck yun butas kuno.
Kumatok muna kami sa pinto bago pumasok. Nagtanong kami kung saan nakahiga yun kakapasok lang dito. Tinuro nya yun nakasarado yun kurtina. Nagpasalamat lang kami bago pumunta dun.
Nakita namin na ginagamot ni Rade si Hera. Umupo kami sa upuan habang ginagamot nya ito. Dahil siguro sa pagod..di ko na namalayan na nakatulog ako.
"West...gising,"Naramdaman ko ang marahang alog sakin. Si Rade pala.
"Aalis na ko..."
Napabangon tuloy ako. Teka nasa kwarto nako ah? Paano yun nanyari?
"Teka..kailan--I mean, bat nasa kwarto na tayo? Diba nasa clinic tayo?"
Ngumuso lang sya kay Hera."Natutulog lang yan saglit pero sya yun nagteleport satin.."
Kakaiba si Rade ngayon ah?I smiled a bit. "Hmmm..thank you."
"Anytime."sabi nya at tumalikod na sakin at lumabas.
Tumingin ako sa bintana.Gabi na pala.
Napalingon ako kay Vien at Hera na tulog.Tinali ko ang buhok ko at pumunta sa kusina para magluto.
.
.
.
.
Ilang minuto lang at luto na ang noodles. Luto nadin yun kanin at itlog. Tinatamad na kasi ako magluto"Hmmmmm ang bango! Noodles yan, West?" Muntikan nako mapatalon nang may nagsalita sa likod ko.
Lumingon ako sa likod at binatukan si Vien. Amputcha muntikan na mahulog yun kutsara sa sabaw!
"Aray! Para saan yun?"
Sinamaan ko siya nang tingin."Wag ka ngang magsasalita dyan bigla! Aatakehin ako nito sa puso eh,"
Nag peace sign lang sya sakin at nagpacute. Feeling.
"Tigilan mo yan,Vien muka kang butiki na naipit sa laki nang mata mo dyan.."
"Ansama mo West! Hmp! Hera ohhhhhh niaaway akoni West! Upakan mo nga din,"sabi nya at tumawa nang parang timang.
"Psh..ingay nyo."
Dahil narinig ko ang boses ni Hera, Inutusan ko sila na ayusin na ang mga plato at kakain na kami.
Mabilis naman nilang naayos at tinulungan ako magsandok kaya nakakain na kami agad.
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa nanyari kanina habang kumakain kaya di namalayan na ubos na pala. Nagpasya si Vien na maghugas kaya di na kami tumanggi.
Nakita ko na binigyan lang ni Hera si Emerald nang pagkain at humiga na uli. Napagod siguro kanina.
Umupo ako malapit sa bintana at tinanaw ang mga bituin. Ang ganda grabe...Naisip ko yun kapatid ko kung mayos lang ba sya. Hay miss ko na iyon.
"What a sight,right?"
"AYY palakang daga!"
Amputcha hilig nila manggulat ano? Niligon ko nang inis si ate Hera na nakatanaw din sa labas.
"Palakang daga? What a word,pfft."
"Hoy wag kang makatawa tawa dyan ate! Tsk kanina nyo pa ako ginugulat naknang daga!"
"Tss..You should stop drinking coffee or at least lessen it. Not really good for the brain."
Napasimangot naman ako. Nandamay pa ang wala."Di ako uminom nang kape okay? Psh... isa pa nag se senti senti ako dito okay?! Matulog ka na ate!"
Napailing nalang si Ate Hera sakin at humiga na uli. Nakita ko na humiga nadin si Emerald at nagharutan sila dun.
Nakakainggit lang na may guardian na sya. Gustong gusto kong mainggit kay ate Hera kasi nasakanya na lahat. LITERALLY LAHAT!
Looks.Power.Fame.Attitude.Guardian.Friends.
Pero hindi ko kaya. Kaibigan ko sya at kami nalang ang meron sya. Isa pa..wala ako karapatan magselos dahil iba iba naman tayo. We are all unique.
Tuwing nakakaramdam ako nang kaunting selos ay agad na napupuksa kapag nakikita ko syang nakatingin sakin...nakangiti sakin. Once in a blue moon ngumiti nang masaya..pero worth it makita. Nakwento sakin ni Vien na simula bata ay nakatira na si Hera sakanila dahil wala na itong magulang. Sobrang ilag daw nito dati..buti nalang nagbago ito.
Pinatay na ni Vien ang ilaw kaya hinawi ko na ang kurtina at humiga na. Nagdasal muna ako saglit bago ipikit ang mga mata ko.
ZzzzzzzzzZzzzzzZzzzZZZzzzzzzzzZzzZ
-----------TO BE CONTINUED--------------
A/N:
●THANK U FOR READING! LEAVE A LIKE,REACT AND COMMENT/REPLY!
●KEEP SAFE ALWAYS,OKAY?OKAYED.🌻
Chapter 21
Magsimula sa umpisa