"Gising ka na pala," wika ni Reese kasabay na humakbang sila palapit sa akin, humila naman siya ng upuan at umupo malapit sa aking pwesto.
"Nasaan tayo?" tanong ko na mayroong bahid ng inis.
Ipinatong ni Skye ang kaniyang kamay sa headboard ng upuan dahil iyon ang nasa kaniyang harapan, "Sa tingin ko ay alam mo na ang sagot sa tanong mo" seryosong tugon niya.
"Bakit niyo ako dinala dito?"
"Isn't obvious? Itinakas ka namin" tugon ni Reese.
"I told you, hindi niyo dapat ako itinakas" inis kong saad.
"Hindi ka pwedeng makulong, tol" kalmadong wika ni Reese.
"Why?" singhal ko.
Biglang bumukas ang pinto, "Dahil kailangan ko ng paliwanag mo" tugon niya.
"Bunso," mahinang sambit ko kasabay na isinara niya ang pinto, nakatingin rin ang dalawang kaibigan ko sa kaniya hanggang sa lumapit naman siya sa amin. Nang makalapit siya ay huminto siya sa tabi nila Skye, "What are you doing here?" nagtatakang tanong ko.
Inilagay niya sa bulsa ng kaniyang pantalon ang kamay niya at ang isa ay ipinatong sa headboard na kinauupuan ni Skye, "Gusto ko lang malaman ang katotohanan bago ka makulong" sarkastikong tugon niya.
"Mia" saway sa kaniya ng dalawang kaibigan ko.
Ngunit nanatiling nakatitig sa mga mata ko si Mia, "Bakit mo ako iniwan?" seryosong tanong niya.
Bumuntong hininga naman ako, "Hindi kita iniwan"
"Bakit hindi ka bumalik sa ampunan? Nangako ka sa akin, ate" saad niya na nangingilid na ang luha sa mata.
Napayuko naman ako ng bahagya, "Bumalik ako"
"Bumalik? Pero--- bakit hindi ka nagpakita sa akin?" singhal niya.
Napatayo si Skye upang pakalmahin si Mia at si Reese naman ay lumapit sa akin, "Namatay sila Mom and Dad pero iniwan mo pa ako sa impyernong ampunan, sa tingin mo ba ay hindi ako nahirapan?" inis niyang tanong.
Hindi ako nagsalita ngunit nanatili akong nakatitig sa kaniyang mga mata, "Ikaw na lang ang mayroon ako pero iniwan mo rin ako," wika niya kasabay nang luhang pumatak sa kaniyang pisngi at pinaupo siya ni Skye sa upuan ngunit patuloy na nag-uunahan sa pagpatak ang kaniyang luha.
"I'm sorry," usal ko na nangingilid na din ang luha sa mata.
Muling tumingin sa akin si Mia, pinunasan niya ang kaniyang luha gamit ang daliri niya pero nanatiling nakatitig sa aking mga mata, "Nang nalaman kong pinatay mo ang daddy ni Dasha ay pinuntahan kita kaagad dahil nag-alala ako sa 'yo. Hindi ko lubos maisip na aabot ka sa pagpatay ng tao," garalgal niyang wika kaya napayuko ako at tuluyan nang pumatak ang aking mga luha, "Hindi naman talaga ako naniniwala na ikaw ang pumatay sa daddy niya," dugtong niya kaya kaagad akong napatingin kay Mia nang sabihin niya iyon, "Pero--- nang makita kong hawak mo ang patalim ay hindi ko na alam kung paniniwalaan pa ba kita o mas paniniwalaan ko ang mga nakita ko" wika niya ngunit patuloy sa pagpatak ang aking luha,
"Mia, enough!" saad ni Skye.
"Narito tayo para tulungan si Kynzlee" saad naman ni Reese. Hindi nagsalita si Mia, yumuko siya at pinunasan ang kaniyang luha, "Kailangan lang natin patunayan na walang kasalanan si Kynzlee" muling wika ni Reese.
Tinapik sa balikat ni Skye si Mia, "Kailangan mong maniwala sa kapatid mo, Mia. Ikaw na lang ang masasandalan niya maliban sa amin" seryosong wika ni Skye.
"Sarado ang isipan ni Dasha pagdating sa paliwanag ni Kynzlee kaya gusto niyang makulong ang ate mo" wika naman ni Reese.
"Nakita ni Dasha kung ano ang nakita natin kaya naiintindihan ko siya" saad naman ni Mia.
BINABASA MO ANG
Kiss the Girl [COMPLETED]
Romance"Only love and dead change all things." Happiness and love are the only things Dasha feels every time she is with her girlfriend. Dasha Grande is a student at El Trinidad University, she is a quiet and contented woman so she caught the tickle of her...
𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 18
Magsimula sa umpisa