Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Jazmin at inakbayan niya rin si Irine.

"Sa atin na ang susunod na set." Sabi ni Jazmin. Tumango kami ni Irine. 4-2 kasi ang score namin. Maganda rin kasi ang tirada ng team nila Bianca.

Nagmadali na kaming pumunta sa shooting line at hinawakan ang aming kaniya-kaniyang pana. Pumito na ang official kaya pumasok na ako sa shooting line nagnock na ako ng arrow. Pumito na ang official kaya nagdraw na ako.

"9 o'clock 10!" Sigaw ni Lyn nang marelease ko na ang bala. Nagsuksok na ako agad ng bala at nagdraw na muli.

Nagclick na ang clicker kaya nirelease ko na ang arrow.

"9 o'clock 9!" Sigaw ni Lyn. Lumabas na agad ako ng shooting line. Pumunta sa equipment area. Si Jazmin naman ang nasa shooting line. Nilagay ko na ang pana ko sa bow stand. At pumunta sa likod ni Irine.

"Tuloy-tuloy lang Jazmin." Sabi ko rito habang nakadraw siya.

Narelease na niya ang una nitong bala.

"12 o'clock x!" Sigaw ni Lyn. Ang galing talaga ni Jazmin. Sayang lang at hindi siya nagqualify for national ngayong taon. Pero sa tingin ko sa susunod na mga taon kasama na siya.

"12 o'clock 10!" Sigaw ni Lyn. Lumabas na si Jazmin ng shooting line at si Irine naman ang magsu-shoot.

Nasa likod lang kami ni Irine.

"Relax lang mahaba pa ang oras." Sabi ni sir Nico. Halata kasing tesiyonado si Irine.

"Nice one Irine! 4 o'clock 9!" Sabi ni Lyn.

Nagdraw na muli si Irine at ni release.

"5 o'clock 8." Sabi ni Lyn.

Tumingin si Irine kay sir Nico.

"Sir nadulas po. Ibababa ko po sana kaso narelease ko na." Paliwanag ni Irine.

"Okay lang iyon, Irine. Relax." Sabi ni sir Nico at hinawakan nito ang ulo ni Irine.

"Lamang tayo guys! Nag-six ang kalaban." Sabi ni Lyn.

Pumito na ang official. Retrieve na.

Paglapit namin sa target batt para magscore nagka-6 nga ang kalaban.

South State University
10+10+9+8+7+6=50

East State University
X+10+10+9+9+8=56

"Between East State University and South State University. East State University 6 points, South State University 2 points. Winner East State University!" Sabi ng announcer.

Naunang bumalik ng shooting line si Bianca. Nakipagkamay at binati naman kami ng mga kateam niya.







Susunod na ang mixed team. Sa mixed team ay may dalawang manlalaro lamang sa isang team ang makakapaglaro, isang babae at isang lalaki. May tig-dalawang bala ang manlalaro kaya ang perfect score nito ay 40 points.

"Sa mixed team si Ramile at Narie ang maglalaro dahil sila ang may pinakamataas na rank." Sabi ni sir Nico. Sobrang saya ko dahil makakapag mixed team na ako. Noong high school hindi kasi ako na ilaban ng mixed team at ngayon si Ramile pa ang makakasama ko.

Magsisimula na ang mixed team. Ako ang first shooter at si Ramile naman ang last.

Nagrelease na ako ng bala.

"9 o'clock 9!" Sabi ni sir Nico.

Nagdraw na ako para sa pangalawang bala. Nirelease ko na ito.

"9 o'clock 10!" Sabi ni sir Nico. Lumabas na ako ng shooting line at si Ramile naman.

Right DecisionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon