"Kyrene! Yasmine!" Mabilis na lumapit si Vincent dito at nilayo si Kyrene, hawak-hawak siya nito sa bewang. Si Dianna na naman agad na tinayo at niyakap si Yasmine.

"Sinaktan niya ako dad, mom." Umiiyak na sabi ni Yasmine kay Vincent at Margarita.

"Oo sinaktan ko siya! Subukan mo lang lumapit uli sakin, hindi lang yan ang aabutin mo." Sigaw ni Kyrene at agad siyang umalis at pumasok sa kwarto.

Tinignan si Yasmine ng mommy at daddy niya.

"Ano na naman ang ginawa mo?" Tanong ni Margarita na halatang punong-puno rin ng galit ang dibdib.

"Wala akong ginawa, siya ang nanakit." Pag dadahilan ni Yasmine.

"Hindi ka niya sasaktan, kung hindi ikaw ang nag simula na naman. Tumigil kana Yasmine! Tumigil ka na." Ma-autoridad na sabi ni Margarita, umalis ito at sumunod sa kwarto ni Kyrene.

"Sana na naman Yasmine, matuto kang maging sensitive." Sabi naman ng daddy niya at umalis din.

Pumasok ang mag-asawa sa kwarto ni Kyrene. Nakaupo si Kyrene sa kama, yakap-yakap nito ang mga binti niya.

Umupo si Margarita sa harap niya, hinawakan nito ang braso niya.

"Sorry mommy, hindi ko na po napigilan eh." Hinging paumanhin niya na hindi tumitingin sa ina.

"Anak, sabihin mo sakin ang nararamdaman mo. Hayaan mong damayan kita." Doon umangat ng ulo si Kyrene, tumulo na naman ang mga luha niya.

"Ang sakit mommy, ang sakit sakit!" Yumakap siya sa mommy niya at humagulgol na ng tuluyan, awang-awa sakanya ang magulang niya.

"Sige lang anak, iyak ka lang, nandito lang si mommy at daddy." Hinaplos nito ang likod niya, hindi niya alam kung gaano siya katagal umiyak at nakayakap lang. Nasa likod niya naman ang daddy niya nakaupo. Nangkumalma siya, tsaka siya bumitaw ng yakap.

"Mommy, daddy. Diba po, gusto naman ako ni lolang papuntahin sa London dati?" Hindi nag salita ang mag asawa, inaantay lang ang susunod na sasabihin niya.

"Pwede niyo po kaya akong ipadala d'on. Doon nalang ako mag-aaral."

"Sigurado ka ba anak? Masyadong malayo." Sabi ng mommy niya.

"Gusto ko pong lumayo, hindi po ako makakalimutan kung nandito ako."Napabuntong hininga ang mommy niya at tumingin sa asawa.

**
Pumasok si Kyrene sa kwarto ng lola niya, nakaupo ito sa wheelchair. Dahan-dahan siyang lumapit dito, at lumuhod sa harap nito. Umungol naman ito ng umungol at pilit siyang inaabot ng kamay nito, hinawakan niya ang kamay ng lola niya at nilagay sa pisngi niya.

"I'm sorry lola, hindi ko ginustong mag-kaganito kayo. Maniwala po kayo, mahal na mahal ko po kayo." Tumulo bigla ang luha ng matanda, gan'on din ang kay Kyrene.

"Aalis po muna ako, sana po pag balik ko, magaling na kayo. Mahal na mahal ko po kayo." Tumayo si Kyrene at hinalikan niya ang lola niya sa noo.

"Mag palakas po kayo ah." Yun lang at lumabas na si Kyrene ng kwarto ng matanda.

****
Bar:

Halos walang patid sa pag-inom si Khielve, pero parang hindi siya na lalasing. Nand'on halos ang lahat, maliban kay Kenneth.

"Jelian please, gusto kong makausap si Kyrene, tulungan mo naman ako." Pakiusap ni Khielve kay Jelian.

"Alam mo Khielve naawa ako sayo eh. Pero kasalanan mo eh, ang laki mong gago alam mo ba yun?" Sabi naman ni Tricia sakanya.

"Alam ko, alam ko. Pero t*ng-ina! Kung alam niyo lang kung gaano ako nag dudurusa dahil sa kagaguhan ko." Kulang nalang mag-wala siya at ipag-hahagis ang nasa lamesa ginawa na niya.

THE REAL HEIRESS #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon