9 | Coolest Class •

Magsimula sa umpisa
                                    

"Look over at that table. 'Di ba sila 'yung mga naka-away natin sa Gym? Ang sama makatingin ng mga loko," sabi n'ya habang nakaturo sa isang table kung saan nga nakaupo 'yung grupo ng mga nakasapakan namin sa Gym kagabi. Kumpara kagabi ay mas marami sila ngayon.

Sa mga narinig ko ay Class A raw ang mga 'yun at marami ang humahanga sa kanila dahil nga sila ang star section pero ako... tangna! Star section my ass! Baka durugin ko pa mukha nila isa-isa at hindi malaman kung saan aso sila hihiram ng mukha.

"Iba makatingin ang mga loko, Pareng Agosto. Ano? Sugurin na natin oh!" udyok ni Lexus.

Umiinit na nga ang ulo ko at para na namang may nag-aalburotong bulkan sa loob ng dibdib ko habang nakikipag titigan ako sa kanila. Gusto ko na nga silang sugurin at isubsob ang mga mukha nila sa mga kinakain nila pero bigla kong naalala ang pangako ko kay Aaron.

"I'm sorry na nabahiran na naman ng kagaguhan ko ang apelyido mo. Hindi naman talaga ako 'yung nagsimula, pinagtanggol ko lang 'yung tropa ko. Pero ito– promise ko na talaga sa'yo, simula sa araw na ito pag-aaralan ko na ang magtimpi. Iiwasan ko nang makipagbasag-ulo. Promise ko 'yan!"

Huminga na lang ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko kahit na parang demonyong bulong nang bulong sa tenga ko si Lexus.

Ayoko ng ma-disappoint sa akin ulit si Aaron. I'm a man of my words din naman kaya hangga't kaya ko magtitimpi na lang ako pero once na i-provoke nila ulit ako ay pasensyahan na lang. Talagang manghihiram na sila ng mukha sa aso.

"Hayaan mo na, Lex. 'Di hamak na mas gwapo naman tayo sa mga 'yan." Tapik ko na lang dito bago ako pumila sa counter.

Naiwang nakatulala si Lexus dahil sa sinabi ko. Kahit na ilang araw pa lang kaming magkasama ay kuha naman na namin ang ugali ng isa't-isa. Siguro ay nagulat lang s'ya na hindi muna ako nakipagsabayan sa kaangasan ng class A sa kabilang table.

Tapik sa aking balikat ang nag-palingon sa akin. Kaagad na tumabi si Brione sa akin na nakatingin na rin sa mga pagkain sa counter.

"Everyone in class thinks that you have no self-control and know nothing but bragging about how mighty you are. Pero 'yung sinabi mo kanina proves that they're wrong. Just like what I expect, mahirap ka nga talagang basahin, August," sabi nito.

Napangisi na lang ako sa sinabi n'ya saka tumapik sa balikat niya. Hindi ko alam na ganu'n pala tingin ng classmates namin sa akin.

Well, hindi ko naman sila masisisi saka wala naman akong balak na ipaintindi ang sarili ko sa kanila. Kung ano ako; 'yun ako! Bahala silang mag-isip ng kung ano.

"Marami pa kayong hindi alam sa akin, Bri. Napakarami."

Hanggang sa pagkain ay tuloy pa rin ang kwentuhan at kulitan naming tatlo. Panay ang asar ko kay Lexus lalo na nang sabihin ni Brione ang unang ipapagawa n'ya sa amin bilang usapan sa deal.

"Eh? Bakit naman kasi ganu'n 'yung akin!? Ang unfair naman no'n!" Pagmamaktol nito.

Ang utos kasi sa kanya ni Brione ay hingian ng piso ang bawat kaklase namin, since twenty kami dapat may maipakita s'ya kay Brione na seventeen pesos dahil hindi na kami kasamang tatlo. Bawal din galing sa mismong bulsa n'ya dahil kailangan nandoon o nakikita ni Brione kapag ginawa n'ya 'yun.

Ang akin naman ay medyo madali lang, makikipagkamay lang ako sa mga kaklase namin. Hindi ko nga alam kung anong trip ni Brione eh, expected ko na mahirap ang ipapagawa n'ya pero surprisingly hindi naman ganu'n kahirap. Ewan ko rito kay Lexus kung anong hinihimutok n'ya.

Sa gitna ng tawanan at kulitan kaming tatlo ay may bigla na lamang sumundot ng braso ko. Sabay-sabay naman naming tiningala 'yung taong nasa likuran ko.

The Crimson Host [ Weirdoverse ] [SLOW UPDATE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon