Gino: Decide with what you think what's best.

Celine: How would I know it's best?

Gino: When you can sleep at night at peace and happy. Ikaw lang makakasagot nyan.

Celine: E kaya ko ba syang iwan? Ikaw nga mababaliw ng hindi mo kasama si Gab. Tss. Ang simple ng problema nyo.

Gino: Yours is simple too. Don't complicate it. Decide for long term. Gtg. I am fixing my documents.

Celine: Fix mine too. I'm considering going there. Thanks.


After ko sya nachat ay naligo lang ako. While I'm under the shower, I'm thinking of scenarios that will happen if I choose to stay here. Our story will end tragic. Pag umalis naman ako alam kong magagalit sya. Ano man yung piliin ko may masasaktan. Masasaktan ako.


OG girls GC

Gab: Already found a condo na tabi-tabi tayo.

Yna: Sige yan na.

Trish: Yeah. Is it near sa hospital?

Gab: Yeah. Pwedeng walking distance.

Josh: Already reserved it. Send you the bill.

Celine: Okay, thanks

Gab: Viewing later?

Trish: Sure.


Pero hindi kami natuloy agad sa viewing kasi nagyaya akong magbatangas. I wanna spend my last days here with them. Kasi parang totoong kapatid ko sila. They never treated me differently. Kahit magbabarkada na sila bago nila ako makilala. There were no days na maiilang ako sa kwentuhan nila, 'pag may hindi ako alam sa mga kwento nila, they'll find time na ikwento.


Pero ewan. Lahat kami nagbago. Mula nung nagbreak si Gab at Gino. I haven't seen Gab smile genuinely. Madalas nakataas kilay nya sa iba, pero when she's around us, sobrang bait. She pays for everything. She asks us always ano kailangan namin. For a moment, I thought sila yung end game. Our clan loves her, adored her even. Pero siguro ganun talaga, mahirap labanan 'pag hindi tinadhana o ayaw pa ng panahon.


And si Trish, ewan sa babaeng to. Sobrang naging close kami nung internship. Kami kasi yung nahiwalay. I saw how hard she cried dahil sa kapatid ni Gab. We became drinking buddies, kasama si Igi. Akala ko may chance sila noon. Pero wala e, kahit anong gawin ni Igi, si kuya Miggy yung gusto nya. She even made a convo na kaming dalawa lang tapos ichachat nya ako na parang ako si kuya Miggy. And most messages are "Miggy tayo na lang ulit, ako na lang ulit." She got the idea na gayahin yung movie ni Toni Gonzaga at Coco Martin. Sinuportahan ko na lang sya. Kaya tuwing lasing sya tadtad yung telegram ko.


Sa aming magbabarkada. Si Yna at Marco lang ata masaya. Si Josh, hindi ako sigurado. I'm close with him. Pero reserve sya pagdating sa lovelife nya and I respect it. Ganun talaga siguro, the world can't destroy something that it doesn't know.


After namin mag-ayos sa condo ko ay sa condo nya na kami umuwi. He's quiet, which is unusual. Alam kong pinipilit na rin syang makipaghiwalay sa akin. And there's a thin line na lang kung bakit kami kumakapit. Naligo lang ako at sinuot yung t-shirt nya. Hindi na ako nagdala ng gamit dito. Ayaw kong may kailangan pa akong kunin pag maghihiwalay kami.


Lumabas ako ng kwarto nya at umupo sa bar stool habang nagluluto sya. Isa ito sa pinagbago nya, he doesn't even know to cook before, pero natuto sya nung magkasama kami sa medschool.


Fighting it with you✨ [MED SERIES  # 4] COMPLETEDWhere stories live. Discover now