"Sup, wala pa rin ba sundo mo?" tanong ni Rogan na naiiwan na ng mga kaibigan niya.

"Mag cocommute na lang ako." kibit-balikat ko dahil lagpas na sa 15 minutes ang palugid na binigay ko kay Daddy.

Nakalimutan siguro ni Daddy na susunduin niya ako.

"Sabay ka na lang samin? Makikisakay lang rin ako kay Callisto eh." aniya at tinutukoy ang kaibigan na nakilala ko lang kanina.

"Wag na. Ayos lang."  I looked at his friends.

Ang tatlong lalaki na kaibigan ni Rogan ay pumunta sa kanya-kanya nilang sasakyan kasama pa rin yung dalawang babae.

Narinig namin na tinatawag na siya ng mga kaibigan niya kaya't napabuntong-hininga siya.

"I'll go ahead, then. See you?" ngiti niya at tinakbo na ang kotse nung isa niyang kaibigan.

Hinintay ko munang makalabas sa school yung tatlong kotse nila bago ako lumabas at pumara ng tricyle. Sinubukan ko ulit tawagan si Daddy pero hindi niya pa rin ito sinasagot. Mukhang hindi niya dala ang cellphone niya.

"San ka neng?" tanong saakin ng driver.

"Ah sa ano po..." napakagat ako sa ibabang labi ko. "Sa Lozano po? Yung sugarcane plantation po ng Lozano?" napakunot-noo siya bago tumango.

"Ah yung tubuhan ba sa may kalayaan?" napakunot-noo ako dahil hindi ko alam kung sa Kalayaan nga ba ang bahay namin! Ilan ba ang tubuhan dito sa La Puerto at mukhang madami-dami ata?

"Sige!" tango niya at pinaandar ang tricyle nung may sumakay pang isang estudyante.

Kinakabahan ako dahil baka maligaw ako pero nang mapansin kong pamilyar ang daan papunta saamin ay nakahinga-hinga ako ng maluwag.

"Salamat po!" hindi ko maitago ang tuwa sa sarili dahil first time kong magcommute at tama pa ang destinasyon binabaan ko.

Naabutan kong nakabukas ang malaking gate kaya't agad akong pumasok at bumungad saakin ang dalawang truck na nakaparada hindi kalayuan sa tubuhan.

Nakita ko rin ang ilang trabahador ni Daddy na akay-akay ang tubo at dinadala sa truck.

Napansin ako ng isang trabahador at mukhang sinabi niya sa mga ito ang pagdating ko kaya napalingon ang ilan saakin. Napansin ko rin si Daddy na mukhang tumutulong rin sakanila.

Nang makita niya ako ay agad siyang napatingin sa palapulsuhan niyang relo. Pinuntahan niya ako habang sapo-sapo ang noo.

"I'm sorry anak. Nakalimutan ko..." bungad niya ng makalapit saakin. Napatingin ako sa damit niyang nadumihan na dahil sa ginagawa. Basang basa ang damit niya at pawis na pawis ang mukha.

"It's okay Daddy." pilit akong ngumiti at inabot ang pisngi niya upang halikan siya.

Hindi naman ako nakaramdam ng pagtatampo kay Daddy dahil naiintindihan ko talaga. Siya lang ang namamahala ng plantation kaya walang siyang ibang aasahan.

Nilingon ko ulit ang mga trabahador ni Daddy at mukhang matatapos na rin naman. Mabuti na lang dahil kaninang umaga pa sila.

Kinamusta ako ni Daddy tungkol sa unang araw ko sa ULP at sinigurong magugustuhan ko rin daw ang dati niyang school. Tuluyan na niyang iniwan ang mga trabahor at sinamahan pa ako papasok sa bahay.

"Daddy, I can commute naman. You don't need to worry about me." umiling lang si Daddy at inabot ang malaking bimpo inabot ni Manang Tising sakaniya. Nagmano naman ako sa matanda.

"I'll fetch you tomorrow." napanguso na lamang ako dahil kahit madalas na galit at seryoso si Daddy, minsan ay lumalabas ang pagiging sweet niya saakin.

La Puerto #1: Along with the SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon