CHAPTER 6: Missing

Start from the beginning
                                    

“May maglalayag na!” matinis at masiglang sigaw ni Tiyang Sabby at may pahabol pa na tili habang yakap-yakap nito si Lola na namumula na rin.

Lumunok ako nang lumunok ng laway at piniling tumalikod na lang sa kanila. Ibinunton ko sa hawak kong bagay ang inis at hindi sinasadyang mapisa iyon upang maglika ng malagkit na texture.

Pati ang nanahimik na kamatis ay napagdiskitahan ko.

NEXT MORNING

Sumisilip sa nakabukas na bintana ang sikat ng araw. Habang nagkakarera sa pagtilaok ang manok ng mga kapitbahay namin ngayong umaga, gano'n din ang pagsi-awitan ng mga ibon. Naputol ang relaxing na paligid nang magpatugtog ang kapitbahay ng pang-Zumba music na parang sisirain ang buong bahay.

Panira ng araw.

Matapos ang hapunan kagabi, ay hinatid ko palabas ang kapatid kong si Carol. Umalis na siya pero ang balitang iniwan niya ay patuloy na bumabagabag sa akin.

Positive lang, Vera. Tama! Wala ka pa namang desisyon. Stay happy lang muna tayo rito at iwasan ang negative vibes.

Bumangon ako sa kama at nagtali ng buhok. Nilinis ko na rin ang kama at tinanggal ang puting punda at kumot nito. Lumingon-lingon ako sa paligid ng kuwartong tinutuluyan ko upang hanapin ang basket na umaapaw na dahil sa daming maruming damit na ngayon ay lalabhan ko.

Hays! Bakit ba kasi ako nag-iipon ng maruming damit? Samantalang si Caleb, oras-oras ay naglalaba kaagad dahil aliw na aliw siya sa posong ginagamit namin sa likod-bahay.

Dinampot ko ang basket saka iginaya iyon upang idagdag ang lalabhang kumot at punda na nasa kama.

Matapos makuha ang mabigat na kumot, ay nagmistulang bundok ng labahan ang hawak ko. Nakita kong nakalatag sa sahig ang kulay pink kong bra at dinampot iyon gamit ang paa ko. Hinagis ko iyon at saktong nasalo ko nang hindi ginagalaw ang puwesto.

Nabuksan ko rin ang pinto nang hindi nalalaglag ang gabundok kong dala at hinawi ang pinto gamit ang kaliwa kong paa.

Bumaba ako sa hagdanan na yari sa kahoy at akmang hahakbang na ako pababa sa huling step nang bumungad sa akin si Caleb na nakataas ang braso at nag-uunat habang humihikab. Napakurap-kurap ako nang mapagtantong wala na naman itong damit kaya makikita sa kili-kili nito ang mga maliliit na buhok na kakulay rin ng buhok niyang manilaw-nilaw.

Ang kyut nga eh. Parang buhok ng sanggol. Napansin ko na naman ang hubad nitong katawan kung saan naghihimutok ang pan de sal niyang kulay pinkish din na parang araw-araw may blush on.

Hindi na ako na-a-attract dahil hindi naman talaga siya nakaka-attract.

Akmang maglalakad na ako nang tuluyang harangin ako nito. Kaagad na nagsalubong ang kilay ko at tatlong beses na ganoon ang tagpo namin.

Sa tuwing lulusot ako ay siyang paghakbang niya na sakto sa patutunguhan ko; parang nagpatintero kami sa hagdan.

Natigil ang patintero nang aksidenteng mahulog ang limpak-limpak kong lalabhan at direktang nahulog sa sahig.

Umirap ako sa hangin habang walang umiimik sa amin at nagmadaling pinulot iyon saka dire-diretsong tinungo ang likod ng bahay kung saan maglalaba.

Gamit ang malaking batya na nakalatag sa sementadong lapag, na naghihintay na mabuhusan ng tubig. Kinailangan kong puwersahin ang poso matapos buhusan muna ng tubig ang ulo nito na parang pinaliliguan at nagpatuloy sa pagtataas-baba na may sapat na lakas hanggang lumabas sa bukana nito ang inaasahang tubig.

Kahit matalsikan ng tubig ay okay lang, dahil naka-shorts naman ako ngayon at maliligo rin pagkatapos.

Nang makapag-ipon na ako ng tubig sa apat na lagayan, sinuri-suri ko muna ang mga lalabhan.

Penny of SevenWhere stories live. Discover now