"Kaya kong kalimutan ang nangyari kanina na parang bula dahil naniniwala ako sa'yo. Maniniwala ako sa'yo kasi mahal kita, Nico."

Ako ng ang nag-patay ng ilaw ng lamp shade niya saka lumabas ng kwarto at bumalik sa kwarto ko. Pagkasara ko ng pinto ay naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko.

Kaya ko nga bang kalimutan kahit alam ko sa sarili ko na gustong-gusto ko malaman ang sikreto nilang dalawa? May tiwala ako sakanya... Alam kong ginagawa lang niya 'yon para protektahan ako pero hindi ko alam kung tama ang iniisip ko.

"Kamusta mga sagot mo?"

"Okay lang. Medyo nahirapan lang ako sa huling part. Ikaw?" Tanong ko rin kay Kaleb. Kakatapos lang ng tatlong sunod-sunod na exam namin. Bukas na ang huling araw at wala na kaming poproblemahin maliban sa resulta ng grades namin.

Bumuntong-hininga siya, "Ipapasadasal ko nalang. Hindi ako sure sa kalahati! Nakakabadtrip!"

"Bakit naman? Nag-review ka naman diba?"

"Oo, nag-review ako. Halos hindi na ako natulog sa sobrang daming coverage na binigay saatin! Ang problema, nag-halo halo na sa utak ko lahat ng inaral ko kaya alanganin ako."

Kaya pala. Buti nalang ay nagawa ko pang makapag-concentrate kahit andami kong iniisip kagabi at kahit kanina ring umaga.

Hindi pa rin kami nag-uusap ni Nico kahit sabay kami pumasok. Ayoko rin naman siyang guluhin dahil may exam kami. Baka nirereview niya ang pinag-aralan niya sa isip niya.

"Well, sana pumabor sa'yo ang dasal mo," nakangiting sabi ko at mahinang tinapik ang balikat niya.

"Hindi ko alam kung chinicheer-up mo ba ako o mas lalo mo akong pinapakaba," walang emosyon ang mukha niyang sabi saakin.

Tumawa ako. "50/50?" Pang-aasar ko.

"Grabe talaga siya oh! Nang-asar pa talaga!"

Malakas akong tumawa at niligpit na ang gamit ko. Wala na kaming klase kaya maaga ang uwian namin. Nauna na si Nico dahil wala na siya sa upuan niya.

"Kaleb," tawag ko. Nilingon niya ako habang nag-lalakd kami palabas ng building. "Nakausap ko si Rem kahapon."

Napatigil siya sa paglalakad at napatigil din ako.

"A-Anong sinabi niya sa'yo?" Tanong nya.

Maliit akong ngumiti, "Tinanong ko lang kung okay ba kami at sabi niya, oo naman."

"'Yun lang?"

"Tinanong niya rin kung nag-kausap na ba tayo o hindi pa," sagot ko. "Pwede na ba natin pag-usapan ang gusto mong pag-usapan? Wala naman na tayong klase-"

"Bukas." Pagpuputol niya sa salita ko. Tinignan niya ako sa mata. "Bukas... Bukas sasabihin ko sa'yo."

"Bakit hindi ngayon?"

Napalunok siya. "K-Kasi ayokong madistract ka. Mas okay pagkatapos ng exam natin."

"Tungkol saan ba?"

Ilang segundo siya hindi nakaimik.

"M-Marami..." Mahinang sagot niya pero sapat na para marinig ko. "Kaya mas mabuting bukas ko sasabihin. Pag-katapos ng exam. Promise, sasabihin ko lahat sa'yo, Chris."

Dahan-dahan nalang akong napatango kay Kaleb. Nangako naman siya saakin. Sana... Sana tuparin niya. Dahil gusto ko rin malaman kung gaano karami ang sasabihin niya.

Paglabas namin ng building ay nag-paalam na kami sa isa't-isa. Naglakad ako papuntang parking dahil nag-hihintay si Nico saakin.

Pero hindi ko inaasahan na hindi ko nakita ang sasakyan niya. Kahit kung saan siya lagi nagpaparking, wala siya. Sinuyod ko ang kabuuan ng parking lot pero wala siya. Umalis na siya? O, baka naman sa iba siya nag-parking? Pero dito siya nag-parking kanina.

Escaping the Reality (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon