"Tara na?" Pag-aya ko sa ka Sunghoon. Binuksan niya naman agad yung passenger seat at sumakay na rin ako.
"Bakit mo nga pala ako tinatawagan?" Tanong niya. Nakalabas na rin kami ng subdivision. Alas sais pa lang kaya hindi pa ganun karami ang sasakyan sa highway. Buti naman.
"Ah-" Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagdalawang isip ipaliwanag sa kanya na kay Jay na dapat kami magpapahatid.
"Uhm ano. Baka lang kasi maabala ka pa namin. Baka rin may kailangan kang gawin ngayong araw." Yun na lang ang nasagot ko.
"Am I not invited?" Napalingon ako nang mabilis sa kanya. "Kidding" Pagdugtong niya at mahinang tumawa.
"Of course you can come with us. Sadyang hindi lang siya formal celebration since Ni-ki doesn't want a party." Pagpapaliwanag ko.
Tumingin lang siya sa akin nang nakangiti. "Yes yes, I understand. I was just joking." Sambit niya at ginulo yung buhok ko.
"Park Sunghoon!" Agad ko hinawi yung kamay niya. Kalahatinh oras ako nag-blower ng buhok tapos guguluhin niya lang.
"Bawal pikon, birthday ni Ni-ki." Sambit niya nang tumatawa. Bakit parang sumusunod siya sa yapak ni Jongseong sa pang-aasar. LF: mga matitinong kaibigan po.
"By the way, this is my gift for Ni-ki." Sambit niya at mag kinuha niya nang mabilis ang isang paper bag sa back seat. Ang haba ng braso niya kasi abot niya iyon. Medyo nakatigil rin yung kotse dahil nasa may bandang toll gate na kami.
Umiling ako. "Ikaw dapat ang magbigay niyan sa kanya." I gave him an assuring smile.
"We're not close." Sagot niya.
"It's your gift. I know Ni-ki would appreciate it more if you give it yourself to him. And Ni-ki may be aloof but he likes being with older brothers. Sure ako, magkakasundo kayo." He sighed then smiled after.
"Gaano na kayo katagal magkakilala ni Jay?" Sunghoon randomly asked. He's probably bored kasi medyo bumabagal na yung usad ng sasakyan. Dumarami na rin kasi ang laman ng kalsada.
"Uhm? We've known each other since we're eight." I answered with a hint of uncertainty. Hindi ko na rin kasi maalala kung ilang years na ba. Basta as far as I remember, we became friends nung lumipat sila dito for good from America.
"Almost ten years." He said in awe. "That's why you two seemed really close." Dagdag niya.
"I guess. We fought a lot but we're really close. Halos sabay kami lumaki eh." Jay and me went to the same elementary and highschool and dun rin namin nakilala si Ate Bea. Nitong college lang siya sa amin nahiwalay. I know he badly wants to go to Pasig U since we already spent so many years in St. Peter at nakakasawa na rin. I hope he'll make it next year.
In less than an hour, nakarating na rin kami sa Enchanted Kingdom. Hindi ako mahilig sa amusement parks kasi hindi ko rin naman naeenjoy dahil takot ako sa matataas na rides.
"Nandun sila." Turo ni Sunghoon. Nagpark na rin siya at naglakad na kami papunta kina Jay at Ni-ki.
"Medyo mainit dito, pakibilisan po maglakad." Sigaw ni Jay. Napakaarte talaga oh. Kung hindi lang birthday ni Ni-ki, sinipa ko na yan pabalik sa Pasig.
"Eto na, nagmamadali ka kuya? Ikaw ba may birthday?" Sigaw ko pabalik at binilisan na maglakad. Katabi niya si Ni-ki na umiinom lang rin ng frappe.
"Mauna na raw tayo pumasok sabi ni Kuya Heeseung. Pero malapit na rin daw sila." Saad niya pagkalapit namin.
"I'll buy four tickets. Hintayin niyo na lang ako jan" Sambit ni Sunghoon.
"Libre po ang ticket sa may birthday. At may pambayad ako, hindi mo ako kailangan ilibre." Sabat ni Jay.
BINABASA MO ANG
𝗛𝗘𝗔𝗥𝗧 𝗢𝗨𝗧 [𝙴𝙽𝙷𝙰𝚂𝙴𝚁𝚈𝙴 #1] 𝙹𝙰𝚈
Fanfiction"Why don't you figure my heart out?" Jay knew her ever since they were kids. In those ten years, they were clueless of what they feel. He knew it's beyond friendship but they're no lovers. --- ENHASERYE #1 (Narration)