Naglakad na ako papasok bitbit ang papers na hinihingi ni Raven.

Nakapagtataka pero hindi ito ang ineexpect kong mangyari. Dapat ay sigawan nya ako. Dapat ay magalit sya at kamuhian ako.

“Here’s the paper.”

Tiningnan nya ang papel. Nagsalubong naman ang mga kilay nya tsaka tinapon ang mga ito.

“These were not the papers that I’m asking! How can you be so dense?! Are you mocking me!?” Galit at sunod-sunod na insulto’t sigaw nya.

Pinulot ko ang isang papel na tinapon nya. Nakita kong Sales Report iyon 1 year ago.

That bitch!

Sakto namang bumukas ang pinto. Nakita kong pumasok si Jaiza dala ang papers na batid ko’y hinihingi ni Raven.

“I’m sorry, Sweetie, Iba yata ang naibigay ko kay Queenie. Sorry.” Paumanhin nya. Pero halatang sinadya nyang ibigay ang ibang papers. Lalo’t ngumisi sya nung magtama ang mga mata namin.

“It’s fine. It’s her fault for not checking the papers.” Sabi naman ni Raven kay Jaiza.

Haaa? So ako pa ang mali? Wala naman syang sinabi kong anong papers ang kukunin ko.

Lumapit si Jaiza kay Raven saka hinalikan ito sa labi.

Smack lang pero yung sakit sa puso ko, smash!

“Sorry, Sir. I should’ve double-checked.” Paumanhin ko.

“You should?” Tanong nya na para bang may gustong ipamukha sa'kin.

“I must? Ano ba dapat?” Tanong ko.

Tss!” Singhal nya. “Go back to your seat.” Utos nya.

Naupo naman ako. May tumawag sa telephone ko. Sinagot ko naman yun.

“Yes, Hello?”

“Queen? How was it?” Tanong ni Lex. Alam nya ng nagkita kami ni Raven.

“Great. Just great! Muntik ko ng makalimutan ang usapan natin.”

“Backing out?”

“Of course not!”

“Time for his coffee. Kailangan nya ng medyo mapait. Ayaw nya ng masyadong sweet.”

“Copy.”

Bye. Goodluck.” Paalam nya.

“Who called you?” Tanong ni Raven.

“The HR Manager.” Sagot ko ng hindi nakatingin sa kanila. Pero based on my Peripheral vision, nakaupo si Jaiza sa lap ni Raven.

“Excuse me, I need to make a coffee.” Sabi ko. Naglakad na ako palabas. Hindi nya naman ako tinawag dahil kailangan nya din ng kape. Kahit alam kong may banyo sa loob ng office ay dun pa rin ako pumasok sa public cr exclusive for employees.

May nakita naman akong babaeng pumasok.

“You okay?” Tanong nya. Nakita nya kasi akong sapo ang dibdib. Tumango lang ako. “You’re the new assistant, right?” Dagdag na tanong nya. Tumango naman ako. “It’s okay. Anyway, goodluck.” Sabi nya pa sabay pumasok sa isang cubicle.

Lumabas na din ako. Pagdaan ko sa panlalakeng banyo sakto namang may lumabas na lalake. Kung di dahil sa mabilis na reflexes ko ay natumba na ako sa biglaang paglabas nya sa banyo. Kung nagkataong lutang ako ay magkakabanggaan pa kami.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon