"Hindi puwede."

"Please . . . kahit ngayon lang."

Sandali siyang natahimik hanggang sa inalalayan na niya ako palabas ng bar. Nahihilo na rin ako kaya hindi ko na siya masyadong maaninag.

Nagpunta kami sa parking lot dahil naroon ang kanyang sasakyan. Tahimik lamang kaming sumakay hanggang sa loob ng sasakyan.

Araw-araw ay nasasaktan ako dahil kina Leo at Linda. Kailan ba matatapos ito?

Puro malalim na pagbuntonghininga lamang ang naririnig ko mula sa lalaking katabi ko rito sa kanyang sasakyan.

MABILIS kaming nakarating sa bahay niya.

"Ano ba kasing nangyari sa 'yo? Akala ko gusto mo lang uminom. Mukha kang problemado."

Pinaupo niya ako sa kanyang sofa. Maganda at malinis ang bahay niya.

"Mag-isa mo lang ba rito?"

"Oo. Ano pala'ng pangalan mo, miss?"

"Rondeletia. Ikaw?"

Napangiti siya nang sinabi ko ang pangalan ko. Ang guwapo pala niya pag ngumiti.

"Maximo. Aayusin ko lang 'yong kuwarto. Do'n ka na matulog, ako na lang sa sala."

Hindi ako sumagot.

Naglakad siya papunta sa kanyang silid, pero sumunod ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang pumunta ako sa kanyang harapan. Hindi ako nakalimot gamit ang alak, nais ko pang mas makalimot sa sama ng loob na nararamdaman ko.

Handa kong ibigay sa kanya ang aking pagkababae kung ito mismo ang magbibigay sa akin ng panandaliang katahimikan.

"Rondeletia, a-ano'ng g-ginagawa mo?"

Lumapit pa ako lalo sa kanya at marahas ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi. Itinulak niya ako kaya napahiga ako sa kanyang kama.
Umupo ako at dahan-dahan kong inalis ang aking blouse. Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata nang tumama ang katiting na liwanag ng buwan na tumagos sa bintana. Hindi ko na kilala ang aking sarili at hindi ko na gustong balikan pa kung sino ako.

Akala ko ay tatalikuran na niya ako, ngunit yumuko siya at inilapit ang sarili niya sa akin.

"Napakaganda mo."

Hinawakan niya ang aking pisngi hanggang sa hinaplos niya ang aking mga labi pababa ng leeg papunta sa aking balikat. Hinahayaan ko lamang siya sa kanyang ginagawa. Nagtagal ang kanyang mga daliri sa pagguhit na naaayon sa aking hugis ulap na birthmark sa ibaba ng aking balikat. Nagtama ang aming mga mata at alam kong hindi na ako makakaatras sa aking sinimulan.

Siniil ko siya ng isang halik . . . halik na walang pagmamahal kundi . . . kapusukan lamang.

. . .

"Rondeletia . . ."

Bumalik sa kanyang sarili si Rondeletia, hindi niya namalayang umiiyak na siya. Hindi naman ito nakikita ni Linda dahil nakatalikod sa kanya ang kaibigan.

BLOOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon