Napahinto ako saglit nang mabasa kung kaninong pangalan 'yon. Si James.

Simpleng "take care" lang naman ang sinabi nya pero iba ang pakiramdam. I wonder kung anong mangyayari kung boyfriend ko pa rin sana sya until now. Baka kasama namin sya ngayon or what.
Agad akong nagtipa.

To James loml:
Thank you, take care too :)

Sent!

Agad rin naman syang nagreply.

From James loml:
Pasalubungan mo nalang ako ng chocolates :)

Natawa naman ako sa messages nya. Ewan ko, masyado lang mababaw ang kaligayahan ko.

Kazandra:
Sige, ano bang chocolate ang gusto mo?

James:
Kahit ano, basta galing sayo :)

Kahit ano basta galing sakin? Okay, bigyan ko nalang sya ng ...

Kazandra:
Gusto mo ba ng chocolate tapos ang name eh Cindy Margarette? |

Agad ko rin itong binura dahil hindi ko na dapat sabihin 'yon baka kung anong isipin ni James.

Kazandra:
Okay, sige! Sabi mo eh

James:
Sige, ingat ulit. Have a safe travels ;)

Hindi na ako sumagot pa at itinago ko na ang cellphone ko sa bag.

--

Nagising ako nang may alog ng alog sakin.

"Ate! Gising na!" Tinig ni Lyzette.

Agad kong iminulat ang mga mata ko at nadatnan si Lyzette na nakaupo sa tabi ko.

"Tumayo ka na dyan ate at nandito na tayo!" Inis na bulyaw nya sakin.

Problema nito? Makasigaw. Sampalin ko sya dyan eh. Ayoko pa naman sa lahat 'yung natutulog ako tapos babadtripin ka.

"Sana naman ate sapat na 'yung tulog mo! Ang tagal tagal mo nang tulog!" Asik nya pa.

"Ano bang problema mo?! Kita mong natutulog ako dito eh! Sasampalin kita dyan eh," asik ko saka inis na tumayo.

"Ikaw na nga lang ang ginigising dyan eh! Sige, matulog ka na ulit dito at maiwan ka na namin!" Aniya saka nagdabog din.

Mabuti nalang at kami nalang ang nahuhuli pang nakasakay kaya walang ibang nakakakita sa amin ngayon dito.

"Kalma ka lang dyan, Lyzette. Hayaan mo na ang ate mo," ani Cindy sa nag-aalburotong si Lyzette.

"Hayaan mo na ang ate mo, Lyzette. Pabayaan mo nalang at mahimbing talaga syang matulog," ani tita Cherry.

"Tara na, ayun na pala ang tito nyo," ani tita Zelle sabay turo sa kotse sa malayo.

Hindi pala si papa ang sumundo samin kundi si tito Christopher. Ang papa ni Cindy.

Agad na kaming nagtatakbo papunta sa kotse.

"How are you all? It's been a while," masayang bati samin ni tito Chris.

Wala pa rin namang ipinagbago ang itsura nya mula noon. Pero hindi nya kamukha si Cindy. Mas kamukha nya si tita Cherry. Siguro nakuha lang ni Cindy 'yung ilong nya kasi matangos eh.

"Dad," bati ni Cindy saka lumapit kay tito saka sya nito niyakap.

"I missed you so much, sweetie." Saad nito.

UNNOTICEDWhere stories live. Discover now