Nag-browse ako sa facebook newsfeed ko. "Nasa'n na yung binili ko sa'yo?" nag-angat ako ng tingin nang magtanong ito.

"I don't know how to use iPhone, I prefer to android." I smiled. First time kong magkaro'n ng iPhone, ang laking halaga ng cell phone na iyon. Natatakot ako at baka masira ko iyon, lalo na at hindi ako ang bumili no'n.

"Let me guide you later. I will teach you how to use this." sabi nito saka inangat ang phone. Gusto kong isauli ang phone but I know this girl, baka isipin niyang hindi ko siya na-a-appreciate kapag tumanggi ako sa mga inaalok niya, lalo na at cell phone ito.

"Nasa bahay. Mamaya 'pag-uwian, sa'min ka muna mamaya umuwi," sagot ko saka muling bumaling sa phone ko. I was busy scrolling when a message popped up. It's Harvey, my suitor.

"Where are you, love? I miss you <3." I felt a little bit cringe to his chat. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Aaminin ko, hindi ako sanay sa mga ganito. I'm not bitter, and not sweet.

"In the cafe with Clems :))." I replied.

"At bakit ngumingiti ka sa harap ng phone?" naagaw ni Clems ang atensyon ko. Muli kong inangat ang ulo ko.

"Wala."

"Harvey Chester Trevor," she rolled her eyes, "Kausap pala ang kaagaw ko."

I chuckled, "Sira. Syempre, walang papalit sayo. Kahit sagutin ko si Harvey, bestfriend parin tayo." ipinalibot ko ang kamay sa kanya.

"So, may pag-asa siya?" tanong nito. Natutop ako sa kinauupuan, "'Wag kana mag-deny!" she pushed me and crossed her arms on her chest. She sip on her coffee for the nth time.

"Baby?" nagulat ako sa boses ng lalaki sa likod ko. It's Harvey. "Kumain kana?" tanong nito. Bumaba ang tingin niya sa pagkain ko. "Hmm, okay," lumingon ito kay Clems, "Hello po! Ipagpapaalam ko lang po sana si Alliana-"

"Kuhanin mo na! 'Wag mo nang ibabalik yan dito!" she cut him off, "May manliligaw na kaya nakakalimutan na'ko," rinig kong bulong pa nito.

"Hoy gaga!" hinila ko ang buhok nito bago pa ito makalayo,“Pinagsasabi mo?” kunot-noo kong tanong. Inikot lang nito ang mata saka naglakad papalayo. Problema no’n?

Wala na ito sa paningin ko pero nakatingin parin ako sa direksyon nito. Alam kong nagbibiro lang si Clems, pero may kakaiba talaga.

“Let’s go?” naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Harvey. Nilingon ko ito, nakaguhit sa mukha nito ang isang napakagandang ngiti. He look so handsome when he smiling.

I smiled back, “Where are we going?” I asked. Kinuha ko ang kape ko at inising lagok iyon.

“At our favorite place,” sagot nito. Hindi natanggal ang ngiti niya habang naglalakad kami. Masayahing tao ang manliligaw ko, hindi rin ako maboboring kung siya ang kasama. He’s not so talkative as Clems, but not boring. I admit that I enjoy every second and minute with him.

Nang marating ang paboritong lugar ay ngumiti ako, “This place is a memorable place. Kapag naka-graduate na tayo ay ito agad ang unang mami-miss ko dito sa university.” saad ko.

Pinalibot nito ang paningin sa buong field, “Yeah. Ang lawak at para sa iba ay normal lang na lugar ito. But for us, this is the place where we met each other, this is the place where I confess my feeling for you, this place is the witness of our story, from strangers to friends and now, soon to be couple.” bumaling muli ito sa akin, “I love you, Alliana.” he kissed my forehead.

He gave me butterflies at my tummies whenever he kiss me, “No ‘I love you’, hindi pa kita sinasagot. Wala pa tayong label.” pambabasag ko dito.

Ngumuso ito, “Ano ba yan?” inis na sabi nito, pambata ang tono. Pinagdikit nito ang dalawang hintuturo habang nakanguso. Pinigilan kong tumawa pero hindi ko kaya.

“Parang bano ‘to!” hinampas ko siya sa balikat, “Btw, bakit mo ako dinala dito?”  agad na tanong ko.

Umayos ito ng tayo at muling ngumiti, “Tingnan mo ang kalangitan.” tingnan ko ito na parang naaasar, tirik na tirik ang araw tapos patitinginin ako sa langit, kung hindi ba naman siraulo ‘to.

“Seryoso ka?” sarkastikong tanong ko.

“Oo.” tipid na sagot nito. Wala akong nagawa kun’di ang tingnan ang kalangitan.

“Oh, anong meron sa kalangitan?” tanong ko saka nagpameywang, masakit man sa mata ay hindi ko inalis ang tingin sa mga ulap na tila ba ay umaandar na sasakyan.

“Wala. Pero sa akin meron,” akma na ako lilingon sa pwesto niya ng hindi ko ito makita.

“Here.” napalingon ako sa pinaggalingan ng boses niya. I saw him holding a bouquet of sunflowers. Nasa malayo siya, hindi ko makita ang mukha niya dahil na-expose ang paningin ko sa liwanag ng kalangitan kanina. Ang alam ko lang ay dahan-dahan na itong lumalapit sa direksyon ko.

Nang tuluyan na itong makalapit ay ibinigay niya ang bouquet, “For you.”

“Anong meron?” inulit ko ang tanong kanina,pero ngayon ay itinutukoy ko na ang nangyayari. Nag-iinit ang katawan ko sa sobrang kaba at kilig.

“Alliana Arellago,” inilapat nito ang kaliwang tuhod sa damuhan habang ang isa naman ay ang paa niya ang nakalapat, “Will you be my girlfriend?”

Proposal?

Tila napako ako sa kinatatayuan, nakita ko sa peripheral vision ko ang mabilis na pagdami ng mga estudyante sa paligid namin, ang iba ay may hawak na phone, ang iba ay nakatakip sa bibig, at ang iba sumisigaw.

“Say yes!”
“Um-oo kana!”
“Yes, yes,yes!”
Nabibingi ako sa mga sigawan ng mga estudyante. Para gusto kong ibigay sa kanila ang bulaklak at sila ang tumayo rito, malalanding nilalang.

Ngumiti ako at umupo sa harap niya,tiningnan ko siya ng direkta sa kanyang mga mata.

“Yes...”

—to be continued—

Author’s Note: Hello, thank you for waiting. I love y’all.

Into Another World [On-Going]Where stories live. Discover now