CHAPTER ONE (REVISED)

Start from the beginning
                                    

And speaking of tawa, naririnig ko si Jepoy na mahinang natatawa habang may binubulong sa kan'ya si Lola, na hindi ko man lang napansin na nasa kabilang side na pala siya ng higaan ni Lola. Pupuntahan ko na sana siya para sapukin nang biglang dumating ang doktor.

Chi-neck lang nito ang vitals ni Lola at sinabihan ng mga bawal niyang gawin. Pagkatapos no'n ay pinayagan na rin naman siyang umuwi.

Habang nasa daan pauwi ay inaasar pa rin ako ni Jepoy patungkol nga roon sa ginawa kong katangahan kanina. Patuloy pa rin kami sa pagbabardagulan nang bigla na lang nagsalita si Lola na ikinatigil ng lakad ko.

"Babalik na tayo sa Cavite."

Napakunot tuloy ang noo ko.

"Bakit naman agaran, La?" tanong ko habang seryosong nakatingin sa kan'ya.

"Oo nga po," sabat ni Jepoy.

"Lah? Sabat sabat ka r'yan, apo ka?" Mataray kong tanong.

"Oo, bakit may angal ka?" pambabara nito.

Re-rebut-an ko na sana 'yung pambabara ni Jepoy ng pingutin ni Lola ang tainga ko.

"A-aray La, masakit." Napangusong hinimas ko ang taingang piningot ni Lola.

"Hah, buti nga." Pang-aasar ni Jepoy. Pero dahil do'n ay piningot din siya ni Lola.

Pigil tuloy ang tawa ko dahil baka mapingot pa ulit ako.

"Kayong dalawa, kailan ba kayo titigil sa bangayan ni'yo?" Pagalit na sabi ni Lola.

Hindi na lang kami sumagot dahil alam namin na kapag nangatwiran pa kami ay hindi lang pingot ang aabutin namin.

Malapit na kami sa bahay nang magsalita ulit si Lola.

"Kailangan na tayo ng Tita Maya mo kaya uuwi na tayo."

"At ikaw din Jepoy, mag-empake ka dahil isasama kita sa Cavite." Dagdag pa nito.

Nanlaki tuloy ang mga mata ko.

"Bakit naman kasama pa 'yan, La?" Takhang tanong ko.

"Naipagpaalam ko naman na siya sa mga magulang niya. Ako naman ang mag-papaaral sa kan'ya, atsaka ayaw mo no'n magkasama pa rin kayo." Mahabang litanya ni Lola.

Napapairap na lang ako kasi mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit namin isasama ang gunggong na si Jepoy. Malamang na iniisip ni Lola na sa huli ay kami ni Jepoy ang magkakatuluyan kaya pursigido talaga siya na huwag kaming paglayuin.

Ibang klase! Biruin ni'yo 'yun, simula pagkabata ni hindi kami mapaghiwalay na dalawa dahil lagi kaming pinagsasama ni Lola at balang-araw daw ay maiintindihan daw namin kung bakit niya 'yun ginagawa.

Pero sa totoo lang, hindi naman pangit 'tong si Jepoy kumbaga sa pagkain pwede na pagtyagaan, kaso hindi ko talaga siya bet kasi kapatid lang ang turing ko sa kan'ya. Kaya no no no ako sa trip ni Lola.

Kaso dahil siya si Lola, likas na sa kan'ya ang pagiging makulit kaya pinababayaan ko na lang. Wala rin namang magagawa si Jepoy kaya nakikisakay na lang siya.

Nagtataka kayo kung paano napapayag ni Lola ang mga magulang ni Jepoy? Simple lang naman.

Matagal na kasing magkakilala ang lolo ni Jepoy at si Lola. Magkababata sila, at kaya rin pumayag ang mga magulang ni Jepoy ay dahil hindi na nila kayang pag-aralin ang anak. Sampu kasi silang magkakapatid at lahat 'yun ay hindi kayang pag-aralin dahil hindi pa sapat ang kinikita ng tatay niya sa pagsasaka para tustusan ang pag-aaral nila. Kaya simula noon si Lola na ang nagpapa-aral kay Jepoy.

Isa rin siguro 'yun sa dahilan kung bakit nagpupursigi si Jepoy na makatapos. Well, hindi niyo naitatanong pero ichichika ko na rin sa inyo, siya lang naman ang Valedictorian namin noong hayskul. Oo, halos sabay lang kami nag-aral kahit na mas matanda siya sa'kin ng dalawang taon. Pero, 'yun na nga, kahit kupal 'to, matalino naman. sana all!

Kaya nga may mga pagkakataong sa kan'ya ako nagpapatulong sa mga lessons ko na hindi ko maintindihan lalo na sa Math! May alam naman ako tungkol sa subject na yan, hindi nga lang kasing dami ng mga nalalaman niya.

Pumasok na kami sa bahay at si Jepoy naman ay pinauwi na ni Lola para makapag-empake na. Atat na yata si Lola na makita ang mga kamag-anak namin sa Cavite dahil bukas na agad ang alis namin. Ni hindi man lang ako sinabihan nang maaga-aga, ibang klase rin ang trip nitong si Lola.

Naabutan namin si Kuya na nag-aayos ng mga dadalhin niya bukas. Oo nga pala nakalimutan kong ikwento may kapatid akong nakatatanda. Si Marco Rimuel. Apat na taon ang tanda niya sa'kin.

"Oh, La, nandyan na po pala kayo." Magalang nitong turan.

Oo tama kayo, kung gaano ako kabastos at kasutil, siya namang ikina-anghel ng kuya ko.

"Hoy, Kuya! Alam mo bang na---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang samaan ako ni Lola ng tingin.

At bago niya pa ako mahampas ay kumaripas na 'ko nang takbo paakyat. Ang huling narinig ko na lang ay ang pagtatanong ni Kuya kung ano 'yung sinasabi ko na hindi naman sinagot ng matanda.

Hay nako! Malamang na hindi sasabihin ni Lola sa kan'ya ang nangyari. Ewan ko ba r'yan kay Lola, ni hindi ko nga alam kung bakit siya na-ospital itatanong ko na lang siguro do'n sa bugok na si Jepoy.

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad na 'kong nag-ayos, mahirap na baka maratrat nanaman ako ni Lola. Lahat ng mga importante at kailangan ko lang ang mga dadalhin ko. Matapos kong mag-ayos ay naghanda na 'ko para magpahinga dahil sigurado akong maya maya lang ay gigisingin na kami ni Lola.

Kailangan kong mag-beauty rest dahil malamang sa malamang ay matagal tagal din akong makikipag-plastikan sa mga kamag-anak kong nilikha para lang bwisitin ang buhay ko.




_____END OF CHAPTER ONE_____

ITO ANG REYALIDAD!Where stories live. Discover now