[22] Dexperate

Magsimula sa umpisa
                                    

Pero anong ibig sabihin ng lahat ng ito? Ako ba ang may kasalanan? Dahil ba pinaglapit ko sila? At kung natuloy si Yvan ay baka nakausap na niya ang mga magulang ni Hale. Hindi pa ba ito nangyari sa nakaraan? Pero wala namang nangyayaring masama sa akin kahit baguhin ko ang nakaraan ko....

"Yvy."

Agad akong napalapit kay Kael at yumakap sa kanya. Umiyak na lang ako at naramdaman ko naman ang kamay niya sa likod ko, pinapagaan ang aking pakiramdam. Wala na ang bakas ng dugo sa kanyang mga kamay at nakapagpalit na rin siya ng damit.

"Magiging okay din si Yvan. Kailangan nating magtiwala," mahinang sabi niya sa akin.

Tumango- tango ako at umalis na sa yakap niya. Inabutan niya ako ng panyo para tuyuin ang basang- basa ko ng mukha.

"Hinga po ng malalim, Tita."

Napalingon ako sa kinauupuan nila Mama at kumunot agad ang noo ko ng makita doon si Nurse Becca.

"Anong ginagawa niya rito?" pabulong na tanong ko pero narinig pa rin ako ni Kael.

"Siya ang nagbigay ng first aid kay Yvan," sagot niya.

"Magpapasama po muna ako kay Yvy para kuhanan kayo ng gamit sa bahay niyo," sabi pa ni Nurse Becca.

Bakit ako? Close ba kami?

Tumango lang sa kanya si Papa saka humarap ulit kay Mama.

"Samahan ko na po kayo, Nurse Becca," sabi naman ni Kael.

Umiling si Nurse Becca. "Dito ka na lang muna Kael. Samahan mo sila Tita Olivia."

Bakit parang close silang lahat at ako lang ang naguguluhan at nagtatanong ang mga tingin sa ganitong pakikisama nila sa isa't- isa na para bang ang tagal na nilang magkakasama?

Nauna nang maglakad paalis si Nurse Becca at sumunod naman ako sa kanya matapos magpaalam kayla Kael at Mama.

"Paano niyo po nakilala sila Mama?" tanong ko sa kanya habang pababa kami ng hagdan.

"Sa kotse na lang tayo mag- usap," sagot niya na para bang nauubusan na ng pasensiya sa akin wala pa man akong natatanong sa kanya. Marami pa naman akong tanong.

Pinasakay niya ako sa passenger's seat ng kotse niya. Tapos na akong magsuot ng seatbelt pero hindi pa niya ini-i-start ang kanyang kotse kaya tiningnan ko siya.

"Hindi po ba kayo nasu- suffocate diyan sa mask niyo?" tanong ko dahil ako ang nahihirapan sa kanya.

Tinanggal niya ang mask at napabuga ng hangin. Bakit ba kasi nagsusuot pa siya niyan? Nandito naman na kami sa kotse, wala ng alikabok dito.

"Ilang buhay pa ba ang ilalagay mo sa kapahamakan magising ka lang?" tanong niya.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" nakakunot ang noong tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Umayos ako ng upo para harapin siya.

"Ako po ba ang may kasalanan ng nangyari kay Yvan?" tanong ko sa kanya at naramdaman kaagad ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. "Sa pagkakatanda ko po kasi....hindi naman naaksidente si Yvan dati."

Napayuko siya at umiling- iling. "Mukhang hindi natin kayang baguhin ang nakaraan, mas marami lang ang buhay na mapapahamak," malungkot niyang sabi.

Napakagat ako sa labi ko.

"Ano pong dapat kong gawin? Ano pong mangyayari sa kapatid ko?" tanong ko. Naiisip ko pa lang na mawawala ang kapatid ko ay parang hindi na ako makahinga. Sana panaginip na lang ang lahat ng ito.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon