"Totoo naman kasi," pamimilit ko ulit, bakit kasi hindi siya naniniwala? Ang bait bait ko, hindi ako 'yung lumalapit sa gulo, ah? Pero hindi rin ako payag na may gumugulo sa akin. Hindi pa humuhupa ang inis ko sa babaeng 'yon pero uunahin ko muna si Kahel.

Kita kong kumurba ang labi ni Kahel.

Shet.

"Oo na, hindi mo na kasalanan."

Tumango ako. "Good."

Saglit na sinipat ko si Ronin na nakatingin kay Kahel, nagtatakang minamata niya ito ngunit walang sinasabi, nang makita akong nakatingin din sa kaniya ay sinipa niya ang upuan ko at nagtanong kung bakit, umiling lang ako. She's thinking of something pero hindi niya bino-vocalize, kaya nagkakasundo rin sila ni Ioana, magkaugali sila na parang hindi rin, ay ewan.

Nagsimula ang klase na ganado ako kaya kahit papaano ay may naintindihan naman ako, last time kasi wala dahil puro pagtitig kay Kahel yata ang ginawa ko, mabuti at hindi mahilig magpa-recit ang prof namin.

Nagkaroon nanaman ng panibagong activity kaya naman nagkatinginan kaming apat, alam na namin 'yon, may iba pa ba kaming ka-close rito? Kung aapila sila untog nila ulo nila sa pader.

Kagat labing tinignan ko kulay ng langit sa labas. Kulay asul na asul, maganda. Masarap tignan, parang 'yung katabi ko lang.

Ilang linggo pa ang lumipas nang gano'n palagi ang set-up namin, sabay-sabay papasok sa minor, tapos minsan ay sabay na rin magsigawa halos ng reqs do'n, taga kabilang dorm lang kasi si Ioana, tuwang-tuwa nga ako no'n kasi coincidence talaga! The more the merrier.

Napangiti ako habang naglalakad kaming apat nila Had, napansin kaagad nila ang suot kong ngiti. Napatakip ng bibig si Hadri, kunot-noo naman si Ronin at kuryosong nakatingin si Jacin, tinaasan ko sila ng kilay.

"Baliw ka na beb?" tanong ni Had.

Sabay-sabay kaming napahinto nang pagpasok namin ay bumungad kaagad sa amin ang mga taga Aero Eng. Pito nanaman silang nagkalat habang nagtitingin ng pagkain. Shit kaya ako masaya kasi alam ko makikita ko siya ngayon!

Hinanap kaagad ng mata ko si Kahel. Hawak nito ang phone at may kausap sa kabilang linya habang bumibili ng pang-breakfast.

"Dude...chix..." 

Kinurot ko ang nagsabi, sino pa ba? Si Hadri! Nakatanggap din ito ng batok mula kay Jacinthe, si Ronin ay tumawa lang.

"Gianne!" sigaw niya pa. 

Nasapo ko nalang ang noo ko, bwisit. Ang aga-aga Hadri! 'Yung atensyon tuloy ng magkaka-blockmates ay napunta sa amin, ngumiti nalang din tuloy ako sa kanila.

Humiwalay sa amin si Ronin, gutom na 'ata talaga kaya nakisuyo nalang din kami sa kaniya, hindi makahintay, eh! Hinila ko kaagad paupo si Jacin kaya takang lumapit siya, alam na may sasabihin ako.

"May tanong ako, matagal na silang magkakasama?" Sa party kasi ay sila sila rin halos.

"Sila?" Turo niya sa mga ito. "Yep, since my freshmen year nandito na sila, may mga kinukuha pa yatang subjects kaya napasobra ng taon." Tumango ako. Alam kong ahead sila ng isang taon.

"Hindi ko sila nakikita, ngayon lang halos," sabi ko sabay tingin kina Gianne at Hadri na nag-uusap na ngayon, nginitian ko pa nga si Gianne nang sumulyap pa ito sa gawi namin at nasaktuhan niyang nakatingin ako.

"Hindi naman sila nagpupunta rito madalas nasa classroom lang nila, sila lang may permanent classroom sa totoo lang, at sa arki canteen sila palaging kumakain."

Tinutukoy niya siguro ang room sa arki building, second floor kung saan ko sila naabutang lumabas...hindi nga talaga magtatagpo ang landas namin, pero sabagay, hindi naman ako palatandain sa muka.

Wave Back, KahelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon