EPISODE 34: New Start

112 5 0
                                    

EPISODE 34: New Start

“Sii…sir… Mar…coo... Sir Marco?” napayuko siya bigla at humingi ng paumanhin. “Sorry po sir, I didn’t mean it po. Hindi ko po alam. Sir wag niyo akong tanggalin sa trabaho. I really need this po” pagmamakaawa na din niya.

Natawa si Marco sa inasta ni Sean. Si Marco ang panganay na anak ng mga San Joaquin. Siy ang tagapagmana ng conglomerate na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. At ang hindi alam ni Sean ay si Marco ang kuya ni Nigel.

Imbes na magsalita si Marco ay naglakad na lang siyang paakyat ng hotel. At doon na nakahinga ng maluwag si Sean.

“Bakit naman kasi ako nalock dito, nakakahiya sa boss naming.” Bulong ni Sean. Agad din siyang umakyat at bitbit niya ang mga kumot. Pagkaakyat sa itaas ay nagtanong sa kanya ang head niya.

“Sean bakit ka naman natagalan?” tanong ng head niya.

“Sorry po may nangyare lang pong hindi maganda” sagot niya. Kinuha naman na ng head niya ang mga kumot.

“Sige na magbreak ka na muna.” Head niya.

“Okay po” nakangiti niyang sabi. Agad naman na nagtungo si Sean sa canteen at nakita niya ang kaibigan na nagpasok sa kanya dito.

“Sean dito” tawag ni Cedrick sa kanya nang makita niya ito habang may kasama pang pagkaway. Bago lumapit ay kumuha muna si Sean ng kanyang kakainin.

Pagka-upong pagkaupo niya ay agad nagtanong si Cedrick. “Pupunta ka ba mamaya sa anniversary ng hotel na to?”

“Hindi ko alam, baka kasi kailangan ako nila nanay sa bahay mamayang gabi” until now kasi is undecided pa si Sean if pupunta dahil nga sa hindi na siya lumalabas ng gabi matapos ang insidenteng pilit niyang kinakalimutan.

“Don’t worry ipapaalam kita sa nanay at tatay mo, at ito pa hatid sundo kita.” Nagmamalaking sabi ni Cedrick.

Cedrick Cancio ay nag-iisang anak ng kanyang pamilya. Hindi siya mayaman, hindi rin siya mahirap. Ang kanilang buhay ay sakto lang sa bansa. Ang kanyang ama ay isang secretary sa pribadong kumpanya at ang kanyang ina ay isang accountant. Bagama’t hindi nakatuon ang atensyon ng kanyang magulang ay lumaki naman siyang puno ng pagmamahal dahil na rin ang nag alaga sa kanya ay ang nanay ni Sean. At dahil dito ay naging close din sila. Cedrick is ahead ng 4years kay Sean. And now after graduating a Hotel Management Course ay isa na siya sa junior manager dito sa hotel na ito.

“Okay basta pag pinayagan ako ni Nanay okay lang sa akin” hindi na nakatanggi pa si Sean dahil sa malamang sa malamang ay kukulitin pa din siya ni Cedrick ukol dito.

“Ang lakas ko talaga sayo kaibigan” tumingin na si Cedrick sa orasan niya. “Osya tapos na ang breaktime ko, mauna na ako sayo” tumango na lang si Sean bilang tugon.

Matapos ni Ice umiyak ay dumeretso uwi na sya sa kanilang bahay at ikinagulat ito ng kanyang ama.

“Oh, bakit ang aga mo?” tanong ng ama.

“Maaga kaming pinauwi” lalakad na siya paakyat ng kanyang kwarto ay nagsalita muli ang kanyang ama.

“May iniwan akong papel sa table mo puntahan mo ang address na yan. At nakapagdown na yan sa akin.”

“Opo” tugon ni Ice.

Simula ng mamatay ang nanay ni Ice ay naging sunud-sunuran na siya sa kanyang Step father. Isang anak lang si Ice ng kanyang ina. At dalawa naman ang naging anak ng kanyang stepfather. Tulad nga ng sabi ko ay naging sunud-sunuran siya sa kanyang ama at siya ang naging kapalit ng kanyang ina sa pagpapaligaya sa amahin.

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon