Painom- inom lang sya sa kanyang hawak na bote ng alak na para bang problemado sya kung anong bagay, tahimik lang paligid tanging lampas lang ng alon ang nariring ko, nakita ko pang basta na lang itinapon ni Hendrix sa kung saa ang bote ng alak na wala ng laman, dahan dahan lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa makarating kami sa isang night beach bar party sa hindi kalayuan. Patumba tumba si Hendrix na naglakad papuntang beach bar, nakatingin lang ako sa kanya at sunusundan lang sya nakita kong naupo sya sa isa sa mga stool chair at hinarap ang isang beach bartender, pinili ko yung upuan na nakatalikod si Hendrix sakin para hindi nya malamang kanina pa pala ako nakasunod sa kanya mukhang bad mood pa naman si lolo Hendrix ngayon, so mas mabuting wala muna syang alam na andito pala ako.

Hindi nagtagal ay inabot ng bartender kay Hendrix ang isang baso ng whiskey, diretsong ininom ni Hendrix ang baso ng whiskey na para bang sanay na sanay na sya sa tapang nun. Nakailang baso pa si Hendrix ng whiskey, pinapanonood ko lang sya at hinayaan sa kung anong gusto nyang gawin, nakita ko pang umiinom pa sya ng isang baso pa ulit hanggang sa tuluyan syang napasubsob sa may lamesa mukhang lasing na ata at hindi kaya pang umiinom pa. Umaalis ako sa aking pinauupuan at dahan dahang lumapit sa kinaroroonan nya, bagsak syang nakatungo sa lamesa at pikit ang kanyang dalawang mga mata.

"Let's go, Sir." Pormal kong sabi sa kanya habang tinapik tapik ang kanyang balikat para gisingin sya.

"No, get off me." Pagiinarte nyang sabi sakin sabay alis ng kamay ko sa balikat nya. "Who are you, anyway." Naiirita nyang tanong sakin at tinignan ako ng mapupungay nyang mga mata na para bang inaalala nya or kung saan man nya ako nakita. 6

"Oh, my bodyguard. What are doing here, where's your lover boy." Daldal nya pang sabi habang nakatingin pa rin sakin. Hindi ko sya pinansin at hinawakan ko ang kanyang braso para maisampay ko sa aking balikat at hinawakan ang kanyang bewang para supportahan sya sa paglalakad.

Umaalis kaming dalawa ng night beach bar party na akay- akay ko sya sa kanyang braso at bewang, hirap na hirap ako sa pag akay sa kanya dahil sobrang bigat nya feeling ko tatlong kilo ng bigas ang akay- akay ko ngayon. Mabagal lang ako lakad namin ngayon sa dalampasigan papuntang villa nila. Tahimik lang kaming dalawang sabay na nalalakad, hindi alam kung tulog na ba sya dahil sa kalasingan or sadyang tahimik lang talaga sya.

"W-why him...?" Mahina nyang tanong habang naglalakad kami, hindi alam kung sino ba yung kinakausap nya dahil bigla lang naman syang nasalita jan, hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa dalampasigan.

Nasa ganoon kami posisyon ng biglang syang lumayo sakin at itinulak ako para mabitawan ko ang bewang nya, nagtataka akong tumigin sa kanya dahil sa ginawa nyang yun. Nakatayo lang sya sa aking harapan at pinipilit nyang buksan ang kanyang mapupungay na mga mata ng magawa nya yun ay tinignan nya ako ng masama at dinuro- duro nya nya ako na parang batang nasusumbong sa kanyang ina.

"Y-you....and.....that" Nahihirapan at lasing nya sabi sa aking harapan habang nakaduro pa rin sa aking ang kanyang isang daliri, nakatingin lang ako sa kanya at hinihintay ang ano mang sasabihin nya.

Pero ilang minuto na ang nakalipas hindi pa rin sya nagsasalita, natataranta akong lumapit sa kanya ng dahan dahan syang natutumba mula sa kanyang kinatatayuan. Mabuti na lang ay mabilis ko syang nasalo at nayakap para hindi syang tuluyang bumagsak, kung hindi sya nasalo kaagad ay baka bumagsak na ang kanyang ulo sa isang bato sa may likod nya mismo. Bumalik naman ako sa pag-akay sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad papuntang villa nilang anim.

Ilang lakad pa ay nakarating naman kaming dalawa ng villa nila ng maayos at matiwasay, binuksan ko naman ang main door para makapasok na kaming dalawa dahil sobrang bigat nya habang tumatagal, sunod naman ay umakyat kami ng hagdanan hirap na hirap akong iakyat sya dahil na rin sa sobrang kabigatan nya. Mabilis kong binuksan ang kanyang kwarto ng makarating kami ng second floor ng kanilang villa ng masara ko ang pinto ay itutulak ko na sana sya pahiga sa kama ng pigilan nya ako, kunot noo ko syang tinignan sa mga mata.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon