Napalunok tuloy ako ng laway ko, gusto ko din sana kumain, sa totoo lang gutom na ako, hindi pa nga ako nag aalmusal at dahil iyon kay Cold, kung hindi siya pumunta sa bahay namin kaninang umaga edi sana may laman ang tiyan ko ngayon, edi sana ayos lang kahit mag inarte ako pero ramdam ko na ang pag kulo ng tiyan ko, mukhang nag wawala na ang mga bulate sa tiyan ko.




"Ayaw mo talaga kumain Sabriana?" muntik ko ng makalimutan na hindi pa din umaalis si Uno, tiningnan ko siya, may suot-suot na siyang salamin ngayon at halatang nag aalala ang kanyang mukha, gusto ko sanang sabihin na nagugutom ako tutal kaibigan ko naman siya dati, pero mataas ang pride ko, pag sinabi kong ayoko, ayoko talaga. Tumango ako sa kanya at ngumiti, nangangawit na yata ang labi ko sa kakangiti ng peke dahil sa kanilang apat.




"Are you sure?" sa ikalawang beses napalunok ako, letche, kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong na yon? Hindi ba halata na nagugutom ako? Tumango na lang ulit ako para paninidigan ang sinasabi ko, wala akong choice, iyon ang sinabi ko sa kanilang lahat e, alangan naman bawiin ko edi nag mukha akong tanga non?





"Alright, wait me here okay?" Then he patted my head pagkatapos ay mabilis siyang lumabas ng classroom, inis kong inayos ang buhok ko, ang hilig talaga nilang tapikin ang ulo ko, pakiramdam ko tuloy ginagawa nila akong aso, kainis ah!





Inis akong humalumbaba sa lamesa at itinuon ang pansin sa black board, binasa ko ang mga nakasulat doon pang patanggal ng boredom, pero dahil hindi ako makontento inilabas ko na lang ang cellphone ko upang tingnan kung may text at tawag ba akong natanggap kanina habang may klase ako.




Tiningnan ko ang message at ganon na lang ang panlulumo ko dahil walang message akong natanggap mula kay Primo, ni missed call wala din, masyado yatang busy ang kolokoy na 'yon at hindi na niya ako nagawang tawagan pa, gusto ko pa naman itanong sa kanya kung nasaan siya, hindi ko kasi naintindihan lahat ng kanyang sinabi dahil sa ingay ng nasa kabilang linya, mukhang nasa public place siya kanina dahil mukhang pinag kakaguluhan siya ng mga babae, hindi naman siya mag susuot ng face mask kung wala siya sa public place e, ano kayang pinag kakaabalahan ng mokong na 'yon at bakit lumabas siya ng walang body guard na kasama.




Hays! Sumasakit ang ulo ko sa kanya! Humanda lang talaga siya kapag umuwi siya dito sa pilipinas, dudurugin ko ang pag mumukha niya, iniimbyerna niya ako, dumagdag pa siya sa apat na gunggong.






Sa inis ko ay pinindot ko ang call button sa pangalan ni Primo at hinayaan iyon mag ring. Kapag tumatawag ako, hanggang dalawang ring lang sinasagot na niya kaagad pero naka sampo na yata akong ring, hindi pa din niya ako sinasagot.






Ganon ba siya ka-busy ngayon?




Muli ko siyang tinawagan pero ang gunggong pinatayan ako ng tawag, anak ng tokwa, ano bang problema niya? Siya na nga ang tinatawagan tapos ako pa ang papatayan niya ng tawag, kainis siya.





Padabog kong ibinagsak ang cellphone ko sa lamesa, wala na akong pakialam kung mabasag iyon, dahil sa sobrang inis ko sa kanila gusto ko silang bugbugin, ano bang nangyayari sa life ko? Masyado na akong naiimbyerna sa mga boys, gosh! nahahaggard ang kagandahan ko, wag ko na nga iyon isipin at baka magkaroon lang ako ng wrinkles, hindi pwede iyon lalo na at nag babalak akong sumali sa isang model agency dito sa Pilipinas.





Dapat lang na ako ang pinaka magandang babae doon, ako kaya ang pinaka magandang model sa U.S, kaya dapat ganon din dito sa Pilipinas, hindi ko yata hahayaan na may mas nakakaangat sa akin, I'm Sabriana the great hindi ba?





"Oh!" muntik na akong atakihin dahil sa isang plastic na tumama sa aking mukha, mabuti na lang at kaagad kong nasalo ang ibinato ng kung sinong bwiset na hindi maalam mag abot ng maayos, tiningnan ko ang loob ng plastic may styrofoam sa loob at sa tingin ko ay pagkain ang laman noon, naamoy ko pa ang mabangong pritong manok sa loob noon, muling kumulo ang tiyan ko and this time mas malakas na ang tunog noon.




HIDING BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon