"Yun lang ba ang nangyari anak?" tanong ni Kumi
"Yes Mama yun lang po, and malapit po ang table namen sa kanila kaya po nakikita ko si Papa. May problema po ba Mama?" tanong ni Kumi
"Si Papa mo kasi sobrang nagpakalasing, at kasama nya pa si Bianca. Hindi ko gusto ang nangyaring ito" Sagot ni Kumi
"Mama siguro po next time try nyo pong bigyan ng time si Papa, ang don't worry po I know you feel jealous kay Tita Bianca. Matino pong lalaki si Papa, hindi po sya gagawa ng bagay na ikakasira ng pamilya naten. Pero sana po mama do your duty din po as his wife dahil napakabait po ni Papa." Nakangiting sabi ni Nami at yinakap ang mama nya
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kumi sa sinabi ng anak "Nami are you mad with me? Kasi hindi kita nasasamahan sa mga gusto mo and wala akong time sayo?" tanong ni Kumi
Ngumiti si Nami "Mama sanay na po ako na wala kang time saken. Thank you po kay Papa kasi lagi syang nandyan para sa akin. Kahit po nagmumukha na akong lalaki dahil sya ang lagi kong kasamang mag-shopping at kahit po parang lalaki na akong kumain dahil sya lagi ang kasabay kong kumain, he still tries his best para hindi ko ma-feel yung pagkukulang mo as mama ko. Sige po good night po, matutulog na po ako." Sagot ni Nami
Napalitan ng lungkot at guilt ang galit na nararamdaman ni Kumi, napatingin sya sa natutulog na si Hanamichi at nagsimulang mapa iyak, niyakap nya ang asawa "Love I'm sorry again, alam ko paulit ulit na ang paghingi ko ng sorry dahil hindi ko nagagampanan ang pagiging ina ko kay Nami at asawa ko sayo. Mali ang iniisip ko na kinukuha ni Bianca ang loob nyo sa akin, dahil ako mismo ang nagpapalayo sa inyo. Dahil hindi ko magampanan ang responsibilidad ko as wife and mother sa pamilyang to. Sorry Love." umiiyak na sabi ni Kumi
KINABUKASAN
Nagising si Hanamichi,"Waaaaaaa sakit ng ulo ko, naparami ata ang nainom ko. Aba teka? Paano ako naka-uwi? Waaaaaaaaa kasama ko si Princess kagabi, paano kami na kauwi? Ang sakit talaga ng ulo ko." Sigaw ni Hanamichi, ng mapansin nya ang kape at paracetamol sa side table "Naku si Boss, tyak umuusok nanaman ang ilong non sa galit? Pero nasaan sya? Hay naku Hanamichi nagtatanong ka pa, edi syempre nasa ospital na sya." Sabi ni Hanamichi sa sarili. Kinuha ang kape at paracetamol para inumin.
Matapos nyang inumin ang kape ay lumabas sya ng kwarto para i-check si Nami, pumasok ito sa kwarto ni Nami at nakita nyang mahimbing na natutulog ang anak "Natutulog pa si Princess, paano kaya kami naka uwi? Hindi ko maalalang nagdrive ako kagabi." Sabi ni Hanamichi at bumaba
Sa pagbaba ni Hanamichi nakita nya si Kumi na nasa kitchen, nakasuot ito ng apron at nagluluto "Si Boss, yari ako nito. Tyak galit na galit nanaman sya." Sabi ni Hanamichi sa isip nya
"Boss?" bati ni Hanamichi
"Love gising ka na pala? How do you feel? Nakita mo ba yung kape at paracetamol sa side table?" sunod sunod na tanong ni Kumi
"Boss nilalagnat ka ba? Baka kailangan kitang dahil sa ER? Mukhang nagdidiliryo ka?" tanong ni Hanamichi
"Ikaw talaga Love napakapalabiro mo?" nakangiting sagot ni Kumi
Naupo si Hanamichi sa dining "Thank you sa kape at paracetamol. Wala ka bang duty ngayon, sa oras na to diba dapat nasa hospital ka na?" tanong ni Hanamichi
"On call ako Love, inayos ko ang sked ko. Pupunta lang ako sa hospital pag hindi nila kaya ang operation. Ibinigay ko na sa ibang doctor ang ibang duty ko." Paliwanag ni Kumi
"Baket?" gulat na tanong ni Hanamichi
Ngumiti si Kumi at yumakap kay Hanamichi mula sa likod nito "I want to spend my time with my family, with you and Nami." Sagot ni Kumi
"Mukhang may sakit ka talaga Boss, magsabi ka lang at ihahatid kita sa ER." Natatawang sabi ni Hanamichi
"Grabe ka saken Love. nakaka inis na ha." Sabi ni Kumi habang nakayakap pa rin sa asawa
"Joke lang Boss, anong meron? Bakit mo naisipang gawen yun? Iinom na lang pala ako gabi gabi para paggising ko ganyan ka na. nakakakilig. Yiiiiiiiiiiii..." sabi ni Hanamichi
"Madami lang akong narealized last night Love. And I want to fix everything habang hindi pa lumalaki ang gap sa ating tatlo nina Nami." Sabi ni Kumi
"Yun ba? Ano kayang pinagsasabi ko kagabi? HMMMMMM, ay sandal pala Boss, paano kami nakauwi ni Princess kagabi?" tanong ni Hanamichi
"Ipinag-drive kayo ni Bryn at dito na din sya natulog dahil masyado ng late nung naka uwi kayo." Sagot ni Kumi
"So Bryn, asan sya?" tanong ni Hanamichi
"Natutulog pa sya, nasa guest room. May lakad ba kayo ngayon?" tanong ni Kumi
"Oo, mamayang 7:00pm may appointment kame kay Mr. Substitute. Sya ang mag aayos ng mga papers ni Bryn para mapapalitan na ang last name nya. At kasama din namen si Bianca mamaya. Sinasabi ko sayo dahil gusto ko alam mo." Sagot ni Hanamichi
"Hmmmm ganon ba Love, okay syempre kasama si Bianca kasi sya ang mommy ni Bryn. And it's okay to me." Nakangiting sabi ni Kumi
"Boss anong sapi meron ka ngayon? ang bait mo yata. Pero gusto ko yan, I love you Boss. salamat sa laging pag unawa sa akin." Sabi ni Hanamichi at niyakap si Kumi
BINABASA MO ANG
Ball of Love
FanfictionLove story of my imaginary characters. Ang iba sa kanila ay galing sa mga nauna kong stories. Parang continuation ng Book 3 ng Hanamichi Sakugari 51st Heartache. Basta basahin nyo na lang, I hope magustuhan nyo.. Lab Lab Lab...
Chapter 59
Magsimula sa umpisa