CHAPTER 12: SUMPA

Start from the beginning
                                    


Sago ni Yoongi habang nililibot ang paligid nang bahay Ni Jisoo


"Hmp! Tama sya!" masayang sagot ni Jisoo.


"Taga gawa ka nang lason at lunas.. ngunit hindi mo magawa ang lunas para sa hari.." sambit i Yoongi.


"Saglit lamang.. nagdududa ka ba sa akin, heneral?" nanliit ang mata sa kanya ni Jisoo.


"Oo.." walang alinlangan na sagot ni Yoongi.


"Madali ka talaga kausap. Oo! Gawain ko nga iyon. Ang totoo nyan.. ako ang unang gumawa nang lason para sa hari. Dalawang taon! Dalawang taon kami hindi nagkita nang aking kapatid dahilan sa trabaho nya. Bumalik sya sa bahay na ito upang manghingi nang tulong sa akin. Ang rason na sinabi nya sa akin ay may kukunin sya na para sa kanya. Dahil.. isa akong itim na mangkukulam at kapatid ko sya gumawa ako nang lason.. ngunit.. nang makita ko sya kausap ang Ginoo na iyon nagbago ang isip ko. May tunay syang plano na hindi nya sa akin sinasabi. Nalaman ko na para sa hari ang lunas kaya't hindi ko tinuloy ang paggawa nang lason. At doon nangyari ang lahat. Mas malakas ang kapangyarihan nang kapatid ko kaya pinagpatuloy nya ang paggawa nang lason. Subalit hindi sya kasing galing ko sa paggawa kaya ang hari nyo ay buhay pa rin. Kinulong nya ako sa kagubatan na ito dahil sa iisang rason. Kilala ko ang kapatid ko.. hindi nya gagawin iyon sa hari nang walang malaking rason sya." paliwanag ni Jisoo.


"Sa palagay mo.. bakit ginagawa ito nang kapatid mo?" tanong muli ni Yoongi.


"Yun lamang ang hindi ko alam. Wala akong ideya kung bakit nya ito ginagawa.. Subalit.. may isa akong hinala.." sagot ni Jisoo.


"Ano iyon?" nakakunot noo na tanong ni Yoongi.


"Ang Ginoong may singsing na ahas. Nakalagay iyon sa gitna nyang daliri. May kakilala ka bang may suot nun sa palasyo, heneral?" tanong ni Jisoo.


Biglang napaisip si Yoongi sa tanong sa kanya.


"Wala.. tanging ang hari lamang ang maaring magsuot nang mga alahas. Aalamin ko kung sino ang lalaking iyon.. sa ngayon pagtuunan mo ang lunas." sambit ni Yoongi Tumango si Jisoo sang-ayon sa sinabi nya.


"Masusunod, heneral. Sa ngayon kung may tiwala kayo sa akin. Dito muna kayo magpalipas nang gabi. Delikado ang maglakbay sa gitna nang gabi." pag-aya nito. Tumango agad si Jimin sang ayon kay Jisoo samantala si Yoongi wala na lamang nagawa kaya sumang-ayon nalang rin.


"Saglit.. paano na yung sasabihin mo sa akin?" pagpipigil ni Jimin kay Jisoo.


"Ow.. bukas na lamang." sagot sa kanya at ngumiti sa kanya si Jisoo.


KINABUKASAN


Ang malakas na sigaw ni Jisoo ang nagpagising kay Jimin kaya madali sya lumabas nang kwarto at hinanap si Jisoo. Naabutan nya ito naghahalo sa malaking paso.


"Paumanhin, Jimin.. hindi ko inaasahan na sasabog ang lunas na una kong ginawa." sambit ni Jisoo nang mapansin si Jimin.

TWO WORLDS (YOONMIN AU)Where stories live. Discover now