Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang dalawang kamay niya.
"Sandro, gawin mo ito para kay Astrid, nakikiusap ako tulungan mo kami, tayo na lang magkakampi dito kaya sana tulungan mo ako" pakiusap ko sa kaniya.
Pumikit siya ng mariin at huminga ng malalim.
"Okay fine, just tell me when you already have a plan" sagot niya sa akin.
Nayakap ko naman siya sa tuwa.
"Ewww, get off!" Rinding reklamo niya at tinutulak ako palayo sa kaniya.
"Aywow akala mo naman may skin disease ako" inis na sabi ko sa kaniya.
"You stink!" Sigaw niya at biglang kumaripas ng takbo.
"Aba sira ulo 'to ah!" Sigaw ko at tinignan na lang siyang makalayo.
Natahimik naman ako nang marealize ko ang sinabi niya.
Inamoy-amoy ko ang sarili ko para malaman kung mabaho ba ako hindi.
"Hindi naman ah" bulong ko sa sarili ko.
*****
Eunice's POV
"'Yan ang paboritong laruang punyal ni Kuya nung mga bata pa kami habang tinuturuan niyo ako sa aking pag-eensayo" sabi ko kay Ate Clara nang makitang hawak ang punyal na laruan ni Kuya Jethro nung mga bata pa kami.
Naisipan namin ni Ate Clara na maglinis ng kwarto ni Kuya at pagkatapos ay ang kay Ate Astrid naman.
"Labis akong nangungulila sa iyo mahal ko" sabi ni Ate Clara habang naluluha at niyakap ang laruan.
Parang maiiyak naman din ko nang dahil doon kaya lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa balikat at pinaupo.
"Ate Clara maupo ka muna, pahinga muna tayo ng konti" sabi ko sa kaniya at nginitian siya.
"Naku pasensya na ah labis lang talaga akong nalulumbay" sabi pa ni Ate Clara habang nagpupunas ng luha.
"Alam mo Ate Clara para maalis na yung sad vibes dito, bakit hindi mo nalang ikwento kung paano kayo nagkakilala ni Kuya Jethro?" Suggestion ko sa kaniya dahil hindi ko pa din alam ang love story nilang dalawa ni Kuya Jethro.
Natahimik muna siya nang bahagya na para bang iniisip ang kwento nila.
"Dieciocho palang ako ay ako na ang tumayong ina at ama kay Goryo kaya nagtrabaho ako sa mga Royal Blood Vampire at ang naging trabaho ko ay ang tagalako ng mga kolorete at palamuti sa buhok, isang araw habang naglalako ay biglang nabunggo ng Kuya Jethro mo ang mga paninda ko kaya natapon ito at dahil sa kamalas malasan ay sa putikan pa sila nahulog, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil inis ang nasa utak ko dahil sa Kuya mo" paunang kwento niya habang natatawa na para bang nagf-flashback sa utak niya ang mga memories na iyon.
"Nabunggo? Paano? Bulag ba kayong pareho??" Tanong ko pa sa kaniya.
"Ituloy ko lang ang kwento ko ah?" Malumanay na sabi sa akin ni Ate Clara.
Parang bigla akong nahiya dahil puro tanong ako.
"Ahh oo nga pala hehe sorry sorry, continue" sabi ko at itinikom ang bibig ko.
"Pagkatapos nun ay galit na galit ako dahil puro lang paghingi ng tawad ang ginagawa ni hindi niya man lang ako tinulungang magpulot kaya ang ginawa ko ay sinugod ko siya at hinila ko siya sa damit, punong-puno ng putik ang kamay ko at nakikita ko ang pandidiri sa mukha niya pero wala akong pakealam binuhos ko yung galit ko sa kaniya, pinakalma lang ako ng kasama niya nun kaya tinigilan ko siya, pagkatapos ay nakapag-usap kami at nagkasundo na babayaran niya lahat ng paninda ko, pagkatapos ay halos araw-araw na siyang bumibili ng paninda ko hindi ko ba alam kung bakit, nagsasawa na rin ako sa pagmumukha niya na araw-araw kong nakikita, pag hindi ako naglako ng isang araw ay hahalubugin niya ang tirahan ko makabili lang, akala ko nga sa nobya niya ibibigay eh" kwento niya habang nakangiti, natatawa na rin ako dahil sa kwento niya.
"Ahh i knew it, kaya pala lagi siyang may dalang hair clip sa akin akala ko kung ano na, pagkatapos anong nangyari? Paano niyo ginawa si Rose?" Nakasalong babang tanong ko sa kaniya.
"H-huh?" Halos hindi makapagsalita si Ate Clara.
Tsaka ko lang narealize yung sinabi ko.
"Naku sorry Ate Clara, what i mean is paano naging kayo ganon" paliwanag ko sa kaniya.
"Ahh, ayun ilang buwan din niyang ginawa iyon at isang araw ay nagtapat siya ng pag-ibig sa akin at nagtapat din ako sa kaniya na nahulog na ang loob ko sa kaniya, pagkatapos ay dumating yung araw ng kaarawan niya doon niya palang binigay ang lugar kung saan siya nakatira, noong papunta ako ay nagtaka ako kung bakit papunta ito sa mga Royal Blood Vampire, naisip ko na isa nga pala siyang hardinero sa isa sa mga Royal Blood Vampire dahil iyon ang sabi niya, nang makarating ako ay parang iba ang nararamdaman ko dahil ang daming bampira at lahat sila ay mga Royal Blood Vampire halata sa kanilang suot, hinanap ko agad si Jethro ngunit wala pa siya, maya-maya lang ay biglang dalawang bampira ang lumabas sa entablado at nagsimulang magsalita at pabilis ng pabilis ang kabog ng dibdib ko dahil may iba akong nararamdaman na hindi maganda, pinakilala nila ang anak ng Hari at si Jethro iyon, pagkatapos nun ay umalis ako agad at hindi ko siya kinausap, nakipaghiwalay ako dahil na rin sa batas dito sa Lamia Mundi noon" mahabang kwento pa niya.
Medyo nalungkot naman ako sa last part ng kinwento niya.
"Awww nakakasad naman yung last part, sagabal talaga yang batas na yan eh, pagkatapos anong nangyari ate?" Tanong ko pa sa kaniya at malungkot na nakatingin.
"Prinsesa Eunice pinapatawag kayo ng Hari" biglang sulpot ni Goryo.
Nagmaktol naman ako patayo dahil panira ng kwento si Papa eh.
"Oh Ate Clara ituloy mo na lang mamaya ah" sabi ko sa kaniya na tinanguan niya naman kaya lumabas na ako at pinuntahan na si Papa.
*****
BINABASA MO ANG
Obsessed Vampire
Vampire'I'll reveal everything, i'll fight for the sake of love' -Astrid
CHAPTER:72
Magsimula sa umpisa