"Huh? Are you being serious my son?" Hindi makapaniwalang tanong ng ina. "I mean you said you want to eat ice cream strawberry flavor but now you want to eat chocolate flavor. What happening to you? May dapat ba akong ipag-alala dahil daig mo pa ang buntis na naglilihi." Ang huling sinabi ng kaniyang ina ang nakapagpabato sa kaniya.

"Yeah mom, i'm pregnant pero hindi ko pa iyon maaring sabihin hanggat hindi ko pa natitiyak. At matitiyak ko lang iyon kung sa ibang bansa ako magpa-check up. Ayokong pag-alalahin kayo, ayoko." Tila nagsilbing bulong sa kaniyang isipan ang dapat ay gusto niyang sabihin.



"Sabihin mo na lang kay yaya mom. I really want to eat chocolate, ayoko ng strawberry pangit ang lasa." Pagdadahilan na lang niya kahit hindi pa niya nagawang tikman ang strawberry na yon. Naaalala kasi niya doon ang dalawang pasakit sa buhay niya. Sinapo niya ang mukha ng ina. "Tsaka, wala kayong dapat ipag-alala. Wala akong sakit malusog ako. Gusto ko lang talagang kumain ng ice cream na tsokolate ang flavor." He give his mom puppy dog eye. "Please mom. Please." He said sounds pleading.



Alam niyang hindi siya matatanggihan ng ina niya. Simula pagkabata niya ay laging gusto niya ang sinusunod nito.



Naiiling na lumabas ng kaniyang kwarto ang ina. Siya naman ay muling humiga sa kaniyang kama. Awtomatikong napasapo siya sa kaniyang tiyan.



"Buntis ba talaga ako? May baby ba talaga sa loob ng tiyan ko?" Tanong niya sa kaniyang isip. "Kung totoo man iyon. I'm sorry baby pero ako na lang ang masisilayan mo. Ako na lang na ama mo ang makikita mo, ayaw na sakin ng daddy mo, ayaw na niya sa'ten." Agad niyang pinunasan ang mga luha sa kaniyang mga mata.



Hindi niya dapat iniisip ang mga bagay na ito pero hindi parin niya maiwasan. Nakarehistro parin sa kaniyang isip ang galit na mukha ni Justine. Iyon ang emosyon nito na huli niyang nakita.



Agad niyang pinunasan ang mga mata ng muli niyang marinig ang pagkatok ng kaniyang pinto. Agad siyang bumangon at binuksan ang pinto. Narito na ang kaniyang ina dala ang sorbetes na ipinabibili niya.



Hindi pa nito ibinibigay sa kaniya ay inagaw na niya sa kamay nito. Agad niyang binuksan at nilantakan iyon ng pagkain na walang pag-aalinlangan. Walang bagabag na nararamdaman.



"Slowdown, baka mabulunan ka." Sabi ng ina niya.



Hindi niya iyon pinansin. Pinagpatuloy niya ang pagnguya at pagkain sa ice cream na iyon. Dati rati ay hindi niya pinapansin ang lasa ng mga pagkaing kinakain niya pero ngayon nakapikit pa ang mga mata niya habang ninanamnam ang sarap niyon.



Ilang minuto lang ay naubos niyang lahat ng ice cream, wala siyang itinira doon. Lahat ay kinain niya.



Inilapag niya sa bedside table ang lagayan niyon at nagtungo sa bathroom. Nag linis siya ng mukha dahil nagkalat sa kaniyang bibig lahat ng kinain niya.



Pagkatapos noon ay lumabas na siya. Napakunot ang noo niya ng makitang naroon parin ang kaniyang ina. Alam niyang may balak itong itanong sa kaniya. At isa pa, maganda na rin na nandito ito dahil may gusto rin siyang sabihin dito.




"Hey mom. You're still here? Anything you want?" Imporma niya sa kaniyang ina. Umupo siya sa gilid ng kama paharap dito.




"Did something happen to you my son?" Diretsahang tanong nito. "I mean, there's a lot of changes in your attitude. Dati gustong-gusto mong kainin yung laging niluluto ni yaya perla but now you don't want at nagsuka kapa. Sabi mo malansa pero i smelled it hindi naman malansa." Kunot noo ito habang sinasabi ang mga bagay na iyon.




A Gangster's Lover Series Book 2: Justine Skyler (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon