"Umupo kayong lahat," tahimik na saad ni Alexander sa mga kasama niya. Agad tumalima ang mga ito.
"Sir Alexander. May nalaman po ako patungkol sa pamilya ni Carlo."
Seryosong nakinig ang anim na kalalakihan sa nakakatanda.
Bumuntong hininga pa siya kaya't lalong umiba ang pakiramdam ni Alexander.
"Lahat ng nakalap ko patungkol sa kanila ay pawang pineke at namanipula."
"The hell?" Bulaslas ni Adien at Jonas.
Nagkatinginan tuloy sila at sabay napasandal sa sofa.
"Napakalaking isda ng pamilyang ito. Dahil maging ang mga mukha, ay hindi kanila."
Napade quatro si Draian at sumandal na din. "Interesting."
Umiling lang si Axis.
Napabaling si Axis kay Alexander. Tahimik ito at hindi man lang mabasa ang mga mata.
"At-"
Naputol ang sasabihin ng detective nang biglang bumukas ang pinto.
Lumantad ang ama ni Alexander na si Alejandro.
Napapikit lamang si Alexander at inalis sa isipan ang magtanong.
"Ako na bahala sa parteng ito Federiko."
Umupo si Alejandro sa mataas na upuan na nasa bar paharap sa mga binata at sa imbestigador. Isang metal bottle na lalagyan ng alak ang inilabas niya sa panloob na bulsa ng kanyang coat
"Ang pamilya nila ay hindi nanggaling sa Amerika. At magulat ka, Alexander. Sapagkat ang pamilyang kumakalaban ay," tumungga siya rito. "-ang dahilan ng ating pagkakawatak."
Pagkatapos sabihin ng nakakatanda ang pahayag na iyon ay may dragong kumawala sa puso ng binatang kanina lang ay nanahimik.
××××××××××
Ngising ngisi si Carlo sa kanyang pagkakawagi sa daming kumalaban sa kanya. "Hindi tayo mananalo kung ganyan kayo kadaling mapatumba!"
Duguan na ang kanyang mga tauhan na bumangon sa kanilang binagsakan. Ang iba ay hindi na magawang bumangon sa sakit ng katawan.
"Carlo, hindi yata nakakabuti na sa kamay mo sila nabubugbog?"
Napalingon si Carlo sa kakarting na ama.
"Sorry, pa. Kailangan nilang makondisyon."
Bumuga ng hangin ang binata at saka kinuha ang kanyang jacket. "Kayo na po bahala dito, pa. Bibisitahin ko lang ang aking minamahal na si Anna."
Napa iling na lamang ang kanyang ama nang lumabas ang binata na pasipol sipol pa habang ang kanyang jacket ay nakasabit sa hintuturo nito at nakapatong sa kanyang likod.
Hinarap ng nakakatandang Mendoza ang mga tauhan niya. "Sinong handa sa matinding pagsasanay?" Nakangisi ang lalaki.
Tadhana na ang nagtala. Maghaharap na sila ng kanyang kababatang katunggali.
●●●●●●●●●●●●Hindi mapakali si Anna. Hindi siya pinayagan ng ina na lumabas ng kanyang kuwarto dahil sa takot raw na siya ay mapahamak.
Dapa-higa. Dapa-higa.
Paikot ikot lamang siya sa kanyang kama sapagkat sa likod ng utak niya ay may hinahanap siya.
Oo, si Alexander.
Napaupo siya sa kanyang kama at niyakap ang kanyang unan.
Hindi nia maintindihan ang kanyang sarili. Umaalingawngaw ang boses ni Alexander sa kanyang utak. Sinisigaw ng puso niya ang pangalan ng binata.
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.
Yugto XLII
Magsimula sa umpisa