Magrereklamo pa sana ako kay kuya pero sinabi niya ulit sa akin na tanging si Ron lang ang lalaking pumunta rito at kung sino man na nakita ko ay may posibilidad na siya lang daw yun dahil labas pasok din siya kanina sa kwarto ko sabi niya. Napabuntong hininga naman ako sa mga sinabi niya.

Pero paanong si Ron yun?
Kitang kita ng dalawang mata ko na si JN yung kaharap ko kanina!

Inubos ko nalang din yung pagkaing dala ni kuya dahil katulad ng sinabi niya di siya aalis kapag di ko inubos yung hinanda niya. Nang matapos ko ang kinakain ko ay umalis na siya dito. Sinabi din ni kuya na agad naman na umalis sina mommy at daddy papuntang Korea dahil may bagong transaction na naman sila doon. Nasanay na ako na wala sila kaya hindi ko nagawang magreklamo sa kabila ng tinamo ng kanilang anak— ang nangyari sa akin. Sinabi din ni kuya ang nangyayari kagabi sakin at nalungkot naman akong malaman na nasira pa tuloy ang party dahil sa akin dahil ng mawalan ako ng malay ay nagkagulo pa ang lahat. Napabuntong hininga ako sa sinabi ni kuya.Kami nalang ni baby Jake ko yung magkasama. Medyo napangisi naman akong napatingin sa aso ko na Jake din pala ang pangalan.

"baby Jake!"sabi ko at tumahol naman ito. Nilaro -laro ko naman siya dahil parang hindi ko siya naalagaan ng maayos ng makaraang linggo at sina Manang Helen lang ang palaging may oras sa kaniya dahil naabala talaga ako sa mga problema ko last week. Nakakalungkot lang na hindi ko nabantayan ng maayos yung baby ko.
Habang nilalaro ko naman siya ay agad naman napunta ang mata ko sa mga regalong nasa harapan ko pala kanina pa. Dahan dahan maman akong tumayo at pumunta doon. Kinuha ko ang isang regalo at agad naman akong napaupo at sinimulan ko ng basahin yung kay sino galing.

Happy Birthday Hannah!
From:  Ate Jen

Agad namang lumaki yung mata ko sa pagkabasa ko ng card.

Galing kay ate Jen?

Gulat naman akong pinagmasdan habang hawak hawak ko ito. Napaisip naman ako na kung galing kay ate Jen ito may posibilidad na nandito siya kagabi at hindi din malayong magkita silang dalawa ni kuya!

Dahan dahan ko namang itong binuksan at tumambad sa akin ang isang dress.

Wow ang ganda!

Simpleng kulay blue na dress pero sadyang mapapansin mo na mahal ito. Agad naman akong tumayo at sinukat ito na may ngiti sa labi. Nang matapos kong sukatin ay agad akong nagtungo sa salamin para makita ang buo ko.

{O_O}

Hindi man sa GGSS ako pero parang ang ganda ko sa dress na to. Napakunot din ako ng noo kung bakit parang sukat ko talaga yung dress na binigay niya kaya napangisi nalang ako.  Babae siya kaya alam niya din sa isang tingin ang sukat ng tao at isa pa ang fashionista talaga si ate Jen, pero sayang lang na hindi ko siya nakita kahapon, alam kong alam niya ang sa pagitan ng ginawa ni tita France sa akin pero hindi naman siguro hadlang na ang pagiging pagkaibigan ko kay ate Jen ay mapuputol na dahil sa rason kung bakit ginawa yun ni tita France sa akin diba?

Napabuntong hininga nalang ako sa iniisip ko at nabaling ko ulit ang tingin ko sa balot ng niregalo ni ate Jen. Kinuha ko yun at itatago sana ang balot dahil na H&M ito at sayang din kung itatapon kaya lang agad kong nasipat na may laman pa pala ito!

Kinuha ko naman agad yon at kumunot naman ang noo dahil sa isang malinis na papel ang nakita ko pero nang baliktarin ko ay agad kong naisip na envelope ito. Kinuha ko ang laman nito at binasa kung ano ang nakasulat.

NEVER BEEN INLOVE WITH MY KPOP IDOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon