"Music is beautiful isn't it?" He started to move his fingers on the piano keys.

"But in beauty, there's always chaos. There's a pain in lullabies. It might be perfect to look at, it might sound good to hear, but there will always be an imperfection within it." The tone he's creating became strong.

"Iyong katanungan na iyan? That's the exact question my father asked to my mother after she still chose to tell to my father, that she still loves the man who already belongs to heaven." The symphony started to turn slow again, then after that, he stopped and darted his eyes on me.

"Pain is normal in life. So, let's choose to be brave and conquer it, Jeliah!" He tapped my head, as I saw the comfort I'm finding in a beautiful curve of his lips.

Nakasilip lamang ako mula dito sa may backstage, ramdam ko ang panlalamig ng aking mga palad.

"Ayos ka lang?" Nilingon si Arjin na kampante lang na nasa aking bandang likod.

"Kinakabahan ako."

"Bakit ka naman kakabahan? You have a great talent, Jeliah. Kung tutuusin kahit hindi tayo nagpractice ay tiyak na makakaya mo." Sumandal ako sa may pader.

"Hindi naman sa kinakabahan ako na magkamali, ang ini-isip ko kasi ay iyong kapatid dito ni Tito Jack, paano na lang kung makarating kay Mama na sinusuway ko siya at heto ako magpe-perform na naman ng ballet dance?" Itinagilid niya ang kaniyang ulo, kahit tipid lamang ang pag-galaw ng kaniyang labi ay lumalabas ang biloy sa kaniyang pisngi.

"Hindi naman masama na sumuway minsan." Ngumisi siya sa akin.

"Bakit, ganiyan ba ang ginagawa mo kapag ayaw ka payagan sa isang bagay ng magulang mo?" Tinaasan ko siya ng aking kilay, tumawa naman siya.

"Oo," direktang pag-sagot niya.

"I'm always choosing what makes me happy. Sumusuway ako, basta alam ko sa sarili ko na hindi naman ako mapapahamak. It's you who'll make your own definition of freedom, you should not depend it on other people's decision." Napangiti ako at nag-iwas ng aking tingin, hindi ko mawari kung bakit nagi-init ang aking magkabilang pisngi.

Itinatak ko sa aking isipan ang kaniyang mga sinabi, kaya naman ng lumabas na kami mula sa backstage ay hindi na ako kabado pa na nagdiretso sa pinaka-gitna at siya naman ay sa may bandang gilid kung saan nandoon ang silya na nasa harapan ng isang piano.

"Woah! Mga tropa ko iyan." Pinigilan ko ang aking pagtawa ng mahagip ng aking tingin si Rox na yinuyugyog ang balikat ng kawawang si Dandreb.

It's so light in the feelings, to move your hands and feet, to curve your body in different position, without thinking about the expectations of others. Pumikit ako, pinakinggan ang musika na nanggagaling sa pagtugtog niya sa piano. And at the end, we both bowed our heads as the audience started to clap their hands for our performance, and like back then, he's there, I saw my father from a far wearing his supportive smile.

"Ang galing niyo kanina! Grabe, kahit itong si Dandreb ay tumutulo na ang laway, nakanganga na lang." Nanliit ang mga mata ni Dandreb kay Rox.

"Ang layo naman ng inabot ng utak mo Rox."

"Pero...ang galing niyo nga 'insan. Ang lakas ng dating niyong dalawa, bagay na bagay."

"Salamat!"

"Itong si Arjin, hindi ko alam kung natulog pa ba ito sa pagpra-practice. Nagpa-piano pero kay Nanette nakatingin!" Humalakhak si Rox, napatingin naman ako kay Arjin.

"Nakakaaliw siyang panoorin," sambit naman ni Arjin. My heart melt when he said that, I was even greatly surprised to know that.

"Tingin mo naman Arjin, ilihis mo naman ng kaunti kay Nanette, baka himatayin sa pagpipigil ng kilig iyan."

"Rox!" Nag-umpisa ako na habulin siya, kahit kailan talaga ay ang hilig niya na magbigay malisya pagdating sa amin ni Arjin.

"Minsan talaga nakaka-asar ka," sambit ko sa kaniya habang habol ang aking paghinga ng matigil na kami sa tapat ng mahogany tree. Tinawanan niya lamang ako at nang umupo ako sa gilid ng flower box dito ay ganoon din ang kaniyang ginawa.

"Sa tingin ko ay ayos na kayo ni Arjin ah," pagsasalita niya, matapos ay pumade-kwatro ng upo, mabuti na lang talaga at walang nagdaraanan na mga estudyante o teacher.

"Ahm, siguro." Pinagmasdan ko na malaglag sa sanga ang ilang tuyong dahon ng mahogany, nagtataka naman akong nilingon sa aking gilid si Rox ng mahina niya akong sikuhin.

"Ayos 'yan, Nanette! Sa tingin ko ay malapit na magkalapit lalo iyong mga manok ko." Nangunot ang aking noo.

"Ano sinasabi mo?" Sa halip na sagutin ang aking tanong ay ngumisi lamang siya sa akin.

I was walking alone in the hallway through the Faculty room while carrying some notebook from my classmate because I'm the one assigned for this now. When a guy suddenly bumped beside me, it's Arjin.

"Let me help you." Napahinto ako, kasabay ng dahan-dahan niyang pagkuha ng ilang notebook sa aking mga kamay.

It's the dawn of that day, the sun rays brought my eyes on him, that's like the usual, where you can see the twinkle full of hope. In just a blink of an eye, it seems like I found something more interesting than the light that's kissing the top of those pine trees now. 

Lullabies Of Pain (Anxiety Series#3) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon