Chapter 5: Friends?

Magsimula sa umpisa
                                    

Iniwan naman niya ako roon. Napailing na lang ako sa kanya. Siguro nga, dapat ko 'tong maging kaibigan. Para naman matulungan ko siya magbuild ng self-confidence. Bumalik naman siya na may dalang fried siomai saka fries. Wow, ganito talaga magpameryenda ang mga mayayaman? Ang OA lang?

"Teka, kukunin ko yung drinks." Umalis na naman siya para kunin yung drinks. Naku, nakakahiya na talaga.

Maya-maya ay bumalik na siya. Tinulungan ko naman siyang ayusing ang mga pagkain na dala niya.

"Michael, anak, dun na lang kayo sa kwarto mo mag-usap para hindi na madumihan diyan." Utos naman sa kanya ng katulong nila.

Siya na ang naglead ng way papunta sa kwarto niya. Tinulungan ko naman siya sa pagdadala ng mga pagkain. Buti na lang at hindi kahabaan ang hagdanan nila. Ibinagay talaga sa Japanese-structure ng bahay nila. Nagawi kami sa isang pintuan. Malapit lang naman ito sa hagdanan nila. Ako na ang nagbukas since hindi nga niya mabitawan ang mga dala niya.

"C-come here," medyo nahihiya niyang dispensa. "P-pasensya na kung makalat ang kw--"

Binatukan ko nga! Tsk. Tsk.

"Nanloloko ka ba?! E mas malinis pa nga itong kwarto mo sa kwarto ko e!" Mahina lang naman ang pagbatok ko sa kanya. Hindi naman siya mabobobo.

Inayos namin ang mga pagkain sa study table niya. Maganda rin ang kwarto niya. In fact, sobrang ayos at organized ang mga gamit niya. May shelf talaga para sa mga libro niya. At wow, nakaayos talaga base sa genre.

"Bookworm ka pala," kumento ko sa kanya habang inaayos ko ang sumbrero ko. Hindi naman ako palasumbrero e. Minsan lang.

"Ah, padala lang yung iba riyan," sagot naman niya.

Tumango na lang ako. Mayaman talaga sila. Grabe, ang ganda sigurong manirahan dito.

"Tara, kain ka?" paanyaya niya.

"Ah, busog pa ako e."

"N-naku, okay lang. Tara, kain ka. Wala namang lason ito," nauutal na naman niyang sagot. Introvert nga talaga siya.

"Para kang ewan. Obviously, walang lason 'yan." Kumain na rin ako.

Matapos kumain ay nagsalita agad ako. Mas maganda nang sabihin ko na ang pakay ko.

"Michael, sorry pala sa sinabi ko kanina."

"H-ha? N-naku, ako nga ang dapat magsorry eh. Masyado lang akong feeling close.. Sor--"

"Pumapayag na ako."

Natulala naman siya sa sinabi ko. Oo, pumapayag na ako. Harmless naman siya e.

"S-saan?" nagtataka niyang tanong.

"Maging magkaibigan tayo. Nabigla lang talaga ako kaninang umaga. Akala ko kasi, gangster ka o member ng fraternity. Hindi ko nga alam kung may nagawa ba akong atraso sayo kanina e," sagot ko.

"Pfft!" narinig ko ang tawa niya. Tsk. "A-ah sorry. Natatawa lang ako sa gangster thing. Hindi ko pinangarap maging ganun eh."

Nakitawa na rin ako sa kanya. Grabe, halos sumakit na ang tiyan ko kakatawa. Somehow, nakaramdam naman ako ng hiya sa impression ko sa kanya. Ayos lang naman sa kanya.

"Oh, nakalimutan ko. Kaya nga pala kita sinusundan kanina kasi nahulog mo ito," sabay abot sa akin ng panyo ko at yung G-tech ko. Nahulog pala ito? Sabagay, nagcacram nga pala ako kanina sa report ko kaya hindi ko napansin.

"Salamat. Ah, mauna na ako. Gabi na rin kasi e. Baka pagalitan ako ni Mama," paalam ko sa kanya.

Hinatid naman niya ako sa gate nila, kung saan ko pinark yung bike ko.

"Mauna na ako. Sige, ingat," paalam ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinaandar ko na ang bike. Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang matuwa sa nangyari. Nakakahiya talaga yung mga sinabi ko. Oh well, nasabi ko na e. Hindi na mababawi. At least, napasaya ko siya. Okay na siguro yun.

Hindi naman na ako pinagsabihan ni Mama. May tiwala naman siya sa akin e. Ako na lang saka si Kuya Julius ang tao sa living room namin. Nasa taas na sila at natutulog na.

"Kuya, wala ka na namang trabaho bukas?" tanong ko sa kanya. Kasalukuyan siyang naglalaptop. Mukhang gumagawa ng reports.

"Wala, tol e. Nakaleave ako ngayon."

Tumango na lang ako saka dumiretso na sa kwarto namin. Kailangan ko pang gumawa ng mga school works e. Buti na lang at isa lang ang assignment namin ngayon. Matapos nun ay nahiga na ako sa kama namin ni Kuya. Hindi ko na siya hinintay at nauna na ako.

Hay, what a day! Ang daming nangyari ngayon.

Someday It's Going to Make SenseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon