Nang maging satisfied na ako sa ayos ko, bumaba na ako at naglakad patungo sa dining.

Malapit na ako sa pintuan ng dining area ng bigla akong napahinto. I remembered what happened last last week. The way kuya Klev touched my legs upside down. Pumikit ako at huminga ng malalim bago tuluyang pumasok sa loob.

Si mommy at tito lucho lang ang naabutan ko doon, kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Hindi kasi talaga ako kumportable kapag nandito si kuya.

Habang kumakain, tinanong ako ni mommy kung anong plano ko ngayon araw pero sinabi kong wala. Tumango lang siya at hindi na muling nagsalita. Nakakapagtaka dahil alam kong hindi siya papayag na walang party na magaganap kaya bakit ang tahimik niya ngayon?

Hindi ko nalang pinansin yon at tinapos na ang pagkain at nagpaalam sakanila na papasok na sa school.

Pagkababa ko ng taxi ay agad akong naglakad patungo sa building namin. It's already 7:30 A.M

"Celestine!"

Napahinto ako sa paglalakad at nakakunot noo na nilingon ang tumawag sa pangalan ko. There he is. The green eyed boy named Primo.

Automatic na napataas ang kilay ko ng makalapit siya sakin. "Yes?" I asked.

Napansin kong may hawak siyang bouquet na puro red rose ang laman.

He cleared his throat before handing me the bouquet "For you." He said.

I bite my lower lip at napatingin sa bulaklak. "Happy Birthday Celestine." Ibinalik ko ang paningin sakaniya bago dahan dahang inabot ang bulaklak.

"How did you know?" I asked. Family at close friends ko lang kasi ang nakakaalam ng birthday ko. Kaya naman nakakapagtaka kung paano nalaman ni Primo.

"Uhmm.." Napawak siya sa batok niya at namumulang nag iwas ng tingin sakin. "I asked one of your friends, kaya nalaman ko." Nakaiwas parin ang mukha niya sakin habang nagsasalita. I chuckled. Why so cute Primo?

"Thank you." I said while staring at him. Mas lalo naman siyang namula kaya hindi ko na napigilan ang pag tawa.

"Your welcome." He huskily said.

Huminto na ako sa pag tawa at napapailing na binaling ang paningin sa bulaklak. Napangiti ako ng maamoy ang mabangong amoy nito. I really love roses.

Pagkatapos amuyin ang bulaklak ay inangat ko ulit ang paningin kay Primo na nakatitig pala sakin.

"Uhm..." Muli siyang nag iwas ng tingin. "Hatid na kita sa room niyo." I smiled at him and nodded.

Tahimik lang kami habang magkatabing naglalakad sa hallway papunta sa classroom ko.

Nang makarating na kami sa tapat ng pinto ng classroom ko ay hinarap ko siya at nginitian.

"Salamat sa pag hatid Primo." I said bago itinuro ang loob ng classroom. "Papasok na ako." Tumango naman siya at nginitian rin ako. "Again, thank you for the flowers. I love it."

"Your welcome Celestine. Masaya ako at nagustuhan mo." Tumango ako at muli siyang nginitian bago tuluyang pumasok sa room.

Pagkapasok ko sa loob ay agad ako nakatanggap ng pang aasar galing sa mga kaklase na pinangungunahan ng mga kaibigan ko.

No One KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon