"Landi neto, bigyan mo nalang ako ng Tequila Sunset." Natawa kong sinabi. Agad naman siyang ngumiti at sinerve sa akin ang inorder ko. Hinawakan ko yung wine glass ko at nang ilalapit ko na ito sa labi ko ay agad itong inagaw ng isang lalaki at ininom. "Hey! Ano ba!"
"Pare, ang pakla naman ng pagkatimpla mo. Wala kang taste." Nangangasim ang mukha ni Chiro sa lasa nung inorder ko. "Magtimpla ka na nga lang doon sa kabilang dulo ng counter, istorbo ka eh."
"Don't listen to him, hindi pa ako tapos mag-order. Give me one bottle of Champagne." Utos ko doon sa bartender. Aba, 'di porket nandito siya ay mapipigilan na niya ako kakainom. Kapal nalang ng mukha. Tumango naman si Guy at pinagbuksan ako ng bote ng Champagne.
Kukunin ko na sana pero may isa pang lalaki na umagaw sa akin nung bote at nilaklak ito. "Ahh..." Wow, Sprite lang ang ininom? "Iinom ka na naman eh." Sita sa akin ni Kiel.
Umorder ako ng Umorder pero paulit-ulit nilang inaagaw, kaya hilo-hilo na rin sila. Punyeta naman oh!
"Aish! Wag nga kayong pakelamero!" Inagaw ko yung Iniinom nung babae na malapit sa amin at tinagay. Sh*t, ang init sa lalamunan. Agad akong nahilo sa sobrang lakas ng nainom ko.
"Hey Miss, are you crazy? Aunt Roberta kaya yung ininom mo!" Exclaimed the girl whom I took the drink from. That was the last thing I heard before I blacked out.
*END OF FLASHBACK*
Damn my life to hell! Hindi ko din alam kung ano ang nangyari the day after dahil sa sobrang lakas nung ininom ko. Nagising nalang ako sa ospital at may dextrose na nakakabit sa akin.
Kinuha ko yung landline namin at dinial ang number sa kwarto ni Yanna. "He... llo? *Yawn*"
"Nana, Sunduin mo si Kiel at magkita tayo sa bahay namin dati ni Chiro. NGAYON NA!" Utos ko sa kanya.
"Eehhh~ Mimi naman eh. Mamaya nalang, inaantok pa ako." Sabi ni Yanna.
"Yanna Aquino, buntis ako at hindi ko alam kung sino ang ama ng dinadala ko." Nababasag-basag na ang boses ko sa sobrang inis.
"WHAT?!" Bulaslas ni Yanna at paniguradong nagising ang diwa niya. "Ayumi, kung joke ito, itigil mo na. Hindi nakakatawa!"
Napaluha na ako. "Yanna, hindi ako nagjo-joke. Tangina this! Ibato ko pa sayo yung Pregnancy test eh! Dalawang Guhit teh! DALAWA! Naka-sampung subok ako pero lahat positive!"
Humagulgul ako ng iyak. Ano ba ang ginawa ko to deserve this? "Mimi, alam kong unexpected 'to pero wag kang gagawa ng kalokohan tulad ng abortion ah! Wag ka rin magpapakamatay kundi susunduin kita sa kabilang buhay at ibabalik dito!"
"Hindi naman ako galit dahil buntis ako, galit ako dahil hindi ko alam kung sino ang nakabuntis sa akin!" Sigaw ko sa telepono.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage From Hell
Romance[COMPLETE] Paano kung magising ka nalang ng isang araw at ikakasal ka na? Idagdag mo pa to, ikakasal ka sa isang OH SO HOT NA LALAKING SAKSAKAN SA KAYABANGAN AT KASAMAAN NA PWEDE NA NIYANG PALITAN SI SATANAS? Kayanin mo kaya? // Book Cover by Liorsk...
Chapter 23: Test
Magsimula sa umpisa