Nandito kami ngayon sa bar at nag wa walwal. buti nalang di sumama si Adrian.
"Yes! Girls day to kaya mag enjoy tayo!!" si Zeb
"Hoy magtira kayo ng pang uwe ha." si Rochi
"oo. kami paba? ikaw nga mabilis malasing dyan. hahaha" sabi ko
" Thank you a. hahaha" Si Rochi
ilang minuto ang lumipas at naubos na ang iniinom namin. walang dumadaan na waiter kaya ako nalang nagpunta sa counter para humingi ng alak. hahaha
"kuya, isa papo" sabi ko
"yung usual ma'am?"
"yes kuya"
inilagay nya sa table yung alak na binili ko pero diko namalayan agad kase tinitignan ko sila rochi.
"kuya nasan napo?"
"binigay kona po sa inyo"
"kuya joke time ba tayo? hindi papo ako lasing. haha"
may lumapit na isang lalaki.
"ayun o kinuha ni kuya"
bwisit yun a.
"hoy!"
humarap sya "ako ba yun?" tinuro nya yung sarili nya habang hawak yung alak na binili ko.
"oo. at alak ko yang kinuha mo." sabi ko
"psh, wag ka nga. samin to no" sabi nya. tapos tumawa pa
"kuya, lasing kana wag kana uminom. akina yan." sabi ko
"hoy, bitawan mo to, akin to!" sabi nya
"akin yan, inagaw mo lang yan sakin" sabi ko
"Ms. ayoko manakit ng babae a, bitawan mona."
"Ayoko nga! binayaran namin yan no!"
"Mico!" pagtawag nung kaibigan nya
"Ms. ano pong meron? hehe" tanong nung lalaki
"kuya, kinuha nya kase yung alak namin. hehe kukunin ko lang sana pero ayaw nya ibigay."
"hoy! walang sayo ha!" tapos dinuro nya yung noo ko.
"lasing kana, saka ko kinuha yung alak pero ayaw nya parin bitawan."
"Jes?" sila Zeb at Rochi
"nag co-commotion na kayo. ano meron?" si Rochi
"kinuha nya yung alak natin" sabi ko
"bili nalang ulit tayo. halika na" sabi ni zeb
"hindi! lagi nalang bako magpaparaya?!" sabi ko
humarap yung lalaki sakin
"Matuto ka magparaya kung hindi para sayo. hahahahaha" saka nyako tinawanan at umalis. bwisit yun a.
"Mga Ms. pasensya na ha, lasing na kase yung tropa namin, palitan nalang namin. pasensya na talaga. pauwe na sana kami kaso ayaw pa pa awat ni mico e." sabi nung lalaki
hinatid nya kami sa table namin at ilang saglit ay bumalik sya na may dalang alak.
"pasensya napo ulit."
"salamat po." sabi namin
"wala pong anuman. alis napo ako" sabi nya
"buti pa yun mabait" sabi ko
"malay mo naman lasing lang talaga yung taong kausap mo kanina"
"psh. dami rason."
2 oras na kami dito at ramdam kong may tama na yung alak.