#FU10

98 13 1
                                    

[Messenger]
8:42 PM

Jaymie:
Jackson, si Art nagpunta raw dun sa mansyon kasama si Rhoan at Azy hahahaha kulit talaga ng mga yon.

Jackson:
Putek. Dala ba nila sasakyan ni Justin?

Jaymie:
Hindi, naglakad lang.

Jackson:
Sige sundan ko na lang siguro don. Ilabas ko muna 'to mga yelo dyan sa inyo sa living room.

8:47 PM

Jackson:
Papunta na kami dyan sa mansyon. Sumama na silang lahat sakin kasi curious din sila dyan. Mamaya na lang daw tayo mag-inuman. Kulit nyo talagang mga punyeta kayo.

Art:
HAHAHAHAHAHA titingnan lang naman namin eh. Hindi naka-lock yung gate pre! Pati yung main door hindi naka-lock amputa hahahaha wala na yatang pakialam may-ari ng bahay na to eh

Jackson:
Gago pumasok kayo sa loob?

Art:
Oo hahahahaha ang ganda gagi! Parang tirahan ng royal family. Sobrang laki!

Jackson:
Walang tao? Tangina nyo talaga, ako kinakabahan sa pinaggagagawa nyo. Kapag may nakakita sa inyo dyan!

Art:
Walang tao pre. Patay lahat ng ilaw nung pumasok kami pero binuksan namin. Tangina gumagana pa lahat ng ilaw. Sure ka bang abandonado na to?

Jackson:
Oo abandonado na yan. Narinig mo naman kwento ni Mama kanina sa rest house diba? 2 decades nang walang tumitira dyan. Never nabenta kasi nga sobrang mahal. Wala na rin naman daw syang balita sa may-ari.

Art:
Baka patay na yung may-ari.

Jackson:
Ewan lang. O baka nasa ibang bansa na.

Flowers UnderneathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon