Inalala ko lahat ng mga sinabi ng Director. "Alin doon?" Tanong ko nang hindi mapunto kung alin doon ang dapat kong tandaan.
"'Yong tungkol sa kaso. He said the case was solved. Aling case? Kay Maureen o 'yong kay Jessica. O baka naman pareho?" He said. Malalim ang pag-iisip.
"We'll find out that soon." I encouraged him and tapped his shoulders. "Let's go," aya ko.
Diretso na kaming uwi, wala namang masyadong ganap ngayong araw ay pagod na pagod pa rin ako.
Pagkauwi sa bahay ay inaral ko na lang ang mga notes ko at nag-advance reading para sa aaralin next week. Malapit na rin ang exam kaya kailangan ko nang mag-focus sa pag-aaral.Nag-jot down na rin ako ng mga importanteng bagay sa notes ko na galing sa book. Baka biglang magpaquiz ang instructor.
Nakatulugan ko ang pag-aaral kaya nang gumising ay umaga na. I'm not planning to roam outside the village kaya pagkagising ay lumabas na akong silid at dumiretso sa kusina para kumain. After eating, I washed the dishes and swept the living room.
Matapos maglinis ay nanood na ako ng movie sa Netflix.
"Oh, ba't nandito ka? Wala kang pasok?" Si mama nang madatnan akong nakahiga sa sofa.
"Wala po, cancelled ang klase ngayong buong linggo." Sagot ko nang 'di tinatanggal ang mga mata sa laptop.
"Sige, gagawa lang ako ng meryenda." Paalam ni Mama at dumiretso na siyang kusina para iayos ang mga pinamili.
In-enjoy ko na lang ang natitirang araw ng aming maikling break. Dahil bukas ay papasok na naman kami. Wala masyadong ganap nitong nagdaang araw. Kain, tulog, aral ng konti, repeat. Iyon ang naging routine ko sa araw-araw mula nung break.
Kasalukuyan naman akong nakahiga ngayon sa kwarto ko, nagbabasa ng novel na nabili ko kahapon sa bookstore. Nangangalahati na ako sa binabasa nang mabagot. Sakto namang dadamputin ko ang phone ko ng magring ito.
Si Jisnel tumatawag. Ano kayang sasabihin nito? Sinagot ko na lang.
"Hello?" Bungad ko.
"Ready for tomorrow?" Siya sa kabilang linya.
"Hindi pa, pero gusto ko nang pumasok. Nabubulok na ako dito sa bahay." Bagot kong sagot.
"Ready yourself, then. Baka manibago ka bukas."
"Grabe naman sa manibago. Ilang araw lang naman nasuspend yung klase."
"'Di mo sure, maraming pwedeng magbago even in a short period of time." He chuckled on the other line.
"We'll see..." I only said. Nabalot kami ng mahabang katahimikan matapos no'n.
Inilayo ko ang phone ko sa tenga para makita kung binabaan na ba ako, pero pumapatak pa rin ang oras kaya on going pa rin ang call.
"Nandiyan ka pa ba?" Pabirong ani ko.
"Mmmh- mmmh. Still here... ang totoo niyan. Gusto sana kita ayain mamayang hapon, kung 'di ka busy?"
Inisip ko muna kung may gagawin ba ako ngayong hapon, wala naman kaya pumayag na ako.
"Hindi naman, saan ba?"
"Sa plaza, may pa-concert si Yorme. May ticket ako dito."
"Sure! Sino ba'ng magpeperform?"
He just chuckled on the other line and bid his goodbye. Nagdadalawang isip tuloy ako kung pupunta pa ako o hindi.
"Aish!" Iritang sigaw ko at ibinagsak ang katawan sa malambot na kama.
"You have a redezvous with?" Tanong sa akin ng katabi ko. Bumuntong hininga ako bago siya sinagot.
"With Jisnel... he asked me out for a concert sa plaza." I sighed. Hinarap ko siya. "I can't help but to overthink. Gusto ko malaman kung sino ang magpeperform mamaya kaso binabaan ako." Iritableng dagdag ko.
"Why'd you said yes if you're not sure." She also sighed and turned her gaze at the ceiling.
"Tutuloy pa ba ako?"
"You should. In case you want to hurt his feelings and dump him." Nagkibit balikat siya.
"Okay, pupunta ako." Bumangon na ako at nag-ayos. Sabagay may pasok naman na bukas kaya sulitin na lang itong araw na'to.
"Can I come?" Nilingon ko siya. Nakaupo na siya ngayon sa kama ko. She looks pale.
I neared her and patted her head. "You can't. Wait for me here, hmm?" I smiled at her. Tinalikuran ko na siya at palabas na sana ng room ko nang magsalita siya.
"You always say that. But you know how stubborn I am." Nilingon ko siya. She's smiling like an idiot. "I'll come. Whether you like it... or not." I closed my eyes, naiirita na ako.
"If I said no. It's a NO." Diniinan ko ang pagkakasabi sa huling salita. Tuluyan ko na siyang tinalikuran at lumabas.
"Who does she think she is?" Bulong ko sa sarili.
"Hey, Sis. Saan lakad?" Si kuya Von. Ang aga naman niya?
"Plaza," tipid na sagot ko.
Pagkababa ko ng jeep ay nakita ko na si Jisnel sa pinag-usapan naming tagpuan. Akala ko male-late siya, mali ako.
Ngumiti ako at nilapitan siya. "Tara na?" Tanong ko nang makalapit. Nagulat pa siya dahil nakatutok ito sa kaniyang cellphone.
"Oh, you startled me." Sambit niya at napahawak pa sa dibdib. Tumawa ako dahil sa reaksiyon niya.
"OA mo,"
Napagdesisyonan muna naming gumala saglit sa bayan habang naghihintay sa concert. Kumain kami sa mga tusok-tusok. Ang sarap bumalik sa pagkabata.
We stayed out for at least 5 hours. Alas nuebe na rin kami nakauwi, we enjoyed the night together.
"See you tomorrow, good night." Pagpapaalam niya.
"See you, good night." Tugon ko rin.
I hope tomorrow will be as better as today.
Chapter 7
Start from the beginning