"Baka naman nauna na siyang mag lunch or may dala siyang pagkain kaya roon na siya sa opisina niya kumain." Wika naman ni Zenna.

"Maybe nga." Sang-ayon naman ni Margaux.

"Cr lang ako saglit." Tumayo naman si Zenna.

"Me rin!" At si Margaux.

"Hintayin ko na lang kayo rito. Tinatamad ako saka 'di naman ako nababanyo." Nakapalumbabang wika ko. Tumango naman sila bago tuluyang umalis.

Napaayos ako nang upo nang makitang pumasok si Fury ng cafeteria. Matapos niyang bumili ng makakain ay nilibot niya ang paningin niya, hinahanap kami. Nang makita ako ay nag-alangan pa siyang lumapit dahil wala sila Margaux at Zenna.

Walang imik siyang umupo sa kaharap kong upuan.

"N-nag cr lang saglit sila Margaux at Zenna." Awkward kong sabi. Tumango lang siya nang 'di ako tinatapunan ng tingin. "N-natagalan ka ata mag lunch?"

"May ginawa lang ako saglit." Cold niyang sabi, 'di pa rin ako tinatapunan ng tingin. Sa kinakain niya lang nakatuon ang atensyon niya. Hindi ko na lang siya kinausap pa at nanahimik na lang.

Natapos siyang kumain nang walang umiimik sa'ming dalawa.

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa'ming dalawa bago siya napabuntong hininga at magsalita.

"Hays, ayoko na nga! 'Di ko na kaya, 'di ako sanay," I bit my lower lip. "Sorry, Madi." Napatingin naman ako sa kaniya.

"Uy, ako nga dapat ang mag sorry, eh! Alam ko namang concern ka lang sa'kin and I'm thankful for that." Nginitian ko siya. "But I can't promise na..." Napabuntong hininga naman siya.

"I know." Napangiti naman ako.

"You mean, okay na sayo–"

"Hindi pa rin." Agad namang nawala ang ngiti ko. "Pero ano bang magagawa ko? Matigas naman 'yang ulo mo, hindi ka naman makikinig sa'kin. Basta binalaan na kita, ah." Napangiti naman ako at tumayo para lapitan siya at yakapin ang kaliwang braso niya. Wala naman ng mga tao dahil tapos na 'yong lunch.

"The best ka talaga, tol! Bati na tayo, ah?" Natatawa naman siyang napailing-iling.

"Matitiis ba kita?" Wika niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Aray!" Reklamo ko at hinampas pa siya sa balikat pero ang loko tinawanan lang ako.

"Buti naman okay na kayo." Wika ni Zenna habang naglalakad kami papuntang stadium kung saan gaganapin ang sport program. Tapos na ang lunch at pinapapunta na lahat ng estudyante roon para manood.

"You know Fury naman, he can't tiis tiis us." Napangiwi naman kami ni Zenna sa sinabi ni Margaux. Alam naman namin na conyo 'to at sanay na kami pero lumalala ata ang isang 'to.

Natigilan ako sa paglalakad nang makita si Sir Goldwin sa gilid ng entrance ng stadium habang may kausap na isang lalaki.

"Why?" Kunot noong tanong ni Margaux.

"Cr muna pala ako, baka mamaya ang ganda na nang panood ko ta's bigla akong maiihi." Palusot ko. May binabalak lang naman talaga akong kalokohan.

"Dapat kasi sumabay ka na sa'min kanina, eh. Reserve ka na lang namin ng upuan." Tumango naman ako bago sila tuluyang umalis.

Napatingin naman ako ulit sa gawi ni Sir Goldwin na kausap pa rin 'yong lalaki.

Napangisi ako.

Hindi ko alam kung ano niya si Sydney pero kung may relasyon man sila, wala naman akong balak agawin sa kaniya si Sir Goldwin. Wala naman akong gusto kay Sir Goldwin. Gusto ko lang talaga ulit makaisa sa kaniya.

Pleasure me, Prof. (Professor Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon